Chapter 5: Reunited

121 9 3
                                    

Jared's Pov

Pasado alas otso na ng gabi ay parehas na wala pa si Step at Thea. Alam kong magkasama sila dahil tumawag ako kila lolo at sinabi niyang sinundo ni Step si Thea. Malakas ang ulan kanina malamang na-traffic ang dalawang yun.

Nandito na kami sa isang VIP table ng bar ni Carl. May mga nagsisidatingan narin na mga costumer. May background music din at may naka-set na music intruments para kung sino gusto kumanta at tumugtog ay malaya sila na gawin yun sa bar ni Carl.

That is one of my favorite sa lugar na to, i love music so much kaya kapag napapainom ako dito ay tumutugtog talaga ako. Like now, naglalakad ako papunta sa drum set, i will play music while waiting for them.

"Guys nagpa-park nalang daw sina Step at Thea. Nag-chat na siya sakin."

Hindi pa nag-iinit ang pwet ko dito ay narinig ko ng sinabi yun ni Ella. Ilang saglit pa ay pumasok na sa bar ang dalawa naming hinihintay. Nakangiti si Step samantalang ang kapatid ko ay nakasimangot.

"Hey! I'm sorry okay. I'm just teasing you."

Inirapan lang ni Thea si Step saka nauna ng naglakad papunta sa table namin. Sumunod na ako sakanila at iniwan ko na muna ang pagtugtog sa drums.

"What is the meaning of this? Bakit ang tagal niyo?"

Thea just shrug her shoulder at tumabi sa nagrereklamong si Cristy. Sumunod naman si Step na umupo sa tabi ni Carl.

"Common guys finally were complete. Simulan na natin ang celebration."---kinumpas ni Carl ang kamay niya pagkatapos non sunod sunod ng nagsidating ang samut-saring pagkain at alak sa table namin.

"Welcome back ulit pre, ang saya namin ngayong nandito ka."

Nilagyan ko ng alak ang mga baso nila saka sabay sabay kaming uminom. Ibang saya ang nararamdaman ko ngayon dahil kumpleto na kami.

"Hey! Nga pala ilang days ka magstay dito Step?"---tanong ni Ella.

"It suppose to be 2 weeks only, after the wedding dapat babalik nako but i'm gonna meet someone here. He's convincing me to expand my business here in the Philippines. So, i'm gonna stay here for about 2 months."

"Wow! Iba ka na talaga pare! Ano naman ang business mo?---tanong ni Carl.

I'm so proud sa naging takbo ng buhay naming lahat. Akalain mo na successful narin ang bestfriend ko na dati ay napariwa. Si Carl isa ng bar owner, si Ella na asawa niya ay Hotel Manager na, si Cristy na fiance ko ay fashion designer, ako ay professinal photographer na, sakatunayan niyan ako ang nagprisintang maging photographer sa kasal nina lolo.

Saming lahat kay Thea ako sobrang concern, isa siyang nurse, stable naman ang work niya pero sobrang stressful. Maaga kung pumasok tapos late umuwi, hindi narin siya masyado nakakasama samin sa mga special occasions dahil pati holidays may pasok siya.

"If you are familiar in Mou Agapi, it's a brand of wine that i myself made it "

Nasamid ako sa sinabi yun si Step. Lahat kami maliban kay Thea ay nagulat sa sinabi niya.

"Wait, wait, wait, tell me i hear it right? Mou Agapi is a famous brand of wine right?"

Nakataas pa ang kamay ni Cristy ng sabihin yun. Hindi talaga ako makapaniwala na siya ang may ari ng sikat na wine na Mou Agapi.

"Oi pare di nga? Alam mo ba na hirap ako maka-order nun laging out of stocks. Ang dami kong regular costumer na yun ang gusto."---muntik pang mAlaglag ni Step ang kanyang alak ng sikuhin siya ni Carl.

"Oh my God! Your so rich na pala Step! Even in the hotel that i work with e yan ang hinahanap"---pailing-iling na sabi ni Ella

"Gago ka pare, halika ka nga kuhanan kita ng picture bukas at sent ko sa mga sikat na magazine dito. Tiyak pag-aagawan yun. Alam mo na ang daming nagrerequest sakin na hagilapin ang may-ari ng Mou Agapi. Ikaw lang pala yun?"---nakatawa lang si Step sa lahat ng sinabi namin.

Feelings and RegretsWhere stories live. Discover now