Kabanata 19

1.6K 38 1
                                    

Princess Psalm POV

Ramdam ko ang pagod dahil hindi naman ako pinatulog ni Angel. Magdamag akong gising. Akala ko she surrender pero alam kong may pag asa pa kaya nilalaban ko siya. My profession is to survive life ito ang sinumpaan ko pero bilang isang doctor masakit sa amin mawalan kapag alam namin kaya pa naman ng katawan ng isang pasyente kaya ko ginagawa  ang lahat.

Tumingin muna ako sa nursery room at  pumasok sa loob na malungkot. Tinungo ko ang batang naglalaro sa kaniyang paa at nakangiti na parang Angel dahil sa nakikita niyang palamuti sa taas niya.

"Angelo?" ngiting tawag ko at hinawakan ang isang kamay niya. His smile touches my soul kaya para akong nasa ulap. Ang sarap maging bata sa totoo lang dahil wala kang iisipin na kung ano-ano. Walang iniisip ang mga bata kundi ang pagmamahal lang ng isang magulang dahil provided rin ang lahat-lahat.

" Doctora Psalm?" mahinang tawag sa akin ni Hira kaya napatingin ako sa kaniya.

"AJ is here, " inporma niya sa akin kaya tumango ako bago binaling ang tingin kay Angelo na nakangiti pa rin. His an Angel.

"Sige Hira susunod ako," sabi ko at inayos ang palamuti ni Angelo na siyang nakabitin na nilalaro niya.

Nagawi ang tingin ko kay Angel na kakambal niya. Angel's heart is a weak she had a Congenital heart desease a septal defect and underdeveloped heart. Base sa study sa United Kingdom out of 1000 babies ay isa ang possibleng pwedeng dapuan ng sakit na ganito. Ito ay ang kundisyon kung saan ang puso ng bata ay hindi nadevelop ng maayos kaya mahirapan magpump ang dugo sa heart papuntang katawan at baga niya.

Wala kang pwedeng gamitin kapag mag stop ang pump nito kundi e-survive siya. Buti na lang talaga kompleto ang gamit sa hospital ng daddy kundi mamamatayan kami ng pasyente dahil hindi naman basta - basta operation ang solution ng baby dahil hindi niya pa kaya.

Regarding sa operation ay dapat 2years above ang bata na pwedeng operahan pero may side effect ito dahil sa sakit niya. Children who have heart surgery as infants are at risk for hearing loss, coupled with associated risks for language, attention and cognitive problems, by age for 4.

"Be brave Angel kuya Angelo is waiting you to be his playmate,"malungkot na saad ko habang pinagmamasdan siya na mayro'n oxygen sa ilong at nakadextrose ang isang kamay.

"The pain was in here,"sabi ko at tinapat ang isang kamay ko sa aking puso. Ganitong eksena palang nakakamatay na dahil ang bata palang ng batang ito halos kakambal niya na ang hospital upang mabuhay siya. I kneel and I cried habang hawak - hawak ang isang kamay niya pero yatlong katok sa pinto ang nagpalingon sa akin at agad kong pinunasan ang aking luha at tumayo. Huminga muna ako ng malalim at tumingala upang pigilan ang mga luha ko dahil ayaw kong makita nilang mahina ako lalo na sa mga pasyente.

"A-AJ?"tawag ko kaya kaya kumaway siya sa akin. Naka PPE siya kaya alam kong gusto niyang pumasok kaya pinapasok ko siya.

"Kumusta naman ang mga pasyente's?" tawang tanong niya at nilapit si Angelo na tumatawa naman akala mo nakakaintindi na ang bata. Kinuha niya ito at binuhat at sinayaw-sayaw pa. Akala mo naman kung sa kaniya talaga dahil hindi nalang nahiya.

"Gumawa kana kasi AJ para hindi ka buhat ng buhat ng hindi sayo,"pabiro kong wika pero na alarma ako ng magweak na naman ang Heart ni Angel kaya mabilis kong pinindot ang emergency bills at si Angelo naman ni labas ni AJ.

Patakbong pumasok sila daddy kasama si uncle Thy Ron kaya nagbigay ako ng daan sa kanila at nagbow.

" Anong nangyari?"tanong ni daddy pero hindi ko siya sinagot. Alam niya na ngang emergency magtatanong pa.

"Lumabas ka muna Princess Psalm kami nang bahala rito sa pasyente, " utos ni uncle Thy Ron pero umiling ako.

"I-I can't," utal na sabi ko at umiling pa. My body is shaking dahil sa nangyayari kay Angel dahil mas naging madalas ang pag wala-wala ng heart beat niya.

A Painful Mistake (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon