Chapter 22

709 17 3
                                    

Maxine Jane Armstrong POV

"Ashton gising na..." Mahina kong sabi.

"Mamaya na. Let's cuddle for a while  hon..."

Bakit ba ang ganda parin pakinggan ang boses niya kahit kabagong gising lang?

"Sus minanyak mo na nga ako kagabi! Tama na yan, may work ka pa."Inirapan ko siya, kahit kailan ang landi-landi niya talaga!

Tumawa siya ng mahina, yakap-yakap parin ako.

"Ako naman yung CEO..."Nakangising aniya.

"Grabe kana talaga Ashton! Hindi kana nakikinig sa akin."
Hinawakan ko yung dalawang   kamay niya na yumayakap sakin at inalis  ito.

"Okay hon, susunod na." He chuckled.

Inagawan niya muna ako ng halik bago bumangon at mas lalo pang tumawa.

"Ang landi mo!"
Naiinis kong sigaw habang siya pumasok sa banyo na tunatawa parin.

"At least ikaw lang yung nilalandi ko!"
Pahabol niya pa.

Binaliwala ko na lang iyon at bumangon na rin. Maglilinis muna ako ng kwarto. May mga katulong naman kami pero sa kwarto namin ni Ashton, hindi ko pinapalinis.

Ako lang dapat.

Naka-alis na si Ashton kani-kanina lang. Kakatapos ko lang din maglinis sa silid.

"Hala! Yung regalo ko pala ka'y Yenny! Hindi ko naibigay!"
Jusko naman Maxine! Ang bilis mong makalimot shit!

"Saan ko nga iyon nilagay?" Tanong ko sa sarili, para na akong baliw dito.

"Eh check ko na lang kaya ang mga kabinet." Ani ko sa sarili.

Isang malaking mamahaling  kabinet ang nandirito sa kwarto namin  at iba pa ang na sa banyo. Kulay puti ito lahat.

Binuksan ko ito isa-isa.

"Wala naman dito..."
Napakamot ako sa ulo.

Nasaan na ba yon? Chenik ko pa ulit ang malaking kabinet na nasa kwarto, pero wala!

Nagalaw ko itong kabinet kaya napa atras ito. Nagulat ako sa nakita.

"Ano to?"

Inatras ko pa lalo ang malaking kabinet. Kinaya talaga ng lakas ko.

Tumambad sa akin ang pader na may lagusan o pinto.

"Hindi ko alam na may ganito pala sa likod ng kabinet!"

May switch ito sa gilid. Hindi ko alam kung para saan ito, hindi naman sinabi ni Ashton bakit may ganito rito.

Pinindot ko ito.

"Please come in boss."

Babae ang boses nito, nagsasalita ba ang pinto? Hala ano to?

Bumakas ang pinto, hagdan pa baba ang bumungad sakin. Bukod sa hagdan wala na akong makita kasi madilim.

"Kailangan ko paba ng flashlight?"
Tanong ko sa sarili.

"Hayst, bahala na nga!"

Nilunok ko muna ang sariling laway bago bumaba.

Pag yapak ko palang  unti-unti ng nag-ilaw lahat.

"Nakakatakot naman dito!" Pero ipinagpatuloy ko parin dahil sa kuryosidad ko.

Nang nakababa na ako, muling umilaw na naman ang  loob, iba ang sa hagdanan iba din dito. Nag-aaksya ata ng kuryente si Ashton.

Malaking sala, may tatlong pinto sa gilid.

Binuksan ko ang una, may nakalagay sa itaas na..
'ROOM 1'

Kama lang naman pala ang nandirito! Binuksan ko yung isa...
'ROOM 2'

Kama lang din ang bumungad sa akin.
Binuksan ko pa yung pinakahuling pinto.

'ROOM 3'

Pero may password, ayaw bumukas.

Pin ang password nito, sinubukan ko lahat ng alam ko kasali na din yung birthday ni Ashton.

"Ayaw parin! Wrong password!"
Inis kong sabi sa sarili.

Hindi sa nag-aasume pero susubukan ko na lang yung birthday ko, baka gumana.

"0924"

May tumunog  rito at tiyaka bumukas ang pinto. Dahan-dahan akong pumasok, maganda ang silid. Lahat naman ata silid rito maganda tiyaka mamahalin.

Pina-ilaw ko ang nasa gilid banda dahil madilim doon. Mabuti nalang at may switch dito para doon.

Takot at gulat ako sa nakita.

Tumambad sa akin ang iba't ibang klasing  baril. Hindi ko alam kung ano ang mga pangalan nito. Lahat ng baril ay nandirito, kompleto ito lahat, may mga bumba, may iba't ibang klasing katana, kutsilyo, dagger lahat ng klasing armas.

Hindi ko alam kung iisipin ko bang mamamatay tao si Ashton, Hindi ko alam kong ito ba ay totoo.

May armas sa baba  na ginamit na may mga bakas na ito ng dugo.

Ayaw kong paniwalaan ang isip ko.

Hindi siya mamamatay tao!

The Twins Obsession Where stories live. Discover now