Chapter 27

85.4K 1.2K 166
                                    

Jillian Fuentes


Kanina pa ako nagiisip habang nakahiga dito sa kama. After ng klase kanina umuwi agad ako para makapagplano. Malapit na ang sa first monthsary namin, may two days pa ako para magplan at magprepare bago dumating yong araw na yon.

Natigilan ako sa pagiisip nang umilaw ang phone ko. Tiningnan ko agad at si Jean pala ang tumatawag. Sus, baka gawin na naman niya akong driver! Sinagot ko na lang din. "Yes, Jean?"

"Jill, nandito ako sa tapat ng bahay mo, tara labas tayo."

"Next time na lang ako sasama busy ako sa pagpa-plano para sa monthsary namin ni Anne."

"Dali na, tutulungan kita basta sama ka sa akin ngayon." pilit niya. Tutulungan daw niya ako?

"Sure ka, ha?"

"Oo, promise." Kinuha ko yong jacket ko na may hood saka agad na lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ng gate andon nga siya naghihintay.

"Saan tayo?" tanong ko pagkasakay ko ng kotse niya.

"Sunduin muna natin si Abby bago tayo pumunta sa bar ni Yana."

"Abby? Okay lang ba kay Hanna na magdate ka ng iba?" naguguluhan ako dito kay Jean. Sino ba talaga ang GF niya?

"Nasa Cebu si Hanna, kaaalis lang kanina."

Grabe, talaga 'tong kaibigan ko.

After 20 minutes na biyahe ay papasok na kami sa main gate ng isang subdivision. Tinanguan niya yong security guard saka kami pinapasok. Nagtataka ako kung bakit dito sa bakanteng lote siya nagpark ng kotse. Sumunod na lang ako sa kanya. Hay bakit ba ako nagpapauto sa Jean na 'to!

Naglakad na kami. Malalaki din ang mga bahay dito at malalayo ang pagitan. Bakit di na lang kaya niya pinark sa mismong tapat ng bahay nila Abby? Adik din tong kaibigan ko, eh.

"Jill, yumuko ka." Nandito kami sa tapat ng isang malaking bahay. Yumuko rin ako at ginaya ko siya saka kami dumikit dito sa bakod, naglalakad kami habang nakayuko. Ano ba tong ginagawa namin? Para naman kaming magnanakaw.

"Jean gago ka! Bakit ba tayo nagtatago?!"

"Huwag kang maingay itatakas natin si Abby."

"Ano?!" Utang na loob! Bakit ba hindi ako nagiisip at sumama agad ako sa bugok na 'to.

"Grounded kasi siya dahil nong huling magkasama kami hindi siya umuwi agad." paliwanag niya na halos pabulong lang.

"Gawin mo na lang 'to magisa! Ayokong sumama sayo."

"Bahala ka, sayang bago pa naman yong Yacht ni Dad."

"Eh ano naman. Akala mo ba maiinggit ako." Inggitin ba ako! Alam kasi niya na ayaw bumili ng yacht ni Dad. Asar!

"Sinabi ko ba. Hindi ka talaga marunong, hindi mo ba alam na mas romantic kung idi-date mo si Anne gamit ang yacht." Aalis na dapat ako pero napaisip ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya!

"Sige sasamahan kita pero ipahiram mo sa akin yong bagong yacht, ha?"

"Oo. Tsaka pwede ba hinaan mo yang boses mo ang lakas, eh."

"Oo na!" Nagsimula ulit kaming maglakad. Nakayuko pa rin kami papuntang gate nila Abby saka sumilip. May isang guard sa Main door nila. "Anong gagawin natin, Jean?"

"Sa bandang gilid tayo dumaan."sabi niya kaya umikot ulit kami. Pagdating namin dito sa gilid ng bakod naghubad siya ng sapatos. "Jill tulungan mo ako makaakyat tapos hintayin mo kami ni Abby dito, ha."

"Okay." Lumuhod ako para makaangkas siya sa balikat ko saka ako tumayo. Putik ang bigat! Humawak siya sa bakod saka umakyat. Kaloka! Sa itsura naming to akalain mong mamagawa namin to. Naisip ko tuloy na napakaswerte ni Jo dahil ako madalas isama ni Jean sa mga kalokohan niya.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now