Himaymay ng Buhay

1 0 0
                                    

Sariwa pa sa isipan ang mga bagay na nakalimutan

Isang bula na naglalaho sa kawalan

Saan nga ba ako patungo? Sino nga ba ako?

May puwang ba ang paglalakbay sa buhay na ito?


Lagi na lang may digmaan sa pagitan

Ng sarili at mga hindi nalalamang kalaban

Walang kasiguraduhan maski ang pagkapanalo

Pano pa't katuturan ay maglaho?


May deriksyon pa ba ang kompas na dala-dala

O naglalakbay na lang ang mga paang nawawala?

Malapit na ang paghimlay ng liwayway

Makakaya pa bang punan ang himaymay ng buhay?


Siguro'y sa alon ng hangin na lamang magpapaanod

Hayaang tangayin ang lahat ng pasakit at pagod

Upang sa kahuliha'y walang pagsisisi

At sa mga nakalimutang dalumat ay hindi mawawaksi.

TintaWhere stories live. Discover now