Pahina 1

1 0 0
                                    

Nilibot ko sya sa buong subdivision at huminto muna kami sa isang park malapit sa subdivision namin

"Bakit kayo lumipat dito?" Tanong ko

"Malapit kasi rito ung company ni dad kaya lumipat kami rito, buti na nga lang may kakilala na agad ako"

Ang ganda ng mata nya kapag ngumingiti...

"Gaano na kayo katagal dito?" Tanong nya

"Ahh, simula bata ako andito na kami"

"Buti pa kayo nagiistay sa isang place, kami kasi palipat lipat" sabay hawak sa aso nyang si Pillow

"Malay mo rito na talaga kayo magiistay" pagpapagaan ko sa loob nya

"Sana nga".

Nagkahiwalay din kami after namin bumalik sa tapat ng bahay nila

Pagkauwi ko hinandaan nako ni nanay ng pagkain at sumabay na rin sya sakin dahil as usual ako nanaman mag-isa

After kumain, umakyat nako para magbihis dahil dadalhin ko si Fluffy sa vet para mag pagupit

After magpa vet, pinasyal ko naman si Fluffy sa mall, habang papunta sa mall nakita ko ang mukha ni mommy sa isang brand ng store, actually di kami pinakilala ni mommy sa television kaya nakakaya kong gumala ng walang nakakakilala sakin.

Isang sikat na actress si mommy, alam ng lahat na pamilyado na sya but lowkey lang dahil ayaw rin ni daddy na lagi kaming nagtatago sa mga paparazzi at walang kalayaan at agree din naman ako

Nagpunta lang kami ni Fluffy sa isang place sa mall na puro dogs para naman makapagbond sya sa ibang mga dogs

Hinayaan ko muna sya at kumain muna ako dahil nakaramdam nanaman ako ng gutom

Umorder lang ako ng isang waffle at isang iced coffee habang tinitignan lang sila maglaro

Nakita ko kung pano magkipaglaro si Fluffy sa ibang dogs na parang bata

Bigla ko lang naisip na kung di lang galit sakin sila kuya siguro hindi ko naf-feel na parang wala lang ako sa bahay, masaya siguro ung childhood ko with them nagkaroon sana kami ng mga masasayang bonding together, but sadly hanggang imagination lang yun and again nakaramdam nanaman ako ng lungkot, maya maya may lumapit sakin na isang dog na golden retriever

Pinatong nya ung kanang kamay nya sa binti ko na parang alam ung nararamdaman ko at gusto nyang mafeel na ok lang ako

Tinap ko ung head nya at ngumiti para malaman nyang I'm ok

Maya maya may lumapit sa aso at nagsorry sakin di ko na sya napigilan dahil ambilis nyang lumabas na parang may hinahabol, napangiti na lang ako dahil sa ginawa nung aso, sana Makita ko ulit sya.

Maya maya umuwi na rin kami ni Fluffy dahil mag gagabi na, alam ko naman na walang pake sakin ung family ko kahit anong oras pako umuwi but my nanay Lolita is always worried of me kaya umuwi nako.

Sinalubong agad ako ni nanay at nagmano na sa kanya naabutan ko si kuya Mark na kakauwi lang din at pagod, babatiin ko sana sya pero dumiretso lang sya sa kwarto nya

"Baka pagod" Saad ni nanay

"Siguro nga po"

Umakyat na lang ako at nagbihis ng comfortable na pantulog maya maya nagdala si nanay ng dinner dahil alam nyang di nako bumababa pag dinner

"Thank you po nanay" Saad ko habang nakangiti

Aalis na sana si nanay pero pinigilan ko sya

"Nay pede nyo po ba akong samahan muna rito?" habang hawak ang kamay ni nanay

"Sge anak"

Tumabi sakin si nanay

"May problema ba?" Habang hinahaplos ni nanay ang buhok ko

Ansarap talaga sa feeling kapag hinahawakan ni nanay ung buhok ko

"Wala naman po nay gusto ko lang po kayo makasama" sabay ngiti sa kanya

"Nako napakalambing mo talagang bata ka, at ang ganda mo pa gaya ng mommy mo" saad nya

Sumandal ako sa balikat ni nanay

"I love you po, sana po makasama ko pa po kayo ng matagal"

Natatakot kasi ako na baka one day umalis na sya sa bahay namin dahil nga may katandaan na rin si nanay Lolita at ayoko mangyari yon isa yon sa kinakatakutan ko

"Mananatili ako rito" sabay turo sa puso ko

"Oh sya sge na at paghahain ko pa ang kuya mo"sabay tayo at paalam sakin

Kumain na lang ako at nagpatugtog sa piano ko

Simula nung naging actress si mommy dahil sa lagi na syang busy because of her career na lagi nilang tinatawag na "star bright" dun din nagsimula na maging malabo ang lahat

Lahat ng pagtrato sa akin, mga pagsasama namin lalo na nila ni dad, parating work ang priority nila kesa samin na mga anak nila, maging sila kuya nag iba na rin, kaya simula non ayoko na sa mga stars dahil lagi kong iniisip na yun ung reason bat nag iba si mommy maging ang lahat

Ung ibang tao manghang-mangha sila sa mga bituin dahil sa liwanag na dala nito at ang ganda pagmasdan pero ako ayoko.

Iniisip ko kung di naging isang "star bright" ang mommy ko siguro masaya kami ngayon, punong puno ng saya etong malaking bahay na ito pero as usual hanggang imagination lang ako

Dinaan ko na lang sa pag tugtog ang lungkot na nararamdaman ko dahil isa rin ito sa nakakapagpagaan ng damdamin ko

Marunong din akong kumanta pero sinasarili ko na lang dahil ayoko maging sikat gaya ni mommy at nabulag na ng puro trabaho at napabayaan na ung pamilya, hindi ako galit sa kanila kahit na ganon ang trato nila sakin dahil sila na lang ang meron ako

Naabutan ako ni nanay na nagtutugtog ng piano at tumabi sa akin

"Napaka gifted mong bata, sana pahalagahan mo yan ah" payo sakin ni nanay

"Opo nanay, pero ayoko po iparinig ito sa buong mundo, alam nyo naman na po yon"

"Mula pagkabata marami ka ng napagdaan, alam kong lumaki kang mapagmahal at matapang kahit na ganun ang mga magulang mo, lakasan mo lang ang loob mo lagi at tandaan mo lang na palagi akong andito" sabay turo sa puso ko

"Alam ko po iyon nanay, I love you po" sabay yakap sa kanya

Kinuha na rin nya ung pinagkainan ko at sinara ang pinto

Nag cellphone na ako at humiga sa kama, hindi ako ganun ka active sa social media dahil mas active ako sa panonood ng mga kdrama

Bigla kong naalala ung aso kanina sa mall dun sa isang movie na pinapanood ko

Maya maya nakatulog nako...

____________________________________________________________________________

<3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My only star (gorgeous_shaii)Where stories live. Discover now