Kabanata 20

1.6K 39 0
                                    

TATLONG katok ang nag pagising sa akin kaya dahan-dahan akong bumangon. Kinuskus ko pa ang aking dalawang mata bago bumaba sa kama at tinungo ang pinto bago ko binuksan ito. Kumunot ang noo ko dahil bumungad sa harapan ko si Grace.

"Pasensiya na po doctora," unang sabi niya kaya tumango na lang ako sa kaniya bilang isang sagot. Alam niya ang rules ko na kapag natutulog ako wag na wag niya akong istorbohin maliban lang kapag emergency sa mga bata.

"Hinahanap po kayo ni architect Funtanilla," inporma niya sa akin.

"Sige Grace. Susunod ako," saad ko.

"Salamat, " habol ko pang sabi sa kaniya. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas sa clinic ko. Nakita ko si Faith Liesha na naghihintay sa akin kasama na si Grace sa labas ng waiting area para sa mga patient.

"Liesha,"masayang bungad ko sa kaniya kaya tumingin siya sa akin.

"Pasok ka muna," pag-aaya ko pero umiling siya at tumayo. Lumapit siya sa akin at binigyan lang naman ako ng malakas na sampal sa pisngi. Napatulala ako sa malakas na sampal na galing sa kaniya dahil hindi ko inaasahan.

"Ma'am Lie!" gulat na tawag sa kaniya ni Grace. Napahawak na lang ako sa aking pisngi at yumuko.

"KULANG PA YANG SAMPAL PARA SA KAPATID KO PSALM!" sigaw niya at tinulak pa ako ng malakas. She's angry. Napaatras ako pero tinulak niya ako nang malakas kaya na pa sandal ako sa pinto ng aking clinic. Buti na lang talaga na sirado ko ang pinto kundi sa sahig ang bagsak ko. Mabilis na inawat siya ni Grace dahil lalapitan na naman sana niya ako pero pinalayo na siya sa akin.

"YOU RUN MY BROTHER LIFE, PSALM!" sigaw niya at tinuro ako. Hindi ko siya matignan sa mata sa mata dahil galit na galit siya sa akin.

"I'm sorry," hingi ko ng tawad sa kaniya at yumuko.

"Wala ka ng ginawa kundi pa iyakan at saktan ang kakambal ko!" matigas niyang sisi sa akin.

"Simula nung mga bata pa tayo," sabi niya kaya umiling ako dahil hindi ko alam.

"Hindi mo alam dahil wala kang puso Psalm!" sigaw niya at inalis ang mga kamay ni Grace.

"Kaya wag mong aasahan na welcome ka sa pamilya namin dahil hindi mangyayari iyon Psalm. Ikaw ang dahil kung bakit nasaktan ang kuya ko!"

"Kaya wag mong aasahan na maganda ang turing ko sa iyo dahil mas magugustohin ko pa si AZ bilang parte ng pamilya namin kaysa sa iyo. Walang hiya ka! "Huling sabi niya at iniwan kami. Lumapit ang secretary ko at pinaupo ako dahil natulala lang sa pinagsasabi niya.

"T-Thank you...Grace," na nginginig na sabi ko dahil sa pangyayari.

"Doc, okay ka lang?" may pag aalalang tanong niya at pinunasan pa ang mga luha ko.

"Kukuha muna po ako ng tubig doctora ha,"wika niya Grace at patakbong iniwan ako.

Ako yung tipong hindi pumapatol dahil maayos akong pinalaki ng daddy at mommy ko kaya hangga't kaya ko sasaluhin ko lahat. Katulad ng hindi ko alam kung bakit nangyari ang isang pagkakamali at humantong ng ganito na lang. Ako ang dahilan ng lahat kaya ako ang palaging sinisisi maliban lang sa mga magulang at ang kapatid ko.

I am stocked. Ginawa ko naman ang lahat, eh. Sinusubukan ko naman itama ang isang gabing pagkakamali.

Na iisip rin ba nila ang nararamdaman ko? Na iisip rin ba nila na nasasaktan rin ako? I am a human being dahil hindi ako manhid, hindi ako robot na sa akin lahat ng sisi. Kung tutuosin biktima rin lang ako sa isang gabing pagkakamali dahil wala akong alam at wala akong maalala. Gumising na lang ako na ando'n na si Llishan sa kwarto ko at kwapa na kaming hubo't-hubad.

"You want your husband free?" isang seryosong boses ang narinig ko kaya mabilis akong tumayo. Muntik pa akong natumba dahil na nginginig ang katawan ko.

"Daddy!" Gulat na tawag ko sa kaniya at mabilis na yumakap sa mga bisig.

"You want your husband free?" tanong niya ulit.

"D-Daddy...D-Daddy..." Iyak na sabi ko at yumakap ng mahigpit sa kaniya.

"I saw everything. I heard everything, "seryosong wika niya at gumanti ng yakap sa akin.

"D-daddy...D-Daddy..." hagulgol ko.

"Release your pain, baby. Daddy is alway here for you. Daddy always love you, "pag-aalo niya sa akin kaya umiyak lang ako nang umiyak habang mahigpit siyang naka yakap sa akin dahil baka matutumba na ako. I'm drained. Ubos na ubos na ako.

"I-I'm drained dad. U-Ubos na ubos na ako... A-Ayaw ko na... A-Ayaw ko na..." utal-utal kong sabi habang umiyak at umiling sa kaniya. Napaluhod ako sa harapan niya dahil hindi ko na kayang tumayo.

"I-I'm surrender daddy. I surrender my family," sabi ko at yumuko.

"Ibibigay ko na sa iyo ang gusto mo kung ganito man lang pala at humantong na kayo sa sakitan, "sabi niya sa akin. Binuhat ako ni daddy at pinasok sa private room ko at pinaupo ako sa kama. Pinunasan niya ang mha luha ko at hinalikan niya ako sa noo kaya ngumiti ako dahil andito siya palagi sa akin.

"I give you time to think about it. About the freedom. Baka kasi napagod ka lang at gusto mo lang magpahinga. You can rest baby but please inisip mong mabuti ang negative at positive sa decision mo dahil hindi lang ngayon araw ito kundi hanggang sa hinaharap, "sabi niya at hinaplos ang pisngi ko.

"K-kausapin ko muna si Mc, daddy. Thank you, " sagot ko dahil kailangan muna namin mag-usap. Baka maayos pa namin ito bago mahuli ang lahat at isa pa gusto ko siyang wag nang umalis dahil delikado ang Egypt sa ngayon.

"Just talk to me after at para matawagan ko ang uncle Noah mo, "seryosong wika niya sa akin kaya tumango ako. Dumating ang secretary ko at yumuko kay daddy at inabot niya sa akin ang isang mineral water.

"Salamat, Grace!" ngiting salamat ko at kinuha ito bago binuksan.

"Magpahinga ka muna anak," utos ng daddy ko sa akin kaya tumango ako.

"Salamat daddy."

"Ako ng bahala muna dito sa hospital sa mga bata and you need rest," huling sabi niya at iniwan na kami.

"Grace?" tawag ko kay Grace bago siya lumabas sa private room ko.

"Pwede kana sigurong umuwe," sabi ko dahil matutulog muna ako pero umiling siya.

"Babantayan kita at magchismisan pa tayo eh," sabi niya sa akin.

"Hay nako, Grace."

"Akala ko po mabait si ma'am Faith Liesha, no?" tanong niya. Parang natakot rin siya sa galit ni Lie kanina.

"Mabait si Lie, Grace, "sagot ko habang nakatingin lang sa kaniya.

"Bakit nananampal?" simangot niyang tanong at padabog na umupo sa harapan ko.

"Sadyang ako lang ang may kasalanan kaya galit na galit siya," sagot ko.

"Bakit hindi mo sabihin ang totoo, doc?" tanong niya ulit. Itong secretary ko nangingialam na sa akin puros na siya chismis.

"Bakit ayaw mong magpakatotoo sa sarili mo?" sunod na tanong niya dahil hindi ako sumagot sa unang tanong niya.

"Kahit sabihin ko ang totoo Grace, I know that Mc Llishan can not accept me. Dahil hindi ako ang pinangarap niya simula noon at magiging komplekado lang ang lahat kapag gano'n, "sagot ko sinandal ang likod ko sa headboard ng kama.

"Mabait naman si Major, eh. Baka hindi lang kayo nagkaintindihan?" seryosong tanong niya kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Ako ang may kasalanan lahat, Grace. Sapat na iyon upang maintindihan ko dahil sa akin lahat ang sisi, " sagot ko sa kaniya.

"Sige na at tama na iyang tanong. Pwede ka nang umuwe, "pagtataboy ko sa kaniya pero mas lalo siyang sumimangot.

"Dito lang po ako doctora. Babantayan kita sa lahat ng nang aapi sa iyo. Masiyado ka kasing mabait kaya sinasaktan ka," sagot niya rin. Kaya wala akong nagawa kundi humiga na at tumagilid sa kaniya dahil nawalan ako ng lakas.

"Close the door if you want to leave," Huling bilin ko at pumikit na.

Ayaw kong mag isip dahil mas lalo lang akong nasasaktan hanggang sa nakatulog na talaga ako....

A Painful Mistake (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon