Chapter 11

72.7K 1.2K 30
                                    



Jillian Fuentes


Nakauwi na kami from Zambales. Pinakamasayang weekend to para sa akin.
Hindi ko makalimutan yong truth or dare na nilaro namin sa Isla, napapangiti ako kapag naaalala ko yon.

Hinayaan ko muna si Anne, hinatid ko siya kanina sa apartment niya pagdating namin ng Manila at hindi ko na siya ginulo para makapahinga siya at magkaroon siya ng energy para bukas dahil may pasok ulit kami.

Dati ayaw ko ng Monday, ngayon lagi na akong na-e-excite. Siya ang lagi kong naiisip. Baliw na ata ako!

Maalala ko may practice kami bukas kailangan ko rin magpahinga. Makikita ko ulit siya bukas kaya itinulog ko na.

Maaga ako nagising. After maligo at magbihis nagdrive na agad ako papunta sa apartment ni Anne. Susunduin ko siya para sabay na kaming papasok. Ilang sandali lang andito na ako sa labas ng apartment nya.

Kumatok ako rito sa pintuan at binuksan naman niya agad.

''Good morning, babe."

Nakataas ang kilay niya, katapos lang niya maligo. Sexy!

"Ang aga mo ata?"

"Excited ako pumasok, eh"

"Bakit?"

Dahil sayo hindi ko lang masabi.

"Hmm basta."

"Ganon? Magbibihis lang ako saglit"

"Okay."

Umupo muna ako rito sa sofa. After niya mabihis. Go na kami sa school.

"Nagenjoy ka ba sa outing, babe?"tanong ko habang naglalakad kami puntang classroom.

"Yup, ang ganda ng place."

Yon lang? Hindi ba niya sasabihin na dahil kasama niya ako?

"Ako rin nagenjoy."sabi ko na lang.

Kainis paano ko sasabihing mahal ko siya? Wala pa akong lakas ng loob. Magiipon muna ako.

Nakarating na kami rito sa classroom, pumasok na kami. As usual yong dalawa panay pang-aasar ginagawa sa akin.

Puro kami practice this week. May up coming game kasi kami kaya todo ensayo ang ginagawa namin. Pero kahit ganon hindi ko naglalaan ako ng oras para kay Anne, hanggat maaari hindi ako umaalis sa tabi niya.

...

Mabilis dumaan ang mga araw, huwebes na agad. Ihahatid ko si Anne ngayong hapon apartment niya.

"Babe patambay sa apartment mo." saad ko habang naglalakad kami.

"Sure basta behave ka lang."

"Behave naman ako lagi."

"Hindi kaya."

"Oo kaya."

Habang naglalakad kami para kaming aso't pusa, hanggang sa makarating kami rito sa apartment niya. Pagpasok namin napansin ko agad yong bag niya na nakapatong sa sofa.

"May lakad ka, babe?"

"Oo, walang pasok sa Monday kaya naisip kong umuwi this weekend."

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?"

"Hmm? kailangan ko pa bang sabihin?"

"Oo naman. Parang hindi tayo magkaibigan."

"Eh ngayon alam mo na."

"Ang sama mo!"

"Para kang bata."

Tumayo na ako saka ako humalik sa pisngi niya.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now