Chapter 11 It Feels Different

6 2 0
                                    




CHAPTER 11 It Feels Different








San Martin University.

"Amanda!" Nilingon niya kung sino yung tumawag sa pangalan niya.

"Ria!" Huminto siya sap ag lalakad at inantay itong makalapit sakanya.

"Ang aga mo, anong meron?" Takang tanong niya rito.

"Ahh ehh, wala lang ayoko lang ma-late. Hehehe.." Nakangiting sabi nito.

Nagkibit-balikat na lamang si Amanda at nag lakad na sila papunta sa classroom nila.

"Kumusta pala kapartner si Levi Sarvida?" Out of nowhere na tanong ni Ria, pero ang totoo ay curious talaga siya, dahil sana ay siya nalang ang partner nito.

"Ahmm, okay lang.." Matipid na sagot nito.

"Okay lang? Panong okay lang?" Hindi yata ito na-satisfy sa sagot niya. "May naumpisahan na kayo?" She added.

"Oo, meron na.."

"Really? San kayo nag luto?" Sunod na tanong nito.

"Sa bahay nila.." Pagka rinig niya ay nawala yung ngiti niya sa labi.

"Ah, I see. May mga documentations na kayo?" Tinutukoy nito ang mga pictures.

"Yup! We have.." Ang tipid talaga sumagot. Nag eexpect pa naman si Ria na mag kekwento ito sakanya.

"Patingin naman akoooo.." Hirit niya rito.

Nagtaka naman si Amanda, "Naku wag na, baka matawa ka lang sa mga kuha ko.." She said.

"Sige na, promise I won't judge!"

Napapayag din si Amanda, nilabas nito ang kanyang cellphone at nag tungo sa photo gallery app. Ipinakita iyon ni Amanda. Nakatitig lang si Ria sa mga pictures habang nag sscroll. Bahagyang may kumurot sa puso niya.

Pagtapos non, "Sabi sayo eh, maiinis ka lang sa mukha ni Levi.." Natawa si Amanda.

Kailan kaya ako magkakaron ng photo opportunity with Levi? Ang swerte ni Amanda. Sa isip isip niya. Hanggang pangarap nalang yata ang binata.

Nang makarating sila sa tapat ng pinto ng classroom nila ay nagulat silang dalawa ng datnan nila si Ava. Mag-isa ito at nag-memake-up. Puro lang talaga ganda ang babaeng to. Inis na isip ni Ria. Sabay na pumasok si Amanda at Ria at nagtungo sa kanya-kanya nilang mga upuan. Naka-upo naman si Ava sa tapat mismo ng upuan ni Amanda, dun kasi siya pina-pwesto ng Professor nila.

Walang kibo si Amanda at hindi man lang binati si Ava sa harapan niya. Wala naman kasi siyang pakialam lalo na't hindi naman niya ito kakilala.

"Hi Ria!" Ava stood up and walk towards Ria's spot.

Magkakilala sila?! Takang tanong ni Amanda sa isip niya. Pinanood niya lang ang dalawa. Si Ria naman ay abala sa pag aayos ng gamit niya.

Tinignan niya ito, "Hello Ava.." She smiled at her. Pero deep inside gusto na niya itong patayin sa isip niya.

"Long time no see.." She smirked. "You look good though." Dagdag pa nito.

Na syang kina-irita ni Ria, "Yes Ava, well change for the better huh?" Sarcastic na sagot nito. "Why did you came back?" Hindi na nito napigilan ang mag tanong.

Ava smiling face turned into a serious face, "I came back for him.."

Lalong nag init ang ulo ni Ria sa narinig niya. Si Amanda naman ay nakikinig at tila litong lito na sa nangyayari sa dalawa at kung bakit ganon sila mag-usap. May laman, may something, at may nakaraan na tila gustong maungkat. Kitang-kita niya rin ang galit sa mata ni Ria habang nakatingin ito kay Ava.

Gusto Mo Kape?Where stories live. Discover now