HOY TANGA! [Oneshot]

34.8K 1.6K 369
                                    

"HOY TANGA!"

I sighed. Here we go again.

Araw-araw na lang niya ako tinatawag na tanga. Yun na ata ang nickname niya para sa akin eh. Aba siyempre nung una di ako pumayag. Aba, sa gwapo kong 'to, tatawagin lang akong tanga? (Anong konek?) Ah basta, gwapo ako. Tsaka di naman ako tanga eh. Kahit papaano matataas naman ang grades ko. Wala pa naman akong line of 7.

"HOY MONTEREAL! Ang tanga mo talaga!"

Napaangat ang ulo ko mula sa librong binabasa ko. Nakita ko ang isang Dara Chua na nakapameywang at magkasalubong ang kilay.

"A-Ako?" naguguluhang tanong ko habang nakaturo sa sarili ko. Unang beses na kausapin ako ni Dara noon. Kahit na magkaklase kami, never niya akong kinausap. Except na lang nung nanghingi siya ng papel noon. Nyeta, sapilitan pa.

Actually, minsan lang siya magsalita. Pwera na lang kung manglalait siya o magtataray. Kilala siya bilang pinakamataray sa klase. Pati nga teacher minamalditahan at binabara niya eh.

"Sino pa ba ang ibang Montereal dito? Ang tanga mo talaga!"

Aray. Natanga pa tuloy ako, dalawang beses pa.

"Bakit naman akong naging tanga?" Syempre kailangan ko pa ring ipagtanggol ang sarili ko. Kung iba lang yun, siguro nasapak ko na. Pasalamat siya maganda siya.

"Ewan ko sayo. Tanga ka naman talaga eh." sabi niya at inirapan ako. Pagkatapos ay bumalik siya sa upuan niya.

Tiningnan ko ang isa kong kaklase at binigyan ko siya ng what-the-fck-is-happening look. Nagshrug lang ito, looking as clueless as I am.

And from that day on, lagi niya na akong tinatawag na tanga. Very often na napaniwala na ako. Tanga nga ako..

napakatanga ko para mahulog sa kanya.

Oo, nahulog ako sa pinakamataray na babaeng nakilala ko. Not to mention napakasadista pa. Ewan ko ba, simula nung tinawag niya akong tanga, di ko na naalis ang mata ko sa kanya. Dun ko lang napansin na ang ganda niya pala. Lalo na pag ngumingiti siya. Hindi yung ngiting mapang-asar, kundi yung genuine. Naks, genuine eh. Parang alam ko ibig sabihin.

HOY TANGA! [Oneshot]Where stories live. Discover now