TULA #1

3 1 0
                                    

KAIBIGAN LANG BA, O IBIG MO NA? | TheNobodyNerd

"Kaibigan, hanggang doon lang ang kaya kong ibigay," iyon ang palaging laman ng kaniyang salaysay. Saan nga ba nag-umpisa ang lahat? Nang makilala ko ang isang Binibining Manunulat...
Nagsimula sa Friend request ang lahat, nang kaniyang in-accept ako'y talagang nagulat! Biglang hindi mapakali at naging tuliro, ano kaya kung ako'y magbiro? Anong joke naman kaya ang dapat kong sabihin? Paano kung kanya namang masamain?
Isa siyang Romance-comedy Writer kaya wala naman sigurong masama kung ako'y sumubok na maging Joker.
Naging silent reader niya ako since noon pa man, pero hanggang ngayon ay nanatiling nagtatago sa kadiliman. Paano niya nga ba ako makikilala ng lubusan kung ako mismo ay puno ng karuwagan sa katawan?
Hanggang sa ako'y nagkalakas loob at sumubok, nagpadala ng mensahe habang ang puso ko'y panay sa mabilis na pagtibok.
Piping nanalangin na sana'y kaniya ring mapansin, mensahing mula sa puso ng tulad kong nagmukhang kulang sa pansin. Haha! Parang gusto ko nang matawa. Mga palad ko'y pinagpawisan habang naghihintay sa reply niyang halos inabot na ng buwan.
Hanggang sa ako'y tuluyang nainip hindi napigilang mapaidlip. Nagpasyang umamin na sa isang comment section para lang makuha kaniyang atensiyon. Sa wakas! Kaniya ring napansin nang magdaan pa ang bukas. Ako'y napasimangot hindi napigil ang mukha ko sa pagkalukot.
Ano itong nakikita ko, si Krass, dahil sa ibang lalaki ay minalas! Ito na ang pagkakataon ko kaya aking sinamantala, muling nag-chat nang walang antala.
Kahit magmukha na akong agresibo hindi na ako magpapasawalang kibo. Hanggang sa ang tangi kong kahilingan ay tuluyan ko ring nakamtan.
Naging magkaibigan kami ng palihim kahit ako'y hindi kontento 'pagkat siya'y talagang malihim. Sinubukang makibagay bawat suporta ay akin nang ibinigay.
Pero bakit tila may kulang pa rin? Hindi ko akalaing para sa kaniya ay nanatiling siya pa rin...
Ganoon nga siguro ang pag-ibig kahit anong talino ng isang tao, kapag ika'y talagang tinamaan ni Kupido, walang sini-sino kapag talagang gusto mo at siyang isinisigaw ng iyong puso, handa kang magsakripisyo.
Pero bakit siya nagpakatanga sa maling tao, kahit nasa tabi niya lang ang tamang lalaking kaya siyang gawing buo?
Hanggang sa ako'y umamin na, na hindi lamang pagiging kaibigan ang gusto ko sa kaniyang makuha. "Matamis mong 'Oo' ang matagal ko nang inaasam-asam, huwag mo na sana akong paghintayin pa hanggang sa ako'y tuluyang magdamdam."
Wala ka nang mahahanap pang tulad kong Weirdo ngunit mayroon namang busilak na puso. Nakatitiyak na sa piling ko'y wala nang sakit pang madadama, dahil ang walang katumbas kong pag-mamahal sa iyo'y ipadadama.
Pero lahat ay sadyang may hangganan, gaya ng pagtitiis ko kahit nanatiling siya ang nasa iyong isipan.
Bakit tila nagbago yata ang ihip ng hangin? Sa isang iglap, ako na ngayon ang iyong naging hangarin...
Lubusan mo lang palang makikita ang halaga ng isang tao kapag ito'y wala na sa tabi mo. Hindi sa lahat ng oras at pagkakataon, ang isang kagaya ko ay papangarapin din ng katulad mo... Pero umasa pa rin ako na may puwang din ako sa puso mo.
Ngayong ako na ang kusang lumayo, bakit ikaw naman itong siyang nanunuyo? Pasensiya na, Binibini, 'pagkat sa pagkakataong ito hindi na ikaw ang siyang pinipili...

___

ARUYKOPO!

Poems and Love-ShotsWhere stories live. Discover now