CHAPTER 1

24 3 0
                                    

CHAPTER 1:

San Jose Hospital, 2000 years ago...

“Doc, Nurse! Please, help my wife, she's about to give birth—”

“Don't worry, Sir. Kami na po ang bahala sa Misis niyo.”

Tulong-tulong na inakay ng dalawang Nurse ang isang babaeng buntis na umiinda na nang pananakit ng sinapupunan nito. Isinakay nila ito sa isang wheelchair at i-diniretso na sa delivery room. Akmang susunod na sana ang asawa ng babae sa loob, pero hindi ito pinayagan ng Hospital stuff na naiwan sa labas. Dahil hindi lamang pala ang Misis nito ang naunang ipasok sa loob, dahil kasalukuyan ding may nanganganak doon. Walang nagawa ang lalaki kundi ang maghintay na lamang sa waiting area na nasa labas lamang ng delivery room. Isa lamang Public Hospital ang napagdalhan niya sa Asawa dahil iyon lamang ang pinakamalapit na pagamutan na nadaanan nila habang papunta na sila sa Hacienda ng kaniyang Grandparents. Inatake kasi sa puso ang Lolo niya kaya minadali silang lumuwas para sa huling habilin nito bago ito bawian ng buhay. Da-dalawa lang naman silang apo nito at kapag hindi siya tumupad at dumating sa tamang oras, alam niyang wala na siyang aabutan pa. Mapupunta ang lahat ng ari-arian ng kanilang Lolo sa una nitong apo kung hindi siya magmamadali. Baon pa siya sa pagkakautang kaya mahalaga sa kaniya ngayon ang makukuha at mamanahin niya sa matanda, kaya nga kahit manganganak na ang kaniyang Misis ay minadali niya ito mapaaga lamang ang pagpunta nila. Iyon nga't mukhang tinamaan pa sila ng kamalasan dahil nasiraan pa ang kotseng kaniyang minamaneho sa isang bukirin. Isang kilometro na lang sana ang kanilang kailangang takbuhin, nagkataon pang bigla na lang nanakit ang tiyan ng Misis niya sa alanganin pang oras. Mabuti na lang at may napadaan na track ng gulay sa pinagtirikan ng sasakyan nila at tinulungan sila nitong maisugod ang Asawa niya sa pinakamalapit na Ospital doon. Nakahinga lang din siya nang maluwag dahil hindi nawawala ang maternity kit at gamit para sa panganganak nito sa dalang gamit ng kaniyang Misis.

Kanina pa si Leandro naghihintay sa labas ng delivery room at nagpapabalik-balik sa pagparoo't parito niya. Hindi siya mapakali, panay rin ang tingin niya sa suot na relo. Inabot na ng dalawang oras ang nakalilipas, ngunit wala pa ring balita kung ligtas bang nakapanganak ang kaniyang Asawa. Narinig niyang tumunog ang cellular phone niyang de keypad na Nokia. Nalaman niyang nag-text ang katiwala ng Hacienda ng kaniyang Lolo. Minamadali na siya nitong umuwi dahil kanina pa raw naroon ang nakatatanda niyang kapatid. Baka raw hindi na rin niya abutan pa ang Don kung hindi siya magmamadali, kaya halos mataranta si Leandro nang mga oras na 'yon. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa pintuan ng delivery room at sa hawak na aparato. Nagdadalawang isip kung ano ang pipiliin niyang desisyon. Hanggang sa nanaig ang kagustuhang makuha ang mamanahin niya. Alam niyang mas papaboran siya ngayon ng Don dahil magkakaroon na ito ng apo sa tuhod mula sa kaniya, samantalang ang panganay at lehitimo nitong apo ay nanatili pa ring binata kahit mas matanda ito sa kaniya. Nakadama siya ng kasiyahan sa isiping iyon kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Inihabilin na lamang niya ang Asawa sa Hospital stuff doon at nag-iwan na lamang ng perang kakailanganin nito. At para hindi na magtanong pa ang pinakiusapan niyang tao, ipinaalam niya na lang dito na kailangan din siya ng kaniyang Lolo na naghihingalo na. Babalikan na lamang niya ang kaniyang mag-ina kapag nakuha na niya ang kaniyang pakay sa Hacienda.

Naiiling na nasundan na lamang siya ng tanaw ng isang Nurse na nakabantay sa estasyon doon. Sa isip nito, mas mahalaga nga siguro sa lalaki ang Lolo nito, pero hindi napigilang mapaisip ng Nurse, hindi kasi nakaligtas sa paningin niya ang kislap ng kasiyahan sa sulok ng mga mata ng lalaki. Natutuwa ba ito na mamamatay na ang kamag-anak nito? Napaingos ito at nagkibit balikat na lamang. Bumalik ang nasabing Nurse sa kaniyang ginagawa, ilang minuto lamang ang nakalilipas nang pahangos namang lumabas mula sa delivery room ang isang pawisang Doctor. Hinanap nito ang kasama ng isang pasyente roon.

THE TWINS DESIRE (R18)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant