Chapter 9

134 5 0
                                    

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at hawakan ang dalawa kong balikan.

"A-anong sabi mo iha, ikaw si Vanilla Maelstrom!?" Singhal niya kaya mabilis akong napatango.

"Ahh! Yes! Buti napunta ka sa akin, o ito iha sulatan mo na 'yang mga form babalik ako. And call me Madam Lady, 'yon ang tawag sa akin ng lahat " aniya habang may malaking ngiti sa kanyang labi at saka umalis.

Ok, what was that? At saka nagpapasalamat siya na napunta ako sa kanya? So it means alam niyang may iba pang nag-aalok sa akin ng trabaho. Kaloka ano bang nangyayari!? Saka parang kilala niya ako.

Hay, bahala na ang mahalaga suwinerte na ako ngayon! Yippie!










































Rogue's P.O.V.

"Noir, aalis muna ako"

"Ha? Saan naman po kayo pupunta saka umagang-umaga aalis kayo?"

"Silence, don't follow me"

Agad akong umalis ng palasyo habang nakabalabal.

Pumasok ako sa isang shop ng potion.

"Manong.."

"O iho, ang aga mo naman"

Pinakita ko ang aking mukha at napaluhod naman siya.

"M-magandang umaga, kamahalan. Ano pong kailangan ninyo? Masaya po akong binisita ninyo ang shop ko"

"Kapag nakita mo siya, alokin mo siyang magtrabaho dito. At kapag naalok mo siya..." habang pinapakita sa kanya ang larawan ni Vanilla

"I'll give this to you and don't tell her about this" sabay pakita sa kanya ang isang gold bar kaya nanlaki ang mga mata niya.

"M-masusunod kamahalan! Sisiguraduhin kong dito po siya magtatrabaho"

"Good" aniya ko saka umalis at pumunta pa sa ibang mga shops hanggang sa napunta ako sa isang malaking restaurant.

Mukhang magandang trabaho 'to para sa kanya.

Pagkapasok ko ay sinalubong ako ng isang matandang babae.

"Ikaw ba ang may ari nito?" Deretso kong tanong.

"Ah. Yes I am, pero sino ka muna?" Maarteng tanong nito.

"Let's talk" sabay turo ko doon sa may eskinita.

"O-oh my... doon tayo mag-uusap? Shigi.." sabay inikot-ikot ang katiting ng buhok gamit ang hintuturo kaya napairap ako.

What a creepy old woman.

Pagkapunta namin sa eskinita ay napayakap siya sa kanyang sarili.

"M-matanda na ako... pero ayos lang ba talaga sayo? Ehe!"

Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

What a disgusting old woman. Is it really ok for her to work here?

Ipinakita ko sa kanya ang aking mukha kaya napanganga siya at napaluhod.

"O-oh my..! I apologize for all I've said to you, Your Highness. Please spare my life" aniya habang pinagdikit pa ang dalawang kamay na animo'y nagdadasal.

"Tch! Don't worry I won't kill you. I'm just came here to let her work to your restaurant" at ipapakita ko sana ang larawan ni Vanilla nang mailipad ito.

"Tch! Just ask her name, her name is Vanilla Maelstrom"

"And if you recruit her, I'll give this to you. And don't tell her about this" sabay pakita sa kanya ang gold bar kaya kuminang naman ang mga mata niya.

The Demon King's Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon