Prologue

0 0 0
                                    

  Parang isang camera, nakapako lagi ang mga mata ko sa lahat ng bagay. Nakatatak na sa isipan ko ang lahat ng nakikita ko.

Tulad ng kulay ng kalangitan. Nakita ko na ang tag-araw, kung paano naging kulay asul ang kalangitan habang mapuputi ang kaulapan. Nakita ko na rin ang dapit hapon, kung saan naghahalo ang kulay ng araw sa ulap at kalangitan. Nakita ko na ang pagdidilim din nito sa tuwing bubuhos ang ulan. At higit sa lahat, nakita ko na ang pinakamagandang tanawin ng langit. Iyon ay ang paglubog at pagsikat ng araw.

  Natuklasan na ng kastanyong kayumangging mata ko ang ganda ng kalikasan, ang hiwaga ng karagatan at ang tayog ng kabundukan. Ngunit sa lahat ng magandang bagay na nakita ko, isang tanawin lang ang pinakapaborito ko.

Ang kulay berdeng mata ni Stephen.

  Sa ngayon ay dumadaan sa pasilyo kasama ang kaniyang mga kaibigan. Habang ako ay pasalubong ng gawi sa kaniya.

Ayun na naman ang pakiramdam, tuwang umuusbong sa buo kong sistema. Makita ko lang ang anyo sa tagiliran niya, kung paano siya nakikipag-usap, kung paano siya ngumiti at sumimangot. Kahit hindi niya pansin ang presensya ko.

Hindi ko alam kung paano niya ako nagagawang baliwalain. Kung paanong hindi nagtatama ang aming mga mata. Possible pala yun? Na sa tuwing tumitingin ako sa kaniya, nasa ibang gawi ang pananaw niya. Na kahit na halatang andyan ako sa tabi niya, wala parin siyang pakialam sa paligid niya.

Napayuko ako ng tuluyang nagka-krus ang aming landas. Muli pa akong lumingon upang pagmasdan siya. Napangiti na lang ako ng mapait ng hindi siya lumingon. Sana kahit isang beses ay magkatagpo ang aming mga mata, dahil....

Pangarap ko ang masilayan ng kaniyang berdeng mga mata.

PERFECT SHOTS
ALL RIGHTS RESERVED 2023

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PERFECT SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon