Chapter 36

49 2 0
                                    


"Okay lang ba lahat?" Tanong samin ni Sir Alvin.

"Ayos lang Sir, wala namang nabalian nang buto. Strong ata tung mga alaga mo Sir" natatawang sagut ni Nix.

Natawa nalang din si Sir, kinausap nya yung driver kung anung kailangang gawin.

"Akala ko masisira na ang gwapo kung mukha" malungkot na sabi ni Nathan at kinapa kapa ang mukha nya.

Napa mura nalang ang mga hudlong sa kanya.Napa irap naman ako sa kawalan, talagang yan pa ina alala nya kisa sa kapatid nya at sa buhay nya. Grave.

"Are you okay?" Tanong sakin ng hari.

"Ayos lang, pero yung gulong nang bus hindi"

Grabe sa kamalasan, nasira ang gulong ng bus namin. Sabi nung driver may na daanan daw na matalim na bato kaya pumutok ang gulong, kailangan pang palitan ang gulong.

"Hawakan nyu muna to"

"Huy Nix, kunin mo daw ang tool box"

"Saan"

"Secret para bebowww"

"Anu to?"

"Pang pokpok sa ulo mo"

"Try konga sayu"

"Subukan mo at papatayin kita ngayun"

Sa ganitong problema nagagawa parin nilang mag biro, mga hudlong nga naman.

Buti nalng may pakinabang tung mga lalaki kung classmate, sila yung tumulong sa driver at kay Sir na palitan ang gulong.

Wala kasi kaming makitang bahay dahil nasa gitna nang gubat kami na stock. Kaya ayownn na iwan kami dito, cguro di na namin sila mahahabol maghahanap pa kami ng makakainan dahil sa malamang magugutom tung mga hudlong nato.

Nasa labas kaming lahat dahil baka hindi nila ma pasan ang bus, kailngan kasing pasanin para mailagay yung ano basta yung parang pang hangin sa gulong, ay ewan diko alam name.

"Okay, pag bilang ko nang tatlo eh angat nyu yung bus" sabi nung driver.

"Isa, dalawa, angat" nagtaka naman sya dahil hindi inangat nang mga hudlong ang bus.

Ulol ata ang mga to ah.

"Eh angat nyu"

"Huh, sabi mo diba magbibilang ka nang tatlo saka namin eh a-angat?"

"Oh tapos?"

"Eh hanggang dalawa lang yung bilang mo eh"

Napabuntong hininga si Sir.

Wagka maistress Sir.

Parang gusto ko silang batuhin nang bato. Tangina lang ahhh pinapahirapan pa nila yung driver tssk.

"Ahh ganun bah cge ulit"

"Isa, dalawa, tatlo angat!"

Pag angat nila, nag flex agadt ang mga ugat sa kanilang braso at kamay pati nadin kay Sir. Hindi na ako magtataka kung flexible ang kanilang katawan dahil palageh silang nag g-gym.

Naglatag ako nang blanket at umopo doon. Nasa gilid kami nang daan, may sariling mundo kaming lahat. Humiga si Ci-N sa tabi ko at nag laro sa cellphone nya, habang si Aeron naman ay umopo at binigyan ako nang pangtali sa buhok.

Taka ko namang tiningnan yun.

"Pang tali sa buhok mo" aniya.

Kinuha ko nalang iyon at tinali sa buhok ko, habang nagtatali ako napansin kung nakatulala syang naka tingin sakin na para bang tumigil saglit ang mundo nya.

The Evil Queen Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ