Chapter 18

77 5 2
                                    

Disclaimer: Ang lahat ng nakapaloob dito ay pawang kathang isip lamang ha. Wag seryosohin, nakamamatay. Cheret! Oh basa na daliiiii.











































One month before Narda's birthday,

Regina was fuming mad when Narda calls and informing her about the sudden change sa reservation niya sa Regina's for the birthday and secret proposal na pinaplano niya.

'Love, naman eh! Kaya nga binook ko yung araw ng birthday mo last month pa kasi para hindi hassle at hindi ako makakaabala sa mga susunod na event', she said.

'Alam ko naman yun love, kaya lang nakiusap sakin si Chef Rhian for that day. Anniversary daw kasi nila ni Doc Glai eh may plan siya to surprise her', Narda answers.

'Ewan ko sayo. Sana bago ka pumayag kinausap mo muna ako. I plan the whole thing on your birthday tapos biglang babaguhin yung venue ko. Narda naman kasi eh', nagda-dabog na niyang sagot.

'Regina kumalma ka nga. Pwede naman nating icelebrate sa ibang resto yung birthday ko. I don't mind kung saan gaganapin eh basta ikaw ang kasama ko.

'Ah ewan ko sayo Narda.

'Bakit ka ba nagagalit? Ano bang plano mo? Birthday ko lang naman yun eh.

'Yun nga birthday mo yon, ngayon ko na nga lang mace-celebrate ulit yun ng mag-kasama tayo tapos bigla nabago yung plano. Nakakainis ka!

'Sorry na kasi. I already called Cali naman na, sa Lianna's ko na lang pina-move yung reservation mo same time padin naman naiba lang venue.

'Ay nako bahala ka.

She even ended the call without saying goodbye, ni hindi nga rin nakapag-paalam ito sa kanya. Mas lalo siyang napipikon kapag ganoong akala mo walang pakialam si Narda sa mga plano niya. Nakasimangot padin siya while dialing Crof's number.

'Yes Gi?, Crof ask.

'Maiiba yung plano', panimula niya.

'Oh bakit?, tanong muli nito.

'Eh pano itong si Narda pina-move yung reservation ko sa Lianna's sa Manila. Potek binago yung plano ko, nakakapikon.

'Oh relax ka lang. Baka naman kasi may importaneng event na nagpapa-book kaya yung sayo ang pina-move niya.

'Sis wala ng mas iimportante pa sa proposal ko sa birthday niya. Napipika lang ako hindi muna ako tinanong bago nag-desisyon eh nauna akong nag-book bago yung sudden event niya.

'Hayaan mo na venue lang naman yung mababago pero yung plano mo yun pa din.

'Ah basta naiinis pa din ako.




































Three weeks before Narda's birthday,

Hindi padin gaanong maayos ang pakikitungo ni Regina kay Narda at dala ng inis niya dito ay hindi niya din ito inuuwian sa Indang.

'Oh Narda andiyan ka na pala', sambit ng ama ni Regina.

'Good evening Pa', bati niya saka nag-mano dito. 'Si Regina po?

'Nasa kwarto na sila ni Jude. Nag-hapunan ka na ba?

'Mamaya na lang siguro Pa, puntahan ko muna yung dalawa', paalam niya.

She's been making suyo sa kanyang iniibig for almost a week now. Ni hindi nga siya nito magawang uwian, ramdam mo ang tampo sa tono pa lamang ng boses nito kapag mag-kausap sila sa telepono.

Bougainvillea Where stories live. Discover now