CHAPTER 30

6.3K 99 25
                                    


I dedicated this chapter to rishellynmaee

True to his words, bumawi siya sa amin. Na-discharged na rin ako sa hospital. Si Lyall ang nagbabantay kay Lhemore, pinapahinga niya lang ako baka raw mabinat lalo na't kakapanganak ko lang sa bunso namin. Mas nag-alala pa ako sa kalagayan niya kaysa sa akin. Pasalamat na lang kami dahil hindi naman nanghihina ang katawan niya. Iyon nga lang, sumasakit ang ulo niya at nagdudugo ang ilong. Nung nangyari 'yan ay nasa hospital pa rin kami, mabuti nalang ay mabilis na naagapan. Pinayuhan siya ng doktor na magpahinga at 'wag masyadong magpuyat, pero matigas ang ulo ni Lyall.

Sa gabi, gigising lang ako para i-breastfeed si baby, pero sa pagpapalit ng diapers, pagpapatulog, at pagpaligo ay si Lyall ang gumagawa. Siya rin ang naghahatid sundo sa panganay namin. Kung siya ay busy sa pag-aalaga sa akin at sa mga anak niya, ako naman ay busy din sa pag-aalaga sa kanya. Ayaw niya na masyado akong nagkikilos, pero nagmatigas din ako. Nilulutuan ko siya parati ng gulay, at ako rin ang naghahanda sa mga gamot niya kasi makakalimutin si Lyall. Tulungan lang kaming dalawa, at isa pa, responsibilidad ko rin na alagaan siya dahil asawa ko siya.

Kahit na nag-alala sina Ninang at Ninong sa panganay nila dahil palaging nagpupuyat, 'di pa rin nila mapigilan na maipagmalaki at maging masaya dahil napakabuti niyang ama at asawa. After kong manganak ay nag-stay sina Ninang dito sa Italy. Isasama rin nila ako pabalik sa Pilipinas. Pumayag naman ako kasi balak ko talaga na lumayo muna sa showbiz at unahin ang pamilya. Besides, asawa ko 'yung boss. Kahit isang taon pa ako magpahinga, okay lang. Until now, hindi ko pa sinabi kay Lyall na alam ko ang lahat tungkol sa kanya. Gusto ko siya ang magkusang magsabi sa akin. Alam na rin ng lahat na buhay si Lyall kaya mainit kami ngayon sa mga media.

"Good morning, wife!" Malaki ang ngiti ni Lyall nang pumasok siya sa kwarto namin, at karga niya si baby.

Nilapitan ko sila.

"Good morning." Akmang hahalikan ko sa labi si Lyall nang umiwas siya.

Napasimangot ako.

"Darling, alam mo naman na may sakit ako—"

"Lyall, sinabi ng doktor na pwede ang hug at kiss. Hindi naman nakakahawa ang cancer." Nakasimangot pa rin ako.

Humahalik siya sa akin pero hanggang pisngi at noo nalang at gano'n din siya sa mga anak namin.

"Kahit na, darling. Mas mabuti na 'yung nag-iingat pa rin tayo." Pagpapaunawa niya sa'kin.

Hindi naman siguro masama kung sasabihin kong namimiss ko ang halik niya sa akin. Hindi sa noo, hindi rin sa pisngi, kundi sa labi! Napanguso ako sa naisip, parang ang desperada ko.

"Darling." Malambing na tawag niya sa akin. "I love you," bulong niya.

Kaagad akong napangiti.

"I love you too, Lyall." Tugon ko habang nakatitig sa kanya.

Dalawang beses niya na akong niloko, pero hindi sa paraan na may iba siyang babae. Kundi dahil sa labis niyang pagmamahal sa akin.

"Ibigay mo na sa akin si baby at magpahinga ka. You haven't had proper sleep for days, Lyall." Sabi ko. "Alam mo naman na bawal sa health mo ang magpuyat," dagdag ko.

Ngumiti siya.

"I'm fine, darling." Sagot niya. "Hayaan mo naman ako na alagaan ko kayo," napanguso siya.

Napabuntong-hininga ako.

"Hindi naman kita pipigilan diyan, Lyall. Ang sa akin lang, magpahinga ka rin. Bawal kang magpuyat." Pagpapaintindi ko sa kanya.

Parang bata siyang tumango. "Yes po."

I leaned forward and hugged him around the waist.

"Salamat sa lahat, Lyall. Sa pagmamahal at pag-aalaga mo sa'kin. I'm so lucky to have you."

LYALL'S OBSESSIONWhere stories live. Discover now