Chapter 12 - Dinner

27 4 0
                                    

Nakita ni mama si Xavier bago pa siya makaalis kaya tinawag niya ito.

"Stay for dinner. Ako na magsasabi kay Jade."

"Ma, wag na, gusto na niya magpahinga. May game siya kanina." Sabi ko kahit na walang isang patak na pawis ang lumabas sa kanya.

"Is that so?"

"Yes. Diba?" Humarap ako kay Xavier.

He's not looking at me though. He's still smiling at mama.

"For sure pagod na siya kaya uuwi na siya." Dagdag ko pa.

"Are you his spokesperson?"

Sumimangot ako. Fine. Hindi na kita matutulungan. Bahala ka dyan!

"So, dinner?" Mama smiled at Xavier.

I kept on glaring at Xavier while waiting for dinner to be prepared. Nasa sala kaming dalawa dahil ayaw ko siya sa kwarto ko at hindi ko siya pwedeng iwanan ng mag-isa sa sala.

"I'm not the one who asked to stay so don't look at me like that."

"Pwede ka namang tumanggi? She asked you diba?"

"Can I really though?"

We both know the answer to that.

Inalis ko na ang tingin ko sa kanya pero nanatili akong nakasimangot.

Nilabas ko ang phone ko para i-update sila Zoe.

Zoe: Oh... nasa kwarto kayo?

Me: Zoe...please lang. Never.

Zoe: Nagtanong lang ako? Don't be so defensive girl.

Marcus: Bakit hindi ako ininvite ni tita?

Marcus: May bago nang paborito si tita?

Marcus: And it's Xavier?

I sighed. Bakit ko pa ba sinabi? Actually it's nothing dahil madalas naman namin 'to ginagawa since mom is best friends with his parents. Pero hindi ko rin magets ang mood ko lately.

"Am I really that irritating to you?" Xavier brought me out from my thoughts.

Pumikit ako, "Sorry, not at you. Probably because of my foot." I lied.

"Masakit? Saan masakit? Let me see." At talagang yuyuko siya para tignan. Iniwas ko ang paa ko.

"I'm okay."

He looked at me. "Let me see." He repeated but this time much softer like he's pleading.

I unconsciously moved my foot towards him. He looked at me again before he touched my foot and ankle.

He pressed it slightly, "Does it hurt?"

Umiling ako.

"I told you to rest ayaw mong makinig."

"Doctor ka?"

"No but sprained ankle is not new to me so I know what to do. Huwag tamarin mag hot compress and elevate your foot before you go to bed." Aniya.

"Okay."

"You won't be able to join the competition pag matigas pa rin ang ulo mo."

"Oo na nga. You're so fussy."

"Olivia." Sabay kaming napaangat sa boses. It was dad and he's looking at me intently.

Ngumuso ako at nag sorry kay Xavier.

Hindi na ako nagsalita pagkatapos. Even when we're eating. Even after dinner. Hanggang sa makauwi si Xavier.

Nakahiga na ako pero bumangon ako nang pumasok si mama sa kwarto dala ang hot compress.

While waiting for the time she started a topic I don't want to talk about.

"Xavier is a good kid."

"He's good tapos ako 'yung bad."

Tumawa siya. "Wala akong sinabing ganun. You make me sound like a bad mother."

"Ma, pwede bang change topic?"

"Why, I thought you like him?"

Nanlaki ang mata ko at naging defensive agad ako. "No?! Saan mo narinig 'yan? I don't like him kaya."

"Sayo. Nung maliit ka pa madalas mong sabihin paglaki mo gusto mong pakasal sa kanya."

"I never said that!"

"That's true. Ang cute cute mo nung sinasabi mo 'yun. Sayang, we weren't able to record you. Ice was scolding you pero hindi ka nagpaawat. It was on your 6th birthday, I think, when you declared that to everyone present."

I groaned. "Go write a story, ma, dahil hinding hindi ko 'yun sasabihin."

"You're cute. Anak ka nga ng papa mo. Pareho kayong pakipot."

"Ma? Are you sure anak mo 'ko?"

She laughed out loud. "We're done. Go to sleep. Goodnight, Liv."

Unofficially Yours (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon