Chapter 5

81 4 0
                                    

"si daddy! malamang! kinamusta lang ako, at tinanong lang kung ok lang ba tayong lahat dito HAHAHA" tawa ni Jelai ng makita niya ang mukha ng mga kaibigan na sobrang mga seryoso.


"akala ko naman kung sino, jusko sis!" irap ni Roni at sabay ibinalik anv tingin sa bintana.


"Akala ko naman seryoso ka Jelai" biro ni Yuan


"Sira ka talaga Jelai! iyang mukha mo kasi naka simangot na ewan!" saad ni Junjun


"hays!" kamot sa ulo naman itong si Tonsy at natawa nalang 

Nang mapagod na ang lahat ng barkada sa pagkukulitan at kwentuhan ay isa-isa na silang mga naka-tulog dahil sa pagod at mga inantok na rin sa biyahe, habang si Tonsy naman ay busy sa cellphone.


"Missy? nasabi mo na ba na pauwi na tayo sa mga parents mo?" tanong ni Yuan



"Uhm, wait. Buti napaalala mo" mahinang sagot ni Missy


"mhm sige." saad ni Yuan


Hinanap naman agad ni Missy ang kanyang phone dahil kailangan niya din mag chat sa kanyang magulang upang masabing sila ay pauwi na.


"Yuan! I can't find my phone!" natatarantang sabi ni Missy at magulo na ang mukha.


"Ha? Eh jan ko huling nakita sa black mong bag ang phone mo bago tayo umalis ng resort" sagot ni Yuan at maririnig sa boses ang pag-aalala.


"I might accidentally dropped it there!" taranta ni Missy na ikinagising ng lahat.


"anong nangyayari?" tanong ni Junjun



"What's happening guys?" mabilis na tanong ni Tonsy



"Nawawala yung phone ni Missy pare, napansin niyo ba?" agad na tanong ni Yuan sa mga kaibigan.



"Ay eh, baka nahulog niya sa resort?" sabi ni Jelai  



"Oo nga kasi nanakbo ka kanina Missy, kayo ni Jelai diba?" dagdag ni Roni




"Tsk! hindi ba tayo pwedeng bumalik doon?" inis na sabi ni Missy at natataranta na sa nangyayari.




"We can't sis, almost 2 hours na tayong malayo sa resort" sagot ni Roni at mukhang nag aalala rin



Napabuntong hininga nalang si Missy at hindi na nag-pumilit pang balikan o hanapin pa ang cellphone niya dahil wala na rin silang magagawa pa.



"hays, it's fine guys. Don't worry about it na! bibili nalang ako ng bago." saad ni Missy habang pilit ang ngiti kila Roni



"sure ka Missy?" tanong ni Yuan



"yes" naka-ngiting sagot ni Missy




Hanggang sa maka-uwi na sila ng kanya kanyang bahay ay inaalala parin ni Missy ang nawala niyang phone dahil ayun ay kabibili lang rin ilang buwan pa lamang ang nakakalipas.

Masaya naman nakapag paalam at pasalamat ang bawa't barkada ng ihatid sila isa-isa ni Missy. Maghahapunan na kaya tinawag na ng nanay nila Roni sila para kumain.


YUAN'S POV

"Yuan! Roni!" sigaw ng nanay nila Yuan mula sa baba ng kanilang bahay.


"Naririnig ko na ang tawag ni mommy mula sa baba at medyo tinatamad pa akong bumaba para kumain dahil wala rin naman akong masyadong plano kumain dahil busog pa."


Who's the Killer Where stories live. Discover now