sa babae nag tagal sa lalaki ikinasal

3 0 0
                                    

"SA BABAE NAG TAGAL SA LALAKI IKINASAL"

"Mahal, Happy 5 years anniversary! I love you!" Bati ko agad sa girlfriend ko ng makarating ako sa bahay sabay abot ng isang bouquet ng sun flower.

It's her favorite flower.

Tinanggap niya ito pero agad din niya itong nilagay sa sofa.

Hinawakan niya yung kamay ko at pinaupo sa tabi niya.

She looks straightly into my eyes and she began to cry.

"What's wrong? Hindi ka pa ba sanay na tuwing anniversary natin sinu-surprise kita?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa pisngi niya.

Umiling iling lang siya sabay lagay ng kamay ko sa tummy niya.

Clueless ko naman siyang tinignan.

"I'm pregnant." Pag amin neto sakin

Parang nabingi ako sa narinig ko. Pre-pregnant?!

"No, no, you're not." I said trying to convince myself that isn't true.

"I am! Kanina ko lang din nalaman. Pumunta ako sa doctor cause i am not feeling well lately and she confirmed, I'm 2 months pregnant." Sabi niya at umiyak ng umiyak.

Napapansin ko din lately na palagi siyang nasusuka pagka gising niya. I thought acid lang yon. Puro din siya tulog at palaging nahihilo.

Hindi ko alam na pregnancy symptoms na pala yon kasi pareho naman kaming babae, hindi ko naman siya mabubuntis.

"H-how long have you been cheating on me?!" Pasigaw kong tanong sa kanya

I can't hold my tears anymore.

Ang sakit sakit ng dibdib ko.

"HOW LONG?!!" Sigaw ko ulet nong hindi siya sumagot

"6 months!" Umiiyak na sagot niya

Wtf! 6 months?!

"And ngayon mo lang talaga naisipan sabihin sakin?! Sa anniversary pa talaga natin? Tell me, sinasadya mo ba talaga akong saktan, Elise?!" Umiiyak ko ding tanong sa kanya

Nanginginig na yung buong katawan ko.

"No, kaya ko nga sinasabi sayo ngayon kasi ayoko ng saktan at lokohin ka." Sagot neto

Napangisi nalang ako sa sagot niya. I can't believe it.

"Wow, just wow, Elise! JUST WOW!" Sinasabunutan ko na ang sarili ko dahil sa galit

"What did i do to make you cheat on me? Do i really deserve this?" Umiiyak na tanong ko sa kanya

"Sinubukan ko namang pigilan eh. Pero, iba siya kaya nahulog ako." Pag aaminin niya

"Ano yung kakaiba? Yung kaya kaniyang buntisin at ako hindi?!" Sigaw ko sa kanya

Hindi na ulet siya makasagot at sinusubukan nalang akong yakapin pero tinutulak ko siya palayo

"Paano mo nakakayang humarap sakin? Paano mo nakakayang tumabi sakin? Paano mo nakakayang yumakap sakin habang nakikipag s*x ka pala sa iba?!" Tanong ko sa kanya

Nahihirapan na akong huminga sa kakaiyak. Masyadong masakit. Hindi ko matanggap.

"You know how much i love you. I did everything just to make you happy pero, ito pa igaganti mo sakin?" Tanong ko habang pinupunasan ang mga luha ko

"I'm sorry." Tanging nasagot nalang niya

"Sorry? Anong gagawin ko sa sorry mo? I can only hear you say that but, it can't fix everything that you broke inside me!" Sigaw ko sa kanya

Tanging iyak nalang ang narinig ko sa kanya. I can't look at her because of disgust.

"All this time, ang iniisip ko sa araw araw ay kung paano ka pa mapapasaya, kung paano pa ako magiging mabuting girlfriend sayo pero ikaw? Lalaki na pala ang iniisip mo." Sabi ko sa kanya

"Wala akong  ibang masabi sayo kundi sorry. Nangyari na." Nakayukong sabi niya

"Sana hindi mo na pinatagal. Sana nong time na narealize mo na iba na yung gusto mo, inamin mo na sakin. Hindi yung magsisinungaling kapa at you'll keep on pretending that you still love in front of my face!" Sigaw ko ulet sa kanya

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Gustuhin ko man na saktan siya hindi ko magawa kasi mahal ko siya.

I love her so much.

Lumuhod na si Elise sa harap ko. She's begging me to forgive her.

"Sana bago mo naisipang lokohin ako naisip mo muna kong ano ang magiging epekto sakin. Ang sakit eh!" Sabi ko sabay hawak sa bandang dibdib ko

"I love you!" She said

Napangiti ako ng mapait.

"You used to, pero simula nong nagloko ka, hindi mo na ako mahal. Kasi kung mahal moko, hindi mo ako sasaktan." Sabi ko

Tumayo ako at kinuha ang binili kong engagement ring sa bulsa ko and gave it to her

"Take this and use this in your wedding day. I brought this for you, wala akong ibang mapagbibigyan pa niyan." Sabi ko at pilit na ngumiti

"Kim...." She's crying while looking at the ring

"I know. I love you so much. Please take care of yourself and your soon to be baby. I wish you nothing but, happiness." That was the last words na nasabi ko sa kanya bago ako tuluyang umalis sa bahay

That's was the last time that I've seen her too.

Huling nabalitaan ko sa kanya ay yung kinasal siya sa lalaking nakabuntis sa kanya.

Gusto ko din siyang pakasalan. Siya lang yung gusto kong makasama pero hindi pala kami pareho ng gusto.

Masakit peros kailangan kong tanggapin.

Tumagal siya sakin pero, hindi ako ang pinili.

Mahal mo pero iba ang hanap.

Mostly girl to girl relationship can't work.

Literal na sa babae nag tagal pero, sa lalaki ikinasal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

sa babae nag tagal sa lalaki ikinasalWhere stories live. Discover now