Kabanata 6

278 33 7
                                    

KABANATA 6

ㅤㅤㅤㅤISANG MALALIM na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Aaron noong magpahinga siya mula sa pagri-review. Dahil damang-dama niya ang pagkangawit dahil kanina pa siya nakayuko habang nagbabasa’t nagha-highlight ng mga impormasyong palagay niya ay kakailanganin sa susunod na exams, nag-inat inat na muna siya.

After Aaron stretched his arms and legs, he tilted his head from side to side to avoid being stiff-necked. He also let out small groans and grunts as he did so.

“Gagi ka naman Aaron, ang hirap mag-aral kapag ikaw iyong kasama!” dinig niyang biro ng isa sa mga babae niyang kaklase. Natatawa pa ito noon kaya napangiti lang din siya.

Umayos sa pagkakaupo si Aaron bago bumaling sa kaklaseng iyon. “Maingay ba ‘ko? Pasensya naman, ngawit na ngawit na ‘ko e.”

“Hindi ‘yon! Ang gwapo mo kasi. Imbes na mag-focus iyong iba sa ‘min na mag-review, napapatitig na lang sila sa ‘yo e. Hindi ko sinasabing sina Farrah—”

“Gwen naman! Napatitig lang ako saglit kasi iniisip ko kung hihiramin ko ba notes ni Aaron! Ang ayos kasi ng kanya!”

“Sus! Magdadahilan ka pa! Para namang hindi namin alam na nagkagusto ka kay Aaron no’ng ‘di pa natin alam na lalaki rin pala gusto niyan!”

“Past is past!”

Dahil sa pag-aasaran ng mga kaklase, hindi naiwasan ng iba nilang kaklase ang matawa rin o hindi kaya ay maasar sa ingay. Of course, some still complimented—not really because he felt teased—Aaron’s face. Inspirasyon daw ng mga kaklase niyang babae ang mukha niya kung isi-set aside raw nila na lalaki rin ang gusto niya.

“Oo nga pala, Aaron may tanong ako!”

Mahinang humimig si Aaron bago tumango, senyas na magtanong na ang kaklase nito habang hindi pa niya nakukuha ang mood na bumalik sa pag-aaral ulit.

“Kumusta kayo no’ng taga-business ad? ‘Yong Easton?” tanong ng kaklase.

Kumibot ang isang kilay ni Aaron. “Ayun, tao pa rin. Tang ina mo, ‘kala ko naman tungkol sa subject natin itatanong mo.”

“Syempre hindi! Maipapasa ko na ‘yang exam pero tsismis na tsismis na kami sa love life mo, ano.”

“Kaya nga, Ron. Sabi mo dati, ayaw mong matsismis kasi gusto mong nakikitsismis tapos ngayon, ikaw na chinichika ng department natin pati ‘yang si Easton!”

Aaron clicked his tongue. “Bakit? Kasi dati siyang nililigawan ni Josiah ta’s bigla-bigla, sa ‘kin siya dumidikit?”

“Oo!” sabay-sabay na pagsang-ayon ng iilan sa mga kaklase.

Hindi makapaniwalang pinagmasdan ni Aaron ang mga mukha ng mga kaklase niya. Pero nanatili siyang tahimik at sa halip na sumagot ay nag-iwas siya ng tingin sa mga ito para mapaisip.

Bumuntong hininga siya.

Totoo naman ang sinabi ng mga ito. Mas gugustuhin ni Aaron na makitsismis o makipagtsismisan imbes na siya iyong pagtsismisan. E kaso hindi naman niya maiwasang madawit kay Easton.

Mula talaga noong makipag-break siya sa ex-boyfriend niya , ‘tsaka nagsunud-sunod iyong gulo e.

Though, over time, Aaron’s opinion of Easton did slightly change.

Hindi naman na si Easton iyong batang sinapak niya dahil ayaw ibalik iyong English textbook niya. Kung tutuusin, nag-mature naman talaga ang binata’t mas naging ‘approachable’ kahit na madalas pa rin ang bali-balitang nag-aabsent ito kasi naoospital. Siguro dahil na lang din sa hindi na sila mga bata kaya may mga pagbabago na sa ugali ng isang iyon.

Won't Say I'm In Love (BxB, SHORT STORY/COMPLETED)Where stories live. Discover now