Chapter 10

87.4K 1.3K 141
                                    


Jillian Fuentes

Napapangiti ako habang pauwi. Magbibikini daw si Anne. Yes! Nawala yong inis ko nong sinabi niyang isusuot niya yong binili kong bikini para sa kanya.

Bakit kasi nagpakita pa yong Tiffany na yon? Sa totoo lang ayoko na siyang makita pa. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin.
Siya lang naman yong ex-GF ko. 3rd year high school ako noon siya naman senior student that time. Hindi ko ineexpect na uuwi pa siya dito sa Pilipinas.

After ko mainlove sa kanya bigla na lang siyang nawala na parang bula after graduation nila. Ayoko ng isipin pa, buti na lang hindi ako pinabayaan ni Jo at Jean nong mga oras na malungkot ako. Buti may mga kaibigan ako na hindi ako iniiwan.

Andito na ako sa bahay. After ko maligo at magbihis umupo ako dito sa sofa, ite-text ko muna si Anne.

["Babe thanks and sorry kanina. Matutulog ka na ba?"]

Habang naghihintay ako ng reply niya maglalaro muna ako ng candy crash, level 50 na ako. Nakakapiga din ng utak talaga tong larong 'to, kasabay nito ay nakikinig din ako ng music dito sa ipod ko 'A thousand years'. Sa totoo lang ang ganda ng lyrics ng kantang to.

Pero medyo inaantok na ako. Napapapikit na ang mga mata ko, hindi ko na kayang pigilan ang antok ko. Tumayo na ko at humiga sa kama yakap-yakap ko tong unan ni Anne. Hanggang sa nakatulog na ako.

...

Ang bilis matapos ng araw. Kinabukasan outing na namin. Isang island sa Zambales ang napili naming puntahan. Kasama si Jean, Jo at ibang barkada.

Pagkagaling ng school ay inayos na namin lahat ng dadalhin. Madaling araw kasi kami magbibyahe. Nong okay na ang lahat nagpaalam ako sa kanila na susundin ko muna si Anne.

Nagbyahe na ako at ilang minuto lang ay nakarating ako rito sa apartment niya.
Kumatok ako at saka tinatawagan ang phone niya kaso hindi sumasagot. Ang tagal bago niya ako pinagbuksan.

"Jillian."

"Hi babe good evening."

Halatang kagigising lang niya nakatulog na pala siya. Humihikab pa.

".....ngayon lang kami natapos sa pagpe-prepare ng mga kailangang dalhin, eh. Kaya ngayon lang ako dumating. Okay na ba ang mga gamit mo?"

Tumango siya.

".....sa bahay ni Jean tayo magstay kasi madaling araw tayo magba-byahe, babe."

Hindi ko alam kung naintindahan ba niya yong mga sinasabi ko.

"Jillian, inaantok pa ako."saad niya saka siya humiga ulit sa kama.

"Saglit lang naman andon na tayo sa bahay ni Jean."

Umupo ako dito sa gilid ng kama. Naramdaman niya siguro na tumabi ako sa kanya kaya tumagilid siya. Hindi na umiimik, alam ko na ang gagawin ko!

Tingnan ko lang kung hindi pa siya magising.

Hinawakan ko yong  mga wrist niya ng isang kamay ko lang saka ako bumulong sa kanya.

"Ayaw mo talagang tumayo, ha?"

Hindi ulit siya umimik kaya dinilaan ko yong gilid ng tenga niya saka ko kinagat.

"Ayyyyy!" sigaw nya.

Hindi ko siya binibitawan.

"Jillian tatayo na ko!"sigaw niya, saka ko lang siya binitawan. Tawa ako ng tawa sa reaksyon niya. Halatang namumula siya.

"....bakulaw ka talaga!"

"Ayaw mo kasing tumayo, eh."

Kinuha ko yong bag niya saka ko siya hinila palabas. Pagkasakay namin dito sa kotse tinalikuran niya agad ako.

Forbidden Flower | JFuentes #1 (GXG) ✔Where stories live. Discover now