Chapter 03

279 7 0
                                    

Halos maubusan ako ng hininga kakaubo.

Hindi ba naman kasing hindi mabubulunan sa pinagsasabi nitong lalakeng 'to?

Ininom ko ang tubig na binigay sa akin ng lalakeng ngayon ay hinihimas na ang likod ko.

Ilang minuto ay natigil na rin ako sa pag-ubo. Bumalik na rin siya sa inuupuan niya.

"I'm sorry, I didn't know you'll react like that."

Sinamaan ko siya ng tingin, "'wag ka kasing magbibiro ng ganon."

"I'm not joking, I'm serious about it." Seryosong saad niya.

"Seryoso ka talaga?" Nanlalaki ang mata kong tanong.

"Do i really need to repeat myself? You heard me."

Ang sungit.

"Gusto mo ako maging asawa mo?" Ulit kong tanong.

Tumango siya.

"Ni hindi mo nga ako kilala at hindi rin kita kilala tapos gusto mong maging mag-asawa tayo? Ni hindi ko nga rin alam ang pangalan mo."

Nasisiraan na siguro 'to ng bait, gusto niya ako maging asawa niya? Ayos din 'to eh, parang nag-aalok lang ng pagkain.

"Hindi mo nga rin alam ang pangala-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Ariana Jane Verlice, 20 years old, born on April 13, 2003. Currently living in Bulacan, living alone. Father's name is Gregorio Verlice, and Mother's name is Aliana Lopez Verlice. Only child. Working at public market, selling fish. Graduated from senior high. Favorite color is-" pinutol ko ang mahabang sinabi niya.

"Stalker ka!"

"I already know you, so i guess we can get married now."

Pala desisyon din pala 'to, makapal na nga mukha, pala desisyon pa.

"Hindi pa rin ako magpapakasal sayo kahit alam kilala mo na ako. Nasisiraan ka na ba ng bait? Hindi ako nagpapakasal sa lalakeng hindi ko kilala at hindi ko mahal," mahaba kong litanya.

"Carson Elias Harrison," aniya.

Kinunotan ko siya ng noo at tinaasan ng isang kilay, nagtatanong.

Mukhang naintindihan naman niya ang itsura kong nagtatanong dahil nagsalita siyang muli.

"That's my name." Sabi niya sa isang malalim at malamig na boses.

"Hindi ko tinanong," pambabara ko.

Kumunot ang noo niya at tinignan ako ng masama. Nakakatakot naman tumingin 'to.

"Joke lang, eto naman," pagbawi ko sa sinabi ko.

"Now that you know my nam-"

"Hindi pa rin, hindi nga ako magpapakasal sa lalakeng hindi ko mahal." Putol ko sa sasabihin niya.

"It is really your hobby to interrupt what someone is saying?" Bakas na sa boses niya ang inis.

"Sorry, pero hindi nga ako magpapakasal sayo. Period."

"Really? Are you sure?" Tanong niya.

"Oo."

"Even if i say that you'll benefit from it?" Paghahamon niya.

"Ano namang mapapakinabangan ko kapag nagpakasal ako sayo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"A lot, like money. Be my wife and I'll give you everything you want."

"Anong akala mo sakin, mukhang pera? Kaya kong magkaron ng pera nang hindi nagpapakasal sayo." Seryoso kong sabi.

"Fine," nangunot ang noo ko nang ilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Your phone," aniya.

Kahit nagtataka ay ibinigay ko pa rin ang cellphone ko.

May itinipa siya roon bago ibinalik ito sa akin.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang may sinave siyang number.

"That's my number, call me when you change your mind."

"Hindi na magbabago isip ko," sambit ko habang nilalagyan ng pangalan ang number niya.

Baliw na Stalker/Kidnapper

Pinigilan kong matawa sa pangalan na isinave ko sa number niya.

Tumayo na ako, "aalis na ako, salamat sa pagkain."

Nakatayo lang ako at nakatingin kay Elias. Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"What?" Masungit niyang tanong.

"Ihatid mo ako pauwi, wala na akong pamasahe." Utos ko.

Bubuka na sana ang bibig niya para magsalita pero inunahan ko na siya.

"'Wag ka na umangal, ikaw nagdala sakin dito kaya ikaw din ang magbabalik sakin sa bahay ko."

"Damn this girl."

My Husband Is A Mafia Boss [Mafia Series #1]Where stories live. Discover now