CHAPTER 1.

3 0 0
                                    


                            FEBIE GRACE

“Ihh, ma, hayaan mo nalang kasi ako, dito na nga lang ako sumasaya sa panonood kay Alestair eh!ㅤ

Ito ang lagi naming pinagtatalunan ng mama ko. Tutol kasi siya sa pag idolize ko kay Alestair eh. Pero sabi nga ng SB19 sa Go Up “walang makakapigil

kaya no, hindi ako titigil. Sayang naman ka-guwapuhan ni Alestair ‘no kapag hindi ko makikita araw araw.

“Hay naku, kapag ikaw talaga bumagsak sa exam mo lahat ng meron ka itatapon ko! hindi ka manlang mag review!” napairap nalang ako sa kawalan at dahan dahang tinabihan si mama at hinaplos sa magkabilaang balikat nito.

“Ma.. never naman ako bumagsak sa exam kahit wala akong review eh” bahagya nalang ako napahagikgik sa gilid at inihanda ang mga gamit ko sa pagpasok

“Ano nanaman bang pinagtatalunan ninyong dalawa diyan? kay aga aga ah” sabay kaming napatingin ni mama kay lola na dahan dahang pumasok sa kuwarto ko

“Teka, si Alestair nanaman ba ‘yan?” tanong ni lola kaya naman ay napatango nalang kami ng sabay ni mama.

“Si mama po kasi lola eh, kay aga aga stress nanaman” sagot ko kay lola at napailing naman ito

“Ikaw Nelia, hayaan mo na itong apo kong si Febie na magtititili diyan sa Alestair na ‘yan, diyan sa sumasaya eh hayaan mo na” napatango naman ako sa mga salitang tinuran ni lola at ngumiti kay mama

“Ikaw talagang bata ka inuuto mo nanaman ako! nagkampihan nanaman kayo ng lola mo” agaran akong kumaripas ng takbo palabas sa kuwarto ko habang tumatawa sa reaksyon ni mama, mama moments nga naman

“Aalis na po ako” masayang paalam ko kay lolo na ngayon ay kasalukuyang nanonood ng telebisyon.

_____
“Goodbye ma'am!” we said in chorus bago tuluyang umalis sa classroom namin kaya naman ay tinawagan ko si Trisha.

Trisha, Erica, Juliegh, Jane are my besties pero not like other besties na may anniversaries sila basta itong apat ay basta nalang nasulpot sa buhay ko at pagkagising ko bff ko na sila

“Trish hindi pa ba kayo tapos?” tanong ko kay Trisha habang naglalakad sa hallway

“Hindi pa pero malapit na, hintayin mo nalang kami sa may umbrella tree” saad nito sa kabilang linya kaya napatango nalang ako at dumiretso sa may umbrella tree para duon maupo at naghintay kila Trish.

Hindi narin nagtagal ay dumating na sila na animoy mga lantang gulay

“Oh, anong nangyari sainyo? bakit para kayong lantang gulay diyan” salubong kong tanong sakanila

“Gagi nagpasurprise quiz ba naman si ma'am kanina” sagot ni Erica na bagsak sa lamesa sa ilalim ng umbrella tree na inuupuan namin ngayon

“I think deserve” saad ko kaya naman ay humagalpak sila samantalang si Erica ay akala mo mananapak na sa gigil

“Hoy tara na kumain na tayo!” anyaya ni Juleigh na kala mo naman lalamunin na kami sa sobrang gutom niya

“By the way sabi ni ma'am may ojt tayo sa Manila” saad ni Jane kaya naman ay nagtatalon silang apat

edi kayo na, kimi

“Hala kayo din?” hindi makapaniwalamg tanong ko sakanila

“Malamang! iisa lang subject teacher mo at adviser namin eh edi malamang kasama ang section niyo sa mag o-ojt” saad ni Erica.

Same school, different sections, friendship remain.

“Oo na!” hiyaw ko sa kawalan kaya naman ay nagtawanan ang mga bruha

“Kailan daw kamo ang simula ojt natin?” tanong ko sakanila na nagsisilabasan na ng baunan.

hindi naman halatang gutom sila oo

“Next week, malapit narin Friday na ngayon eh” sagot ni Trish na nalamon narin

“Excited na ako, what if madapa ako duon tapos may mag a-approach saakin tapos si Oliver pala” hindi ko na natapos ang sasabihin ki nang may kamay na dumapo sa pisngi ko

Walang lamok pero may delulu” si Erica. Akmang babawi na ako nang pigilan ako nila Trisha at Juleigh

“Tama na tama na baka masapak mo ‘yan tumilapon sa kabilang planeta” nagsihagalpakan kaming lahat

“Bully kayo ha!” saad ni Erica habang punong-puno ang bunganga

“Bigyan mo ako ulam mo, hindi na kita babawian” kumbinsi ko kay Erica pero ayaw niya, edi don't diba

“Mamayang uwian nalang!” paalam naming lima sa isa't isa bago magtungo uli sa kanya-kanyang classroom.


“Feb!” bumungad saakin si Kian, class president namin

“Oh, ano nanaman?” tanong ko rito

Kian is our class president at ako naman ang vice president kaya naging bestie kami dahil kami lagi ang magkasama tuwing may ipapagawa or ipapa assist si ma'am.

“Ready ka na ba sa ojt natin?” kita ko sa mata ni Kian ang bumabalit dito na excitement, sino ba naman kasing hindi mae-excite na mag ojt sa manila hello from Pangasinan tapos mag o-ojt sa manila? agayla!

“Oo naman beh! finally makakapunta na us ng Manila” nagtatalon kami ni Kian dahil sa excitement.

“Kaya nga eh, excited ka na ba?” tumakas ang kanang kilay ko sa tanong nito

ay, hindi ba halata?

“Ano sa tingin mo?” napairap nalang ito

“By the way maglinis ka raw ng room mamaya sabi ni ma'am kundi ipapaguidance ka” nanlaki ang mga mata ko dahil hindi sa gulat akong ipapaguidance ako kapag hindi ako naglilinis kundi dahil sa gulat kong hindi nakikita ni ma'am ang paglilinis ko sa blackboard.

“Anong hindi naglilinis? Hindi malinis ang blackboard natin kung wala ako ano!” nagtakip ng teynga si Kian dahil sa tinuran ko.

Narinig ba niya sinabi ko? Nabingi ba siya?

Deserve.

Fall Inlove To My Fangirl Where stories live. Discover now