Ika-15 Kabanata

45.4K 761 128
                                    

Nang makabawi si Aries mula sa pagkatunganga, dahil sa hindi niya yata inaasahang sagot ko sa kanya. Mas lalo niya pang inilapit ang ulo niya sa akin.

"Then I will scream your name and how much I love you, at the top of my lungs. Right now, right there." Seryosong sabi niya. Mas lalo pa ngang humigpit ang hawak niya sa kamay ko na ngayon ay hawak-hawak niya parin.

Ako naman ngayon ang natameme sa sinabi niya, para ngang gusto kong gawin niya yon. Kaso sorry nalang siya kasi nga hindi ako inlove sa kanya.

"But of course that will never happen. Because I'm not inlove with you. Maybe in your dream, Mr. Lagdameo." And then I laugh sarcastically.

Napatigil lang ako sa pagtawa ng bigla na naman kaming bumagsak. Napapikit ako hindi dahil sa takot ko. Kung di dahil sa mga salitang binitawan ko kay Aries, na tila hindi na kayang tanggapin ng kalooban ko.

Nang makaalis na kami sa upuan naming lahat ay balik na naman kami sa dati ni Aries. Hindi na naman kami nagpapansinan, basta inalalayan lang niyang makababa si Heaven. Si Michael naman ang umalalay sa akin.

Sa tapat ng drop tower ride exit. Naroon sina Daren, Wein, Elf, Humpy, Neil at Dorina. Nakatangiting kinawayan kami ni Daren habang papalapit kami sa kanila.

"Try niyo yung ride na yan. Fvck! Parang naiwan ko yung kaluluwa ko sa taas." Sabi ni Harizel na lukot ang mukha. "Nahilo ako putek!" Aniya habang hinihilot-hilot ang kanyang sintido.

"Wala kayo kay Daren." Inakbayan ni Neil si Daren na masama na ang tingin ngayon sa kanya. Hindi pa man nagsisimula si Neil magkwento ay natatawa na ito. "Ano kasi-hahaha!"

"Dammit! Neil. Paano ka namin maiintindihan, e tawa ka ng tawa!" Kunot ang noo na sabi ni Hazel habang naka cross arms pa.

"Ano kasi si Daren kanina-hahaha! Ikaw na nga magkwento Elf, tangina natatawa talaga ko." Napahawak pa ng tyan niya si Neil.

"Fuck you Neil. Fuck you!" Naiiritang sabi ni Daren.

"Ako na nga ang magkukwento. Kanina kasi bago kami sumakay ng roller coaster, may nakitang chics itong si Daren. Syempre alam niyo na kung anong usual na ginagawa ng isang Daren Wright kapag nakakakita ng chics."

Naputol ang kwento ni Elf at pinagpatuloy yon ni Wein. "Dahil sa chics nakalimutan ni Daren na may fear of heights nga pala siya. Pero dahil gustong magpasikat ng kumag, sumakay pa din siya." Tahimik lang na nakikinig si Daren sa kwento ni Wein. "Magkatabi sila ng chics na pinupormahan niya, pagkatapos ng dalawang ikot ng roller coaster, we all thought that he already conquered his fear, kaso bigla siyang nasuka. The worst is, nasukahan niya yung babaeng pinopormahan niya."

Nagtawanan kaming lahat sa kwento ni Wein. Si Daren naman ay halos umusok na ang mukha sa pula. Dahil sa kahihiyan.

"Sh*t talaga! That was so embarrassing." Napatakip ng mukha niya si Daren.

"Anong reaction ng babae?" Nakangiti kong tanong kay Wein.

Inalis naman ni Daren ang mga kamay niyang nakatakip sa mukha niya at sinamaan ako ng tingin. "Shut up Aika. Shut up." Naiinis niyang sabi kasunod ng pag wo-walk out niya.

Hala napikon?

Imbes na sundan nila si Daren ay lalo pang nagtawanan ang HBB. Mga totoo nga talaga silang kaibigan, yung tipong nasa embarrassing moment ka na pero imbes na i-comfort ka nila. Hayan sila at pagtatawanan ka pa.

"Dude. Ang pikon mo naman tara carousel nalang tayo para di ka na malula." Natatawang sabi ni Aries na halatang nang-aasar pa.

Dahil wala naman silang balak sundan si Daren. Ako nalang ang sumunod sa kanya.

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now