Kabanata 49

25 1 0
                                    

Matinding sikat ng araw ang gumising kay Bernard. Mag aalas dose na ng tanghali ng makaramdam  ito. Unang nagising si Bernard. Isa isang pinasadahan ng binata ng tinggin ang mga ito , napangiti nalang ang binata dahil ngayon ay okay na ang lahat.

" Salamat Iho at iniligtas mo ang buhay ng anak ko!

Nagulat pa si Bernard ng magsalita si Lando na mukhang kakalabas lang galing sa Kwarto ni Alice.

" Gising na po pala kayo Mang Lando! Bati ni Bernard.

" Kung hindi dahil sa pamilya mo at sayo eh di sana hindi ko alam kung anonh kahihinatnan ng Dalaga ko!

" Naku Mang Lando , Obiligasyon ko pong tulungan kayo at lahat ng nangangailangan lalo na po ang anak nyo na si Alice! Nahihiyang si Bernard.

" Totoo nga ang sabi ni Paul at Peter mukhang iba na nga ang pagtinggin mo sa dalaga ko! Natatawang si Lando at tinapik sa Balikat ang Binata.

" Naku ang dalawang Mokong talaga na yun inunahan pa po pala ako makapagsabi sayo!. Nahihiya at kakamot kamot sa ulong si Bernard.

Napailing nalng si Lando sa pagkapahiya ni Bernard.

Isa isa ng nagising ang lahat.

" Grabe ang sakit ng Likod ko mukhang nirarayuma na naman ako! Anas ni Ka Maryo na hirap na hirap tumayo!

Tinulungan naman ni Peter makatayo ang Albularyo.

" Naku eh tumatanda ka na naman kasi Maryo kaya talagang normal lang na magkarayuma ka! Biro ni Kanor.

" At nagsalita ang walang rayuma eh nakita nga kita kanina na pinupokpom ang balakang at hirap makatayo!.sagot naman ni Maryo dahilan upang magtawanan ang mga ito.

" Ngayong nakakulong na si Rigor , ay mapapalaya narin naten ang mga kalukuwa na naririto! Anas ni Simon at nakatinggin sa Sagradong Bote na nakabalot sa Tela.

" Oo nga Amang , kaya mamayang alas sais ng gabi ay sisimulan na namin ni Maryo anh Orasyon para sa pagpapalaya! Sagot naman ni Kanor.

" Teka nasaan nga pala si Alice? Tanong ni Peter sa mga ito.

" Baka matutulog parin , hayaan nyo lang syang matulog at mabawi ang lahat ng pagod sa katawan nito. Anas ni Simon.

" Ahhhhhhhhhh!!!

Nagulantang ang lahat ng biglang sumigaw si Alice. Nagkatingginan pa ang mga ito at dali daling nagsipagtakbuhan sa kwarto ni Alice.

" Ahhhhhhhhhhh!!! Sigaw ulit ni Alice na parang nananaginip.

" Alicee iha okay ka lang ba? Tanong ni Lando sa Anak habang ginigising ito.

Pero paulit ulit na sigaw lang ang lumalabas sa Bibig ni Alice kaya naman nataranta ang lahat. Biglang nagmulat ng mata si Alice at tuminggin sa kinaroroonan ni Bernard.

" IKAWWWW BINATA! HINDI PA TAYO TAPOS!!! Sigaw ni Alice kay Bernard.

Agad na nagkatingginan ang mga ito , Si Lando ay napaatras at Nagkatingginan si Ka Maryo , Simon , Kanor at ang dalawa pang binata.

" Diba nakakulong na si Rigor? Sino na naman yan? Bulong na tanong ni Peter kay Paul at nakaramdam ng takot ito.

Nakatitig lang naman si Bernard sa dalagang si Alice.

" PANGAHAS KANG BINATA KA! NGAYON SABIHIN MO SAKEN ANG TOTOO? tanong pa ni Alice dito.

Lahat ng naroon ay pigil ang paghinga sa sunod na mangyayari. Maya maya pa ay unti unting bumama sa kama si Alice dahilan para magsi atras ang mga ito.

" Mang Simon ano pong nangyayari? Tanong ni Lando kay Simon.

" Hindi ko din alam nag usal na ako ng Orasyon pero parang walang bisa ito! Anas ni Simon kay Lando.

" Maging kami Amang , parang walang bisa ang mga ito! Sagot ni Kanor.

" MAGSALITA KA BINATA! BAKIT HINDI MO NGAYON MASABI SA HARAPAN NILA HUH? NADUDUWAG KABA? Tanong ni Alice habang papalapit ito kay Bernard.

" Alice ano bang nangyayari sayo? Tanong ni Bernard dito. Hindi maintindihan ni Bernard ang nangyayari sa dalaga , kanina lang ay masarap ang tulog nito ng iwan nya ito kanina.

" NADUDUWAG KA BA BINATA?

Napahawak si Bernard sa kwintas na Krus pero hindi man lang ito umiinit gaya ng nangyayari s atuwing may panganib na darating at mangyayari.

Lumakas pa palapit ng palapit ang dalaga , ng nasa harap na ni Bernard ang dalaga ay biglang sinakal nito ang Binata.

Nagulat pa ang lahat ng biglang....

Dahan dahang inilapit ni Alice ang kanyang mukha sa mukha ni Bermard at buong tamis itong hinalikan.

Lahat ay nagulat sa nangyari maging ang binatang si Bernard.

" Ngayon sabihin mo saken ang sinabi mo kanina habang natutulog ako? Seryosong tanong ni Alice sa kaharap na binata.
-------------------------------------------------------------
Pag kagising ni Bernard ay agad na nagtunggo ito sa Kwarto ni Alice para tingnan ang dalaga kung okay ba ito , Nakita nya rin si Lando na nasa sahig at humihilik pa.

Malayang tinitigan ni Bernard ang dalaga at hinawi pa nito ang buhok na nakatabon sa mukha nito.

" Mahal na mahal kita Alice! Sana lang masabi ko sayo ito ng personal! Anas ni Bernard at hahalikan sana ng binata sa Nuo ang Dalaga ng biglang kumilos ang Amang si Lando kaya napatayo si Bermard at lumabas ng kwarto.

Samantalang iminulat ni Alice ang mga mata at nakita nitong nakatalikod na ang binata.

" Mahal din kita Bernard! Amas ni Alice at muling ipinikit ang mga mata. Nabuo sa isip ni Alice na may gagawin sya para mapaamin ang binata.

-------------------------------------------------------------

Napatinggin si Bernard sa mga naroon na , natatawa at kinikilig sa mga ito.

" Sabihin mo na kasi Apo! Sigaw naman ni Simon.

" Si Amang talaga! Saway ni Kanor sa Ama.

Napatinggin si Bernard sa Amang si Kanor at Kay Mang Lando at napatanggo ang mga ito. Ibinalik ni Bernard ang mga mata sa Dalaga. Inilagay nito ang kanyang isang kamay sa Bewang ni Alice na ikinagulat ng dalaga.

" MAHAL NA MAHAL KITA BINIBINING ALICE SANTOS! MAHAL NA MAHAL! Sigaw ni Bernard at hinalikan ang dalaga.

Hiyawan naman ang mga naroon at nagpalakpakan pa nga ang mga ito.

" Mabuhay ang bagong kasal! Sigaw ni Peter.

Nahinto sa paghiyaw at pag palakpak ang mga ito dahil sa sigaw ni Peter at tuminggin ang lahat.

" Sorry po! Mabuhay Si Alice at Bernard! Sigaw ulit ni Peter.

Tawang tawa naman ang mga naroon sa ginawang pagbawi ni Peter sa sinabi nito at napuno ng tawanan ang buong bahay.

Habang nakamasid at masayang masaya din ang mga kaluluwanag nakatira duon sa bahay habang nakatinggin sa mga ito. Malawak ang ngiti lalo ng  batang si Jenny.

HousemateWhere stories live. Discover now