Chapter 13: The Truth

368 25 1
                                    

Chapter 13: The Truth

Nagising ako nang mga madaling araw. At parang naramdaman ko rin kasi na wala na akong katabi sa kama. I was used to sleeping alone in my bed. Pero fresh pa sa akin ang nangyari sa amin ni Noah just last night. I can't help it but to smile as I remember everything that happened to us.

Pagmulat ko sa mga mata ko at nakita kong wala nga sa tabi ko si Noah ay bumangon na rin ako. Hinanap ko siya sa apartment ko and I found him in my art room. I saw him there standing in front of my painting of Zachary again...

Dapat ay mas tinago ko na itong mabuti. Hindi na rin naman talaga relevant pa sa akin.

"Noah..." I called him gently. Kumapit ako sa puting kumot na ito lang ang tinapis ko sa hubad ko pa ring katawan galing lang sa nangyari sa amin ni Noah...

We fell asleep together and then I didn't expect I'd wake up without him by my side...

Lumingon siya sa akin na kakapasok lang sa pintuan ng artwork room ko.

Nakatayo siya roon sa harap pa rin ng painting ko noon sa kay Zach. Lumapit naman ako sa kaniya. "What are you doing here?" I asked him.

Tumingin naman siya sa akin. At nagtagal ang tingin niya. Nakatingin lang din ako sa kaniya...

"I'm really curious..." He said after a while.

"May I ask... May I know who is this person?" He turned back to look at my old painting of Zachary.

Napatingin din ako roon. Bago ako muling bumaling kay Noah at nakita kong nakaabang na rin siya sa pagbaling ko at isasagot ko sa kaniya. I didn't know how to tell him at first. But then I thought to myself to just be honest with him. Especially that I'm serious about my relationship with him now. Lalo pa ngayon pagkatapos na may nangyari na sa amin. I just want to be with him forever...

At sa totoo lang ay natatakot din talaga ako na baka may hindi pa magandang mangyari sa relasyon namin ngayon. Paano kung hindi na pala ako matanggap ni Noah pagkatapos kong sabihin sa kaniya ngayon ang totoong nangyari sa akin bago pa man kami nagkakilala rito sa Dumaguete? The truth about me and my twin sister, and her fiance...

I still have doubts and fears of telling him the truth. Because he might also think that I was a bad person for doing that to my own sister. Pero hindi ko naman sinasadya iyon... At pinagsisisihan ko na rin ngayon ang nangyari.

I looked at Noah. Tiningnan ko siya sa mga mata. In the end I still chose to be honest with him. Despite the fear that I'm feeling. Because I didn't want anymore misunderstanding between us someday... If I wouldn't tell him this now.

Dahil alam ko na isang araw ay malalaman din ni Noah ang tungkol sa parteng ito ng pagkatao ko...

"Noah..." I called before I turned to Zachary's painting again. "This man here... is my sister's fiancé." I said. Pagkatapos ay muli ko siyang tiningnan.

Nakatingin lang din naman siya sa akin at naghihintay sa sasabihin ko pa. I let out a small sigh before I continued.

Bahagya rin akong napalunok nang konti.

"His name is Zachary... I painted this back then..." Tiningnan ko muli iyong painting at bahagya ko pang hinawakan ang edge ng canvass pero binitiwan ko na rin. "Matagal na rin ang painting ko na 'to. Hindi ko na nga dapat dinala pa ito rito sa Dumaguete. Pero nasali na lang din yata sa mga pinadala rito sa akin nina Daddy na gamit ko sa artwork room ko rin sa bahay namin sa Manila."

Pagkatapos ay muli kong binalingan si Noah. Humugot din ako ng lakas at tapang sa loob-loob ko bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Zach was my friend... Kasabay namin siyang lumaki ng kakambal ko. Yes, I have a twin sister, Noah." At halos ngayon ko lang din naisip sa sarili ko na hindi ko pa pala iyon nasasabi o nababanggit man lang sa kay Noah. Because I didn't really wanna talk about what I left in Manila... Even about my twin sister...

But now I have to. I just know that I have to...

Nakatingin lang din sa akin si Noah, and as he patiently listened to me. I continued.

"But one night... broke our bond..." I said. At nararamdaman ko na rin ang parang humigpit sa dibdib ko. It's like it was twisting my heart that it pained me, too. I tried to breathe more to calm myself down. "Zachary... He mistook me for my sister... And something happened to us on that night..." I stopped there to watch Noah's face and waited for his reaction.

Nang wala akong marinig sa kaniya at bahagya lang umawang ang labi niya sa nalaman sa akin ay pinili ko na lang na ipagpatuloy ang kwento ko. "And I was blamed by my sister and our parents to what happened between me and Zach... But I feel like he was blamed less than me, kahit pa dalawa naman kaming responsible dapat sa nangyaring pagkakamali..." I said.

"Kaya ako nakarating dito sa Dumaguete... That's why I moved here... That's my reason." I said and I watched his face for his reaction again.

At pagkatapos ng ilan pang sandali ay nagsalita na rin si Noah. "I'd like to call him an asshole, but I'm an asshole myself as well..." He said na parang may iba pang laman ang sinabi niya at napatingin din siya sa ibang bagay na para bang may naalala rin siya sa nakaraan...

And then he looked at me again and gave me a small reassuring smile. Pagkatapos ay inabot niya ako at marahang hinawakan. "Are you okay now? I think that's just what I want to know." He said to me.

At parang doon pa lang bumuhos na lalo ang emosyon ko. My lips tremble and I blink my eyes to prevent my tears from falling. Am I such a crybaby to get so emotional like this...

Unti-unti na lang naman ako na tumango kay Noah. Pagkatapos ay mabilis na lang din ako na yumakap sa baywang niya para maitago ko na rin ang mga luha sa mga mata ko. At ibaon ang mukha ko sa dibdib niya. "Yes... I'm okay. I'm fine now, Noah... Because we met when I went here in Dumaguete. And you're here now... with me." I said as I hugged him a little more tightly.

At naramdaman ko naman ang pagyakap din sa akin ni Noah. Napapikit ako habang nasa loob ako ng yakap niya. And I just let myself feel the warmth of his embrace.

I like it when Noah hugs me. I feel protected, safe, and loved...

"What was his reason..."

Marahan akong kumalas sa yakap ni Noah para tingnan ko siya. "He said that he only mistook me for my twin sister..." I said.

Umiling naman si Noah. "I don't think I can ever mistake you for someone else, Zeph... Even if it's your twin sister." He shook his head. "I'd probably know if it's you or not." He said like he thought about it, too.

Nakatingin ako sa kaniya. And then he lifted my head up to look at him and his eyes through his fingers on my chin...

Pagkatapos ay inabot ng mga labi niya ang labi ko at nagpaubaya naman ako. And after kissing my lips he also left some gentle and feathery kisses on my face down to my skin...

Nagkatinginan kami pagkatapos niya akong halik-halikan. Napatingin din ako sa katawan niya na hubad pa ang upper body niya at walang shirt, only his pants na nasuot niya na marahil kanina nang bumangon siya.

And then he lowered his head to kiss my lips again. And I just let him. And then he stopped for a while to whisper in my ears. "I feel like I want you again, Zeph..." He said.

Napangiti na lang naman ako sa sinabi niya at tumango ako sa kaniya. Pagkatapos ay agad na rin siyang kumilos at binuhat pa ako into a bridal style. Bahagya naman akong napatili nang konti sa ginawa niyang pagbuhat sa akin. Pero napangiti lang din muli habang nakakapit naman ako sa braso at leeg niya habang nasa ganoong ayos kaming dalawa.

Ngumiti rin sa akin si Noah at dinala na ako pabalik sa kwarto ko...

It Was All a Mistake Where stories live. Discover now