Chapter 7

82.4K 1.4K 132
                                    

Jillian Fuentes

Weekend.

Nandito kami sa beach resort ngayon kasama lahat ng ka-team. Nagtreat si Coach dahil nanalo kami nong last game.

"Jill okay ka lang ba diyan?" si Jean habang umiinom ng ice tea.

Tumango ako.

Grabe andaming naka two piece. Yon na lang ang tinitignan ko. Hay ang totoo pilit kong kinakalimutan si Anne. Masaya na siguro siya ngayon yon naman ang gusto niya, yong maitaboy ako. Todo iwas na lang ako dahil habang tumatagal nababaliw ako sa kanya.

"Alam mo para kang tanga Jill ilang araw ka nang walang imik."ayaw akong lubayan nitong si Jean. Nag-e-emote ako, storbo talaga siya.

"Jean unggoy ka ba?"

"Bakiiiiiit?"

"Wala naninigurado lang."

"Ulol!"

Natawa rin si Jo na kararating lang at mukhang narinig niya kaming nag-uusap ni Jean.

"Kunyari ka pa Jill halata namang Miss mo na si Anne, di ba Jo?!"

"Oh yeah! Puntahan mo na kasi baka hinihintay ka lang."

"Ayaw ko."sagot ko sa kanila.

Maghapon tulala lang ako. Minsan palakad-lakad at nagtatampisaw. Napansin ko mga negrita na tong mga kasama ko. Kung makababad sa dagat wagas kahit tanghaling tapat! tsk tsk.

Gabi na nong makauwi kami.

...

Two weeks na kaming hindi naguusap ni Anne. Pumasok ako ng canteen kasama tong dalawang kaibigan ko at napansin kong nasa loob siya. Hindi na sana ako tutuloy pa kaso pinigilan ako ni Jean.

"Hi Anne" bati ni Jean kay Anne. Saka niya ako kinaladkad paupo kung saan siya nakaupo. Ngumiti naman siya. Ayokong aminin pero, namiss ko yong dimples nya.

"Anne namiss ka daw ni Jill." sabi ni Jo.

"Ha? Wala naman akong sina-" bago ko pa matapos yong sasabihin ko sabay nila akong siniko.

"Aray!" angal ko.

"Naku need pala namin ni Jo magpunta sa clinic saglit." alibi ni Jean at sabay na silang tumayo at umalis. Naku talaga naman, pasubo yong dalawang 'yon. Mga mokong talaga!

Kaming dalawa ni Anne ang naiwan dito sa table. May sinusulat siya sa notebook niya.

Ano kaya ang sasabihin ko? Sa totoo lang namimiss ko siya. Hanggang ngayon kapag kaharap ko siya andon pa rin yong sobrang kaba. Nakaiwas lang ako ng tinggin sa kanya.

"Jillian?"

"B-bakit?"

Nabubulol ako dahil hindi ko inaasahan na papansinin niya ako.

"Galit ka pa rin?"

Nakatingin siya sa akin habang yong dulo ng ballpen niya dinidiin niya sa gilid ng lips niya. Ang cute!

"Ha? Ba-bakit naman ako ma-magagalit? Hi-hindi, ah!"

Hala ano nangyari sa dila ko? Umurong ata!

"Ihatid mo ako mamaya paguwi." sabi niya na hindi tumitingin sa akin, nakayuko lang siya at nagsusulat. Tama ba narinig ko ihatid ko daw siya? Grabe nagba-blush na naman ata ako.

"Jillian bingi ka ba? O ayaw mo akong ihatid?"

"Gu-gusto! gusto ko!" bwisit na dila to ba't ayaw makisama!

"Okay. Mauna na ako sa classroom. Mamaya na lang."

Parang hindi ako makapaniwala. Gusto niyang ihatid ko siya? Yes!

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now