6

9 1 1
                                    

#Disgrasya


Donato

Nagpunta kami sa bahay nina Mang Karding para dumalaw sa burol nito. Pinatiling nakasarado ang kabaong nito dahil nga nakadilat ang mga mata ni Mang Karding at nasa tradisyon na ng bayan ng Katedral na hindi nagbabalsamo ng mga patay kaya madalas ay mahaba na ang tatlong araw na burol at agad na inililibing ang mga patay sa lugar namin.

Kasama pa rin namin si Maya at hindi nakaligtas sa akin ang pagngisi nito habang nakatingin sa kabaong. Nakatayo siya sa may di kalayuan at diretso lang na nakatingin sa kabaong ni Mang Karding.

Biglang uminit ang dugo ko ng makita ang reaksyon nito. Wala itong respeto sa patay at parang natutuwa pa sa sinapit ng kawawang matanda. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagpaalam kay Mommy sala nilapitan si Maya sabay hawak sa siko nito at inilayo sa kumpulan ng mga tao.

Dinala ko siya sa lugar kung saan wala ng taong dumadaan. Nagpupuyos na ang dibdib ko sa galit. Simula ng dumating siya ay wala na akong maayos na tulog, pati panaginip ko pinapasok niya dahilan para mangalumata ako at magmukhang ewan.

Isinandal ko siya sa sa puno ng niyog at ikinulong sa aking mga braso. Nakatukod ang dalawang kamay ko sa kanyang likuran at galit na tinitigan siya sa mga mata. Ngunit imbis na matakot ay nakangisi lang siyang diretsong nakatingin sa aking mga mata.

"Baliw ka ba?sino ka ba?!simula ng dumating ka sa bayang 'to kung ano-ano nalang ang kababalaghang nangyayari!you are a walking disaster!alam mo ba yun?!"singhal ko sa pagmumukha niya.

Bigla nalang lumakas ang ihip ng hangin at kung hindi niya ako itinulak ay tiyak na tatamaan ako ng bunga ng niyog na nahulog mula sa itaas ng puno.

Sa lakas ng tulak niya ay naihiga ako sa damuhan at hindi agad nakagalaw. Napangiwi pa akong sapo ang aking balikat ng mapansin ko si Mayang nanlilisik ang mga mata at naglalakad palapit sa akin.

"Oops, iniligtas ka na naman niya,ang swerte mo naman! "aniya at nagpulot ng malaking bato.

Hindi ako makagalaw,at sapo pa ang balikat na tumama sa nakausling ugat ng malaking punong acacia.

Namilog ang mga mata ko ng nakangisi nitong itinaas ang hawakhawak na malaking bato sa aking harapan, akala ko ay katapusan ko na,ngunit bigla nalang niya itong nabitawan at nawalan ng malay at tumama ang ulo nito sa batong nasa likuran nito.

Hindi agad ako nakagalaw at namimilog pa ang mga mata ng makita ang dugong nagmumula sa ulo ni Mayang tumama sa bato. Mabilis akong tumayo at nilapitan ito,inangat ko ang kanyang batok at ipinatong sa aking hita.

"Maya!Maya.... hey wake up!"

Hindi ko maintindihan ang nararamdamang pag-alala na sumasakop sa aking buong pagkatao.Aminado akong takot ako sa kanya ngunit may parte ng pagkatao kung nagsasabing huwag siyang iwan.

Nag-aalalang hinawakan ko ang kanyang pisngi ng bigla ay nanghihina niyang iminulat ang kanyang mga mata at hinawakan ako sa pisngi.

"Ligtas ka na."

Nanghihina at nakangiting saad niya bago tuluyang nawalan ng malay ulit.

"Shit!Maya?!Maya?!"

Hindi na ako nagdalawang isip na kargahin si Maya at isakay sa aking kotse. Tumawag ako kay Mommy at nagpaalam na dadalhin si Maya sa ospital. Hindi ko na alintana ang mabilis kong pagpapatakbo sa labis-labis na pag-aalala sa kalagayan nito, ngunit sa biglang liko ko ay may babaeng tumawid ng kalsada kaya tuluyan akong nawalan ng kontrol sa manibela at sumalpok sa isang malaking punong kahoy na nasa gilid ng daan.

Nasapo ko ang aking noo at nakita ang bakas ng dugo sa aking kamay, nanghihinang nilingon ko si Maya na nasa aking tabi ngunit nakita ko na lang itong umibis ng sasakyan at nakangising tumingin pa sa akin mula sa labas ng bintana.

Hanggang sa tuluyang nagdilim ang aking paligid at tuluyan na rin akong nawalan ng malay. 

TALE OF MARIA ( Author A Best Pick)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon