CHAPTER 9

15 4 3
                                    

Habang nagtatagal ako rito ay mas lalo talagang napapalapit ang loob ko kay Izan at Aiden. Hindi na rin masyadong masungit sa akin si Aiden, and for Alana, napapadalas ang pag-dalaw niya rito. Palagi rin niya akong pinag-iinitan, ano pa bang bago?

"Mommy! Mommy! I saw something horrible!" I heard Izan shouted while running.

When he reached in front of me, he's panting.

"What?" curious kong tanong, what kind if horrible is he talking about?

"There's a guy outside! He's holding a flower!" ano ba namang bata to! Anong horrible sa pag hawak ng bulaklak?

"And how come it's horrible?"

"He's cringey, what an old hag." umirap pa ito, anak ng-

Wag mong sabihing bading itong batang ito? Naku! Naku! Naku! Kasalanan ko to pag nagkataon, pinasuot ko ng pambabae at minake-up-an pa! At teka? Nakakabading din ba yung dumplings?

"Hayaan mo nga! Ano bang pake mo sa taong yon? Hindi mo naman yon kilala?" natatawa kong saad, masyado kase siyang affected eh! Di naman niya kilala yung tao.

"He's looking for you!" ha? Sino namang maghahanap na matanda sa akin? Sa naaaoala ko wala akong pinag-utangang matanda ah? Pero bat may bulaklak?

"Bakit daw?" tanong ko rito.

"I don't know" kibit balikat pa nito.

Pumunta nalang ako sa baba para makita kung sino yung naghahanap sa akin.

Pagbaba ko ay sinalubong ako ng guard.

"Miss Ria, hinahanap niya po yung yaya ni Izan, wala namang ibang yaya yung bata kaya obvious na ikaw yun," tumango at ngumiti lang ako.

Binuksan niya yung gate at tumambad sakin si Quin, agad akong napanganga nang makita kong may dala siyang mga bulaklak.

Ewan ko nalang kung maiinis, matatawa o kikilabutan ako. Ang dala ba namang bulaklak eh yong pang patay? Tangina!

"Oh, di ka ba masaya na dumalaw ako? Kahit si Albert Einstein di maipinta mukha mo!" tumawa pa ang tangang to

"Ha?! Anong Albert Einstein? Pintor ba yon ha? Pintor ba?" natatawa kong saad.

"Hindi ba? Yung painter ng Mona Lisa? Diba si Einstein yon?" nahuguluhan pang saad nito.

"Alam mo, babanat ka na nga lang mali-mali pa, si William Shakespeare yung painter!" tinawanan ko pa ito at ngumuso siya.

"Mommy, stop laughing. The painter if Mona Lisa is neither Albert Einstein, nor William Shakespeare, it's Leonardo da Vinci." nakacross-arm na bata ang tumambad sa gitna namin, it's Izan.

Napapahiya naman akong tumawa.

"Iiihhh!! Sorry naman diba? Wala namang perpekto sa mundo eh!" mangiyak-ngiyak kong saad

"Tignan mo, tinatawanan mo pa ako tapos mali ka naman pala, nacorrection-an ka pa ng bata! HAHAHAHAHA!" Anak ng-

"Hoy! Tumigil ka nga kakatawa! Akala mo nakakatuwang dalhan ka ng bulaklak pang-burol, ha?" inis kong bulyaw.

"A-ano? Pang burol yan? E-eh yon ang sabi ng mga kaibigan ko ah! Sila pa nga nag send sa akin ng flower shop name!"

Namumula na ang mukha niya, lalo akong natawa. Bakit kase ang cute niya?

"You know, kung umasta ka ay parang hindi mo pa nararanasang manligaw!" tinawanan ko nanaman siya.

"Hindi naman kase ako nanliligaw, dinadalaw lang kita ano, di kita type." umirap pa ito, seriously? Mga bading ba itong mga kasama ko?

His Son's BabysitterWhere stories live. Discover now