HOW? 25

24 1 0
                                    


Hindi na ko natutuwa, ah.

Hindi talaga nakakatuwa dahil ang dami na pinapagawa sa'min lalo na sa Accounting. Kung sa bagay, major subject ko naman 'yon.

Parang, ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng ulo ko.

"Ang hirap na ng mga topic sa accounting!"

"Huh? Madali pa naman, ah."

Huminto ako sa paglalakad saka ko tinignan si Joselle, payakap niyang binitbit ang libro ng accounting.

"Ano?"

"Madali lang, nalilito ka lang."

Hindi na lang ako nagsalita dahil totoo naman. Masakit na nga ang ulo ko, nanghihina pa ko. Nakakain naman ako ng sisig kanina, libre ni Johnny.

"Malapit na 'kong tamarin sa buhay, Joselleee!"

"H'wag ka tatamarin, lumaban ka para sa ekonomiya ng bansang 'to!"

"Pake ko ba sa ekonomiya ng bansang 'to?" Oo, business student na 'ko, pero ano ba ang pake ko? Hindi ko makita, eh.

"Kahit na! Lumaban ka pa rin para sa crush mo!"

Huminto ako hindi dahil sa sinabi ni Joselle, dahil sa nakikita ko ngayon na grupo ng mga lalaki naglalakad papunta rito. Takte, nasa building kami ng business department, ah!

Kitang-kita ko si kuya L dito! Opo! Naka-salamin ako ngayon!

"Bakit tayo dadaan dito?"

Nahinto sa paglalakad si Joselle. "Kasi mas malapit dito 'yung library na pupuntahan natin."

Ergh! Nagturo pa siya sa area na 'yon. "Doon na lang tayo sa kabilang building dumaan."

"Huh? E walang photocopy-han doon."

"Please!" sumilip pa ko sa mga lalaki na 'to, shet! Nakatingin na pala si kuya L dito!

"E, 'di halika na. Baka nga may copy pa sila ng libro para sa Econ." Hinila ko na siya palabas ng building na 'to.

'Di ko rin maintindihan kung bakit kailangan kong umiwas sa kanya. Alam naman niya na may gusto ako sa kanya, for the nth time. At saka, hindi ko naman siya naging ex.

"Ah, dahil ba sa crush mo kaya sa iba tayo pupunta?"

Huminto na kami sa pagtako, sinigurado ko muna na wala siya sa likod namin. "Aba, s'yempre. Naku, hindi ako mapapakali kung nasa likod lang natin siya."

"Huh? E, alam naman niyang may—"

"Oo nga! Pero, kasi, alam mo 'yon. Parang may gusto pa kong patunayan sa kanya na wala naman dapat kasi, nagkagusto lang ako sa kanya. Hindi ko na alam, parang dinedma lang naman niya 'yon sinabi ko. E, alam kong de-dedmahin lang naman din niya iyon pero... naiirita ako na ewan."


Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan kong sabihin ang nararamdaman ko kay kuya L. Baka nasabi ko na ata 'yan kay Clara, eh.


"Hayaan mo na, March. Makaka-move on ka rin sa two years mong crush," sabi ni Joselle sabay umakbay sa'kin.

"Three years na."

"Ay, three years na? Gano'n na ba kabilis ang panahon?" tanong na lang saka niya pinisil ang kaliwa... ay hindi, kanan. Teka, kanan ko 'to 'di ba?

"Waa! Joselle!"

"Ayos lang 'yan, March! Kahit hindi mo pa siya boyfriend, makaka-move on ka rin sa kanya."

How To Write A Love Story?Onde histórias criam vida. Descubra agora