Chapter 20

101K 1.5K 199
                                    



Jillian Fuentes




"Babe ayokong nakikita kang malungkot." sabi ko sa kanya nong palabas na kami ng sinehan saka ko hinawakan yong kamay niya. Ngumiti siya pero halatang malungkot pa rin siya.

"Yow!" boses ni Jean. Napalingon kami pareho ni Anne. Nandito pa pala 'tong dalawa.

"Sabi ko na nga ba nagtatago kayong dalawa." sabi ni Jo. Alam talaga ng mga 'to kung saan ako nagpupunta, kaya nilang basahin ang isip at galaw ko.

"Akala ko naman umuwi na kayo." sabi ko.

"Aysuuuuus!!" sabay pa sila. Natatawa talaga ako, syempre dumidiskarte ako sa babe ko.

"Tara ulit sa boutique baka andon na yong make-up artist." sabi ni Jean.

Kanina kasi nagpunta kami sa boutique kung saan siya nagpagawa ng dress kaso wala pa yong make-up artist. Trial lang ang gagawin at kapag nagustuhan niya ay iyon na ang kukunin niyang magmake-up sa amin sa birthday niya.

"Sige tara." sabi ko.

Hawak ko pa rin ang kamay ni Anne.

"Babe?"

Hindi siya umiimik. Nasanay kasi ako na bawat galaw ko eh nagsusungit siya.

"Jillian, okay lang ako."

Aba ngumiti na siya. Namiss ko yong ngiti niya.

Andito na ulit kami sa boutique. Umupo muna kami rito sa mahabang sofa pero si Jean tumayo para kausapin yong Manager.

Kinuha ko yong magazine saka nagbasa kuno. Picture lang talaga ang tinitingnan ko dahil hindi talaga ako mahilig magbasa.

"Jill." si Jo.

"Hmm?" Nilingon ko siya. Kinuha naman ni Anne yong hawak kong magazine.

"Pwede ka bang makausap pagnakauwi na tayo?"

"Oo naman, may problema ba?" 

Mukhang may problema siya.

"Basta." sabi niya saka siya umiwas ng tingin at nagbasa din ng magazine.

"Okay."

Tumingin ulit ako sa magazine na binabasa ng babe ko. Tahimik lang siya kaya ginawa ko dahan-dahan kong hinawakan yong bewang niya.

"Jillian, tingnan mo ang ganda ng dress na 'to." tinuro niya yong dress na nasa magazine.

"Yep, tingin ko bagay sayo." hindi siya umimik basta nilipat niya sa ibang page yong magazine.

"Babe, pwede patingin ng dimple mo namimiss ko na kasi, eh."kung magusap kami parang wala si Jo dito sa tabi namin.

Tumingin siya sa akin saka siya ngumiti. Ang cute!

"Babe, hindi yan ang gusto kong dimple." bulong ko sa kanya.

"Ano pala?" seryosong tanong niya.

"Yong dimple mo sa pwet." pinipigil ko yong tawa ko. Tiningnan niya ako nang masama saka ito nagtaas ng kilay.

"Tadyak gusto mo?"

Ang sungit naman.

Sumeryoso na ako at umiwas nang tingin sa kanya, habang nililipat ko yong page ng magazine na hawak niya ay lumapit sa amin si Jean.

"Guys favor, sino ang pwedeng make-upan at magfit ng dress sa inyo?"

Agad akong tumayo, syempre hindi ako ang pupunta. Hinawakan ko ang kamay ni Anne saka ko siya hinila patayo.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang