CHAPTER 36

5.5K 191 12
                                    





Hi! I have 21 completed and pay to read stories on Patreon and vip group, baka gusto niyo pong basahin! Dm niyo ko sa fb page ko.






"Bakit parang hindi po yata maganda ang gising ni Mayor Ma'am Serenity?" Tanong ni Lina matapos salubungin ang kanyang boss sa tapat ng bakery. Dati kase ay bumababa pa si Mayor Primo sa sasakyan pero kanina ay hindi man lang ito bumaba gaya ng dati at umalis nga ito agad.



Natawa naman ako dahil sa tanong ni Lina sa akin. "Talagang hindi maganda, tanong kase siya ng tanong kung ano daw ba talaga ang gender ng anak namin pero as usual hindi ko pa din sinasabi sa kanya."



"Hala Ma'am eights month na po ang tiyan niyo diba? Eh bakit hindi niyo pa po sabihin kay Mayor?"

"Eh kase plano ko naman na din talagang sabihin sa kanya ang tungkol doon kaso hindi ko pa tapos 'yong ginagawa kong surprise sa kanya." Kuwento ko naman, eights months na nga ang tiyan ko at habang tumatagal at papalapit ang panganganak ko ay parang mas bumibigat din talaga ang tiyan ko. I'm really gaining weight at buti na nga lang hindi pa naman ako umaabot sa punto na nangingitim na ang leeg at mga singit. Isa kase talaga 'yon sa wino-worry ko dahil sabi ni Ate Sienna ay hindi daw babalik agad ang kutis mo kapag gano'n.




Kaunti na lang at makikita na namin ang baby namin at excited na excited talaga ako. Parang kailan lang no'ng nangyari 'yong kunwaring pangingidnap sa asawa ko na halos isa't-kalahating buwan na din ang lumipas tapos heto na at manganganak naman ako.



"Kaya pala, para tuloy ako na ang naaawa kay Mayor Ma'am kahit pa may time na nakakainis siya." Ani ni Lina nang nasa loob na sila ng bakery. Buti nga at kahit malaki na ang tiyan ng Ma'am Serenity niya ay talaga din namang nagpupunta pa din ito dito. Pero may time na kapag nahihirapan talaga ito ay doon na lang ito sa mansyon at siya na lang ang nag-aasikaso dito. 



"Ako din naman naaawa na sa kakakulit niya sa akin pero kase gusto ko talagang matapos muna ang surprise ko sa kanya." Actually 'yong kabilang kuwarto na katabi mismo ng master bedroom ang pinaayos ko, and of course I asked his permission first if puwede kong ipa-pintura ang buong kuwarto at pumayag naman syempre. Pero kulay puti lang ang pina-pintura ko kaya naman ng makita niya 'yon kaninang umaga ay parang dismayado siya, he's expecting it to be color blue or color pink pero hindi naman 'yon ang nangyari dahil puti nga ang buong kuwarto. Kaya totally wala pa din siyang idea sa gender ng baby namin.





   "Ano na naman ang ginagawa niyo dito? Busy ako, nakita niyo naman ang mga nasa ibabaw ng lamesa ko." Agad na sabi ni Primo ng makita si Noah at Elijah na pumasok sa kanyang opisina. Natanggap naman niya at nabasa ang text message ni Noah sa kanya na dadaan nga daw dito sa munisipyo pero hindi naman niya ito nireplayan dahil busy nga siya kanina. 



"Ang sungit naman ng Mayor na 'to, miss ka lang namin kaya ka namin binisita." Pabagsak na naupo ang dalawa sa upuan na naroon din sa harap ng lamesa ni Primo. 



"Tsk, may pasok Noah kaya bumalik ka na sa bayan mo at mag-trabaho." Paninita ng alkalde sa kaibigan niyang congressman. 



"Dumaan lang naman kami dito, alam mo na inom tayo mamaya." Tinaas-taas pa ni Elijah ang mga kilay na para bang nagsasabing mag-oo si Primo. 



Tiningnan naman ng alkalde ang kanyang rilo pang-bisig at nakitang alas onse pa lang ng umaga. Minsan talaga tukso na ang lumalapit sa kanya eh. Ni wala pa ngang tanghalian tapos mag-aaya na 'tong dalawa na 'to na mag-inom? At buti na lang at hindi kasama si Garreth na isa din malakas mang-gatong. 




Call Me Mayor Book 02Where stories live. Discover now