15

2.9K 64 0
                                    

"Can i borrow the shoes you will gave  me sana earlier? I badly need that right now because my feets hurt and i can't walk na"pagrereklamo ko, "i deal with your plan and sana naman maawa ka sa akin at ibigay mo na ang gusto ko"





"Malayo na yung kotse natin, matatagalan pa bago ako makapunta dito dahil nasa pinakadulo na tayo ng lupain"sabi nya at bumuntong hininga akong napaupo sa sahig habang hawak ang paa ko,



"I can't take this anymore yuan, i need someone who can help me to walk" pag iyak ko.




Maya maya pa ay itinayo ako ni yuan, lumuhod sya sa harapan ko at itinanggal nya ang heels ko,




"Anong gagawin mo? Ayokong maglakad ng nakayapak mr yuan! Ayokong may kahit na anong dumi sa paa ko!" Sigaw ko pero unbothered lang sya,




Habang sinisigawan ko sya ay nagulat na lang ako nang bigla nya akong buhatin.



"Hey! Hindi ako bata for you to carry me like a baby!"sigaw ko,



"Iuuwi na kita sa bahay nyo at sasabihin ko na lang na sumakit ang paa mo dahil sa ayaw mong tanggapin ang inalok kong sapatos sayo"sabi nya,




"So ako pa papasamain mo?!"singhal ko at ipinasok na nya ako sa loob ng kotse sabay paandar nito.



"Hindi kita pinapasama im just telling the truth, diba ayaw mo naman talaga ng inalok kong sapatos kaya ayun ang sasabihin ko"sabi ni yuan at napabuntong hininga akong napairap.



Pag dating namin sa mansion ay nakita kong may kausap si dad at si mom na babae,


Malayo palang kilala ko na agad sya kaya lumakas ang pintig ng puso ko at kahit wala pa syang sinasabi ay mataas na agad ang dugo ko at galit na nararamdaman sa kanya dahil malaki talaga ang galit ko sa kanya,




"Oh venice is here"sabi ni mommy sabay lapit sa akin at beso sa akin,



"Anong ginagawa nya dito?"tanong ko at lumingon ang babae,




Short hair sya na may bangs, ang mukha nya ay mas mataray sa akin, may seductive look pa sya kay yuan kaya mas lalong tumaas ang kilay ko sa kanya.




"Uh stacy finally you are here na, i want you to meet your cousin esmeralda and esmeralda meet stacy" ngiting sabi ni dad at bumuntong hininga ako,





"I don't need to meet and know her because i don't like her anyway"pag irap ko, "aakyat na po ako dad, it is just a waste of time to meet that kind of shit"




"Stacy, i warn you already"sabi ni dad at napairap na lang ako at umakyat na,




Pag akyat ko ay sinundan naman ako ni yuan hanggang sa makarating ako ng pinto ng kwarto ko,




"Stacy let's talk nga"



Napalingon na ako sa kanya at tinaasan ko na sya ng kilay,



"Don't even follow me dude"irita kong sabi,




"You're so mean naman sa cousin mo, wala naman syang ginawang masama para i-dislike mo sya ah pero bakit napaka- attitude mo naman sa kanya" sabi nya at napairap akong nag krus ng braso,




"I just don't like the way she stare at you" sabi ko at nakita kong napangiti si yuan na nang aasar kaya tinaasan ko sya ng kilay,




"Nagseselos ka 'no kase baka mamaya maging kaagaw mo sya sa asawa mo" sabi nya at napairap ako, "don't worry, sayong sayo lang ako"





"Hindi ako nagseselos, sadyang ayoko lang sa babaeng kung makatitig sa lalaki ay parang aagawin nya at isa pa, malaki na ang galit ko sa kanya and you don't need to know that reason pa kase baka ikalat mo pa sa magulang ko,  chismoso ka pa naman"sabi ko at natawa si yuan,




"Hindi naman iyon yung reason e, sadyang nagseselos ka lang e"sabi nya sabay pantay nya sa height ko at ngisi,



"Paano na iyan miss stacy guillermo, wala pa tayong label nagseselos ka na, paano pa kaya pag naging tayo na talaga?"sabi nya at tinaasan ko sya ng kilay sabay tulak ko sa kanya,

"Hindi ako nagseselos, huwag masyadong assuming huh, i just need some rest kaya umalis ka na"sabi ko sabay dabog ng pagsara ng pinto.

Habang nagbeauty rest ay narinig ko ang malakas na pagkatok sa pinto ko, bumuntong hininga ako at binuksan iyon, akala ko it is just a sermon lang ni dad pero hindi ko ineexpect na may sampal pala kaya napahawak ako sa pisngi ko at may nakakunot na noo,




"You slap me that hard? Anong atraso ko sayo dad?"tanong kong naghihingalo at malakas ang pintig ng puso sa kaba at sa sakit na nararamdaman ko,




"Hector!"takbo ni mommy para awatin si dad,



"Bakit kung kausapin mo ang pinsan mo ay parang hindi mo pinsan?! Anong dahilan for you to dislike your cousin?!" Singhal ni dad at natawa akong napahinga nang malalim,




"So that is the fucking reason behind that painful and hard slap na hindi ko naman naranasan from you? Dad come on"pag patak na ng luha ko nang unti unti at hindi na alam kung paano ma- express ang nararamdaman sa kabila ng sakit ng sampal at sigaw ni dad, "pati rin po ba sa taong gugustuhin at kamumuhian ko ay kayo ang may control? Napaka- unfair naman po dad, sobrang unfair kase tao rin po ako, may nararamdaman rin po ako at tao ako na may kinamumuhian rin at dapat hindi nyo na po iyon kontrolado"


"Hector naman"sabi ni mommy sabay lapit sa akin at yakap, habang si dad ay tulala,

"Wala na kase syang respeto, pinakilala ko sa kanya ang pinsan nya ng maayos tapos aalisan nya lang tayo?!"pasinghal ulit ni dad at tiningnan ko sya,


"Kilala ko na si esmeralda dad kaya hindi ko na kailangan syang makilala pa because she is the person na sinira ang reputation ko nang nag aaral pa ako sa ibang bansa kaya hindi nya deserve ng welcome ko"sabi ko,




"Hey guys! Nandito pala kayo, kanina ko pa kayo hinihintay sa baba"


Napalingon si dad kay esmeralda at nakita ko ang matalas nyang tingin dito,



"Esme, tapatin mo nga ako, are you ruining my daughter reputation?" Taas kilay na tanong ni dad sa kanya, napatingin sa akin si esmeralda sabay balik nang tingin kay daddy,



"Tito you know me naman na mabait ako, si stacy pa gagawin kase alam mo naman kung gaano ka-sama ang ugali nyan pero ako hindi ko iyan gagawin 'no, nagawa na naman sya ng kwento" sabi ni esmeralda sabay tawa,




"Esmeralda, hindi ka ba kinikilabutan sa mga pagsi-sinungaling mo?"tanong ko,



"At hindi ka ba nanginginig sa ka-immature-an mo stacy? Tutungtong na tayo sa legal age stacy kaya please lang tigilan mo na ang pagiging story maker"sabi nya,





"Fuck you esmeralda! Hindi ako nagawa ng kwento---




"Stacy! Sawa na ako sa attitude mo, pati ba naman sa pinsan mo ganyan ka? Hindi kita pinalaki para maging sinungaling!"






"Hindi ako nagawa ng kwento dad----



"Stop! Tumigil ka na stacy"singhal pa ni dad, "tara na esme, tara na Margaret, masyado mo kaseng iniispoiled ang batang iyan kaya natututong mag sinungaling"





Imbes na i-comfort ako ni mommy au inalisan nya ako dahil takot rin sya kay dad, mas kinomfort nila si esmeralda than me, hindi ba nila alam na kaya ako ganito, kaya ako demonyita ngayon at palaban ay dahil kay esmeralda? Sya ang demonyong binago ako at sya ang taong sumira ng reputation ko sa ibang bansa kaya ayoko ng bumalik pa doon.




Si esmeralda guillermo ay ang taong sinira ako nang purong-puro, pagkatapos nya akong demonyohin ay pa-victim na sya na tila wala ng alam at bait-baitan na para ako ang mapasama.






______________
_________________
:)

Taming The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon