40: Still

34.8K 716 306
                                    

"After everything that happened to me, don't you think my death will be my biggest reward for myself?" I smiled while reading the first sentence in my journal. "Death will never be the answer to all of our problems. I know we all have different battles in life. Hindi ko man alam kung ano 'yung mga pinagdaanan niyo pero death will and never be the answer nor the solution to our problems.  

Minsan mapapa-isip ka lang na parang ang liit liit mo kumpara sa buhay na mayroon ka noon. I used to be the mean Milana, I used to be the one who was always on top. Who always wins? Milana graduated with a Valedictorian award, and an outstanding student, with multiple awards during her nursery and elementary days. With the highest honor and best environmental research award during her moving-up ceremony. A student leader, representative, and debate president, I graduated in premed manga cum laude, passed my NMAT, and got into med school. 

Si Maple nag residency na sa UPM. 'Yung mga batch mates ko sa college doctor na. Ako? Anong maipagmamalaki ko sa kanila? Ang tanging mayroon lang ako ay 'yong na admit ako sa mental hospital for seven months.

Ngayon ko na iisip lahat ng ginawa ko. Lahat ng mga maling desisyon ko sa buhay. 'Yong ginawa ko kay Lucas, iyong pag-iwan ko sa kaniya at his worst, iyong paghahabol ko sa kaniya, iyong pagpapahiya ko kay Jackie... Fuck! What a desperate move. Nakakahiya. Siguro ganoon na ako kadesperada dahil feeling ko wala ng magmamahal sa akin. 

 But I was wrong, hindi ko kailangan ng ibang taong magmamahal sa akin. I can love myself the way I want to be loved. Minsan sa life, hindi mo kailangan ng validation ng ibang tao para ma satisfy ka, you just need to be happy on your own. 

Narealize ko kasi na masiyado kong dinepende ang sarili ko sa iba, kung ano ang iisipin ng iba, kung ano ang sasabihin nila sa akin but the truth is hindi naman talaga ako masaya. Napressure ako dahil pinaniwala ko ang sarili ko na kaya ko but the truth is I can't. Hindi ko kaya, at tanggap ko 'yon. Ang hindi ko lang tanggap ay ang disappointments. 

But I learned that disappointments are part of life. It's okay to fail, it's okay not to always be on top and it's okay if make mistakes as long as you're enjoying your journey that's what matters more. 

Sa lahat ng nangyari sa akin, hindi ko na alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para maging masaya at magpatuloy pa rin pero gusto kong maka-ahon. Gusto kong maging masaya, gusto kong ipakita sa sarili ko na kaya ko. I want to continue living my life. Madami na akong pinagdaanan at hindi ngayon ang araw para sumuko. I want to heal and move forward.

I chose to heal. I chose to be happy on my own. For God, for My Family, and of course for Myself. 

I continued my medschool while still doing my therapy. Inamin na rin sa akin ni Doc Alliah lahat ng findings ko. Inamin na rin niya sa akin na sinabi niyang lahat kay Lucas ang tungkol doon. She kept on saying sorry pero sabi ko ay okay lang. Kahit hindi naman niya sabihin ay alam kong malalaman din ni Lucas. 'Yon pa, e, hindi naman titigil 'yon.

Speaking of Lucas, he's back at being a Psychologist. Hindi ko alam kung bakit, wala na kasi kaming contact sa isa't isa. We both chose this path. Gusto ko na mag heal kami separately. Gusto ko na gawin ko muna lahat ng gusto ko. I want to be free from all the pain.

"Pumapayag ako, Milana. Kahit ano... Gusto mong lumayo ako, gagawin ko. Basta 'wag ka lang umalis, kahit hanggang tanaw lang, Milana. Kahit hanggang tanaw nalang ako, ayos lang. H'wag ka lang mawala sa akin," Umiiyak na sabi ni Lucas. 

Pumayag siya na wala kaming communications. I don't want to forget what happend kasi kahit ano namang gawin ko hindi ko naman na 'yon makakalimutan uli pero gusto ko lang mag move forward at ipagpatuloy na ang buhay ko. 

Magpatuloy ng walang sakit.

"Ma'am, flowers again," Nakangiting sabi sa akin ng kasama namin sa mansion. I smiled, too, and nodded. Kinuha ko ang flowers at inilapag sa study table ko. Hindi na bago sa akin na makatanggap na 'to. Every friday I received a pink roses from the same person.

After Forever (Galvez series #5)Where stories live. Discover now