Page 1 - Moving.

168 14 0
                                    

Please read the description of the book before starting to read.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

*blag, blag, blag

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

*blag, blag, blag.*

Lagabog ng maleta ko sa bawat paglapag ng mga gulong nito sa bawat palapag ng hagdan habang hatak-hatak ko ito pababa.

"Honey, are you trying to break your bag? Dahan-dahan ka naman sa paghila ng maleta mo."

"Opo," I replied short with my very usual pokerface. Lazily dragging myself down.

"Amina na nga, tulungan na kita. Mukhang bibigay na yang maleta mo eh, baka 'di makaabot sa airport," natatawang lakad papunta sa akin ni Markus, isa sa mga kaibigan ko.

Matangkad si Markus pero hindi naman nalalayo ang height ko rito. He has this tan skin and fit body.

Umakyat ito sa ilan pang palapag ng hagdan namin at saka inagaw sa akin ang maleta ko.

"Parang pinagsakluban ang prinsesa," kumento naman ni Julius na nakacross arms at natatawa sa bandang gilid ng pintuan.

Pinaningkitan ko ito ng mata nang matamlay pa rin. Kaibigan ko rin si Julius. Actually nandirito lahat ng friends ko, nandyan rin si Luis na nasa tabi ni Julius. Maputi lang ng kaunti ito sa dalawa.

"Ow My God!" Bigkas ng babaeng may kaiklian at kulay blonde na buhok. Hindi sya foreigner, sadyang nagpakulay lang ito. Habol hininga itong luminga linga sa bukana ng pintuan at tuluyang nahagilap nito ako.

"Napano ka, Clara?" tanong ni Julius.

Saktong pagkalapag ko mula sa pagbaba ng hagdan ay niyakap ako nitong si Clara.

"Akala ko bes 'di na kita maaabutan. Iiyak na sana ako habang nagko-commute papunta dito. Ang bagal kasi ni Manong magpatakbo ng jeep," paliwanag ni Clara, my only girl friend. As in tanging babae sa lahat ng kaibigan ko dito. Bakit mas madami akong friends na lalaki, is something about me.

Nagtataka siguro kayo sa nangyayari.
Today is the day that we will move into another city. We will go back to Metro Manila dahil napromote ang parents ko sa kanya kanyang field nila ng sabay pa. Mukhang talagang ito ang guhit ng tadhana.

We're here in Cebu and today is our flight back to Manila. Dati na kami ruon. Dahil sa work ng parents ko ay nalipat kami sa Cebu three years ago, and now, we're going to be back in Manila. I don't know what to expect but definitely not surprised either. Parang wala na akong gana sa lipat lipat na ganito. Nasanay na ako. Ang masakit lang ay maiiwan ko yung mga taong naging parte na ng buhay ko na dati ay laging nagpapasaya sa akin.

"Male-late na kayo. Dapat by 9am ay nasa airport na tayo. Tara na," Paalala ni Markus.

Lahat kami ay sumang-ayon kasama narin si Mama. Nagsipasukan na kami sa Van na sasakyan namin kasama ang mga friends ko dahil nagprisinta ang mga ito na ihatid kami. Heavy hearted, I sat inside, quiet.

All Girls School Chaos (gxg) Onde histórias criam vida. Descubra agora