One

6 0 0
                                    

Max's POV


Ate!... Ate!... Ate!....

Malayo pa lang naririnig ko na agad tinig niya. Sumilip ako sa bintana na nasa gilid ko. Nakita ko siyang Tumatakbo at may hawak hawak na bayong sa kanyang kamay. 

Tinigil ko muna ang paglilinis ng pinggan, pinunasan ang aking basang kamay sa aking damit. Sinalubong ko siya papasok. 

Kamuntikan na itong madapa , buti na lang ay nasalo ko siya agad. Natingin siya sakin at ngumiti ng napagkalaki laki. 

" Tsk, ayan sinabi ng tumitingin sa dinaraanan eh " 

Binigay niya sakin yung bayong na dala niya. 

"  Ate, pinabibigay ni lola sayo mga gulay. Ang sabi niya iluto mo na raw yan at mas masarap daw yan dahil kapipitas palang" sabi nito.  

" Sabihin mo kay aling mercy salamat ha, Yna! wala ka bang pasok at ang aga eh andito ka sa bahay ko" sabi ko sa kanya. 

Umupo ito sa isa sa mga upuan at inabutan ako ng pang pony. Mukang may papaayos na nama ng buhok niya. 

" Unang klase ko ate sa school, pwede ba ako ibraid . Para maganda ko hihihi" sabi niya. 

" Oo naman, kung gusto mo kahit araw araw ko pa ayusin ang buhok mo. Basta agahan mo lang pagpunta rito at baka malate ka sa school" sabi ko. 

" Oo naman ate. " sabi niya. Sinimulan ko siyang ayusan ng buhok. Habang siya walang tigil ang bibig kakakwento. 

" Medyo matagal na rin dito ate noh, 2 buwan at kalahati. pero hindi mo pa alam ang kwento dito sa probinsya, lalo na sa baranggay namin" sabi niya. 

" Ikaw, nakikisali ka na sa mga chismis ng mga chismosa dito ah" biro ko sa kanya, napaharap siya sa sinabi ko. 

"Ate hindi ahh, alam mo naman galit ako sa mga chismosa dito dahil naririnig ko na pinagchichismisan ka nila" sabi niya, Inikot ko uli mukha niya. 

" Hahaha, oo na ano ba ang hindi ko kamo alam na sinasabi mo" sabi ko sa kanya. 

" Alam mo ba ate na noong araw daw ang baranggay mapagmahal ay ang mga nakatira lamang ay puro matatandang mag-asawa at walang gaanong bata" 

" Alam mo ba kung bakit?" 

" bakit?"

" Dahil ang mag aasawa daw sa lugar na ito ay hindi talaga mahal ang isa't isa. Dahil noong araw daw ang mga tao rito sa mundo ay nahahati sa dalawang uri"

" Tinatawag silang puti at itim,  ang dalawang grupo na ito ang nagbabalanse ng mundo. Kaya ang nakatadhana lagi na dapat nilang maging asawa ay kabaliktaran nila.

" Kabaliktaran? kunwari ang dapat na mapangasawa ng mga tao na sa grupo ng puti ay ang tao sa grupo ng itim. "

" nakuha mo ate, dahil daw nagbibigay balanse ito sa kanilang pamumuhay dahil rito. Pero dahil daw sa isang sumpa nagbago ang lahat."

" Anong sumpa"

" Isang sumpa na nilikha ng isang myembro ng itim na kaapag ang napangasawa mo ay iyong kabaliktaran na grupo isa sa kanila ay mamatay. " 

"Pinaniwalaa na nila agad iyon" tanong ko. Umiling siya.

"Syemre ate may mga ilan hindi, pero may mga taong pinaniwalaan iyon dahil sa knilang nabbaalitaan na totoo nga. At ang baranggay mapagmahal ay isa sa lugarna kung saan maraming naniwala roon. Kaya halos tumanda na ang mga tao rito kesa magkaroon ng anak sa kanilang hindi minamahal" 

"Ahhh, parang kwento kung saan nagmula ang pangalan ng lugar na to. Oh humarap ka sakin ayusin ko yung sa bandang mukha mo" sabi ko

Nakaharap siya sakin, nakatingin siya sa mukha ko habang nakangiti. 

Love of the Gangster : Forever and Ever (Book 3)Where stories live. Discover now