Two.

407 17 0
                                    

Roni's POV

Isang araw na lang graduation na nila kuya, borj, junjun, tonsy at basti, samantalang si epoy hindi napasali sa lists of graduates dahil may 5 subjects daw itong bagsak...

Si borj naman simula nung pangyayari sa kanila ni basti hindi na muling nagpakita sa barkada...

Alam kong may fault din ako..

Kasi naman padalos-dalos siya. Nasugatan niya tuloy si basti..

Alam ko namang mali yung ginawa ni basti, kaya nga hanggang ngayon hindi ko pa siya napapatawad e. Pero sana ako muna kinausap ni borj bago nagpadala sa galit niya...

Kamusta na kaya si borj?

Ano kaya ginagawa niya ngayon?

Sana magkausap kami ni borj sa araw ng graduation nila ni kuya...

Hay naku. 

"Hoy roni! Baka gusto mong bumaba na mahal na prinsesa? Ang dami pa nating lilinisin sa baba." napairap ako sa kawalan ng sumulpot bigla ang pinaka pangit at ubod ng sama ng ugali na kuya ko.

Kahit kailan talaga panira ng moment tong JUANITO na 'to!

Joke lang syempre hehe.

"Opo kuya, bababa na po..." sarcastic kong sagot.

Pababa na ako ng sala ng matanaw ko yung lalaking nakaupo sa isa sa mga upuan sa harap ng lamesa sa dining area namin.

Borj?

Parang kanina lang iniisip ko kung kamusta kana? 

tapos eto ka nasa bahay..

Napangiti ako nang isipin kong si borj ang nakatalikod sa akin...

Nang unti-unting lumingon ito ganun na lang din napawi ang pag ngiti ko..

"Hi roni." ngiti nitong bati sa akin.

Basti?

Anong ginagawa niya dito?

Kaya naman pala nakasimangot si kuya gawa nandito si basti..

"Beb, para sa'yo.." sabay abot sa akin ng bulaklak at chocolates na dala niya..

"Basti, anong ginagawa mo dito? Alam mo namang mainit ang ulo sa'yo ng mga tao dito sa amin" walang gana akong sabi.

Naguilty ako bigla...

Bakit ba si borj yung ineexpect kong darating sa bahay ngayon?

"Ahm roni..gusto ko lang kasi dalawin ka tsaka nandito rin ako para suyuin ka at humingi ng tawad." nahihiya nitong sambit.

Tinitignan ko siyang maigi at pinakikiramdaman ko yung sarili ko..

kung namimiss ko ba siya...

Kung bakit pag si basti na yung kaharap ko ngayon ay wala akong maramdaman na namimiss ko siya gayong siya ang mahal ko...

Pero bakit ganito?

Bakit si borj yung naiisip ko sa mga oras na ito?

Mali 'to roni..

"Ahm beb, okay ka lang?" naalis ang pag iisip ko nung muling mag salita si basti.

"A-Ahhh o-oo" utal kong sabi.

"Sigurado ka ba?"

"Oo basti" inis kong sagot. "Sige na, basti. Marami pa kasi kaming kailangan gawin at tatapusin na house chores e.." tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang braso ko para iharap sa kanya.

The Unconditional Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon