HOUSE FULL OF HUNKS
(2023)Kinabukasan... maaga ulit nagising si Andrei dahil kailangan pa nitong maghanda para sa kanyang eskwela at para na rin ipagluto ng almusal ang kanyang mga amo. Dali dali na siyang bumangon ng kanyang higaan at kinuha ang kanyang twalya tsaka tinungo ang banyo upang maligo. Ilang minuto ang lumipas matapos nitong maligo at magbihis ay agad na siyang nagtungo ng kusina upang umpisahan ang kanyang pagluluto. Habang nasa kalagitnaan pa lang siya ng kanyang pagluluto naramdaman na lang nito na may yumakap sa kanya mula sa likuran.
"Good morning Andrei.." malambing na bati nito sabay halik sa leeg ni Andrei.
"Good morning Kuya Lucas.. sandali na lang ito at mag aalmusal na tayo.." nakangiting sagot naman ni Andrei sabay lingon nito kay Lucas at hinalikan sa labi.
"Kamusta naman pala ang first day sa bagong school mo?? Marami na bang nag bago dun??.." tanong naman ni Lucas habang nagluluto pa si Andrei.
"Meron naman pong pagbabago sa mga buildings iba na yung kulay.. may mga kaunting renovations din Kuya.. yung mga naikwento mo sa akin tungkol sa school niyo dati ay may iniba naman.." sagot naman ni Andrei kay Lucas.
"Eh sa mga kaklase mo?? May mga lalaki ka bang kaklase??.." tanong ulit ni Lucas kay Andrei.
"Meron naman po Kuya.. actually yung first ko talaga na nakaclose sa school ay classmate ko na lalaki.. nakabungguan ko siya nung hinahanap ko pa yung classroom ko.." sagot naman ni Andrei kay Lucas.
"Gwapo ba siya Andrei??.." tanong ni Lucas.
"Gwapo naman siya Kuya pero hindi siya pasado sa standards ko.." nakangiting sagot ni Andrei.
"Mas gwapo pa ba siya kaysa sa amin Andrei??.." nakangising tanong ni Lucas.
"Aba ciempre hindi Kuya... kayong lima ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo.." nakangiting sagot ni Andrei kay Lucas.
"Pero matanong kita Andrei.. sa aming lima.. if ever man na maiinlove ka sa amin.. sino ang pinakagusto mo??.." seryosong tanong ni Lucas kay Andrei.
"Hmm.. kung ibabase ko po sa mga interactions na naganap.. siguro po.. sa inyo po ako maiinlove kasi kayo po ang may pinakamadaming conversations sa akin eh.." nakangiting sagot ni Andrei kay Lucas.
"Talaga Andrei??.. totoo ba yang sinasabi mo?? O baka naman nahihiya ka lang na sabihin kung sino talaga sa aming lima.." nakangiting tanong ni Lucas kay Andrei.
"Sabi ko nga po diba.. base sa naging interactions lang naman.. at tsaka Kuya.. hindi pa naman katagalan ang paninirahan ko dito sa inyo kaya hindi ko pa alam ang mga ugali ninyong lahat.." sagot naman ni Andrei kay Lucas.
"Mababait naman kaming lahat dito ah.. pinatuloy at inaruga ka nga namin kahit hindi ka namin kilala eh.." nakangiting sagot ni Lucas kay Andrei.
"Alam ko naman yon Kuya.. kaya hindi ko kayang mainlove sa inyong lahat dahil alam kong hindi naman maibabalik yun sa akin.. hehe.. I know at the end of the day.. sa babae pa rin kayo mahuhulog at bubuo ng pamilya.. ayos na sa akin na ako ang pinagpaparausan niyo mga Kuya.. hindi na ako mag eexpect ng higit pa dun.." nakangiting sagot ni Andrei kay Lucas.
YOU ARE READING
House Full of Hunks
RomanceAng kwentong ito ay pang LGBTQIA+ or pwede na rin sa mga taong may malawak na pag-iisip. May mga eksena sa kwentong ito na hindi angkop sa mga mambabasa na 21 pababa ang edad. Kung hindi ka sanay magbasa ng mga ganitong istorya... mabuti pa at magha...