CHAPTER 2

9 1 0
                                    

(Mia's POV)

Nandito kami sa loob ng grocery store at sa sobrang dami ng pinamili namin puno ang dalawang cart na tinutulak namin ngayon

"Mia?" tawag sa akin ni Yannah.

"Hmmm?"

"Ahmm, may tanong ako, sagutin mo sana ako ng maayos ha!"

"Sure, ano 'yun?"

"Kung halimbawang may nagsabi sa 'yo ng 'I LIKE YOU' na hindi mo naman kakilala, as in strangers talaga kayo, anong iisipin mo?"

Sandali kong pinag-isipan yung tanong niya.

"Nakakatawa naman 'yang tanong mo, pero hmmmm, iisipin ko na pinagt-tripan lang niya ako, dahil siguro bored lang siya at wala siyang magawa sa buhay niya!"

"Yun lang?" Mukhang niniguro pa nitong tanong sa akin.

"Oo, 'yun lang! Huwag mong sabihin sa akin na kung ikaw ay may makasalamuhang hindi mo naman kilala, tapos sinabihan ka ng 'I like you,' ay mag-aassume ka na ng kung ano-ano?"

"Ha? Ahh ehhh, hindi noh."

"Ehh, bakit parang may iba ka pang inaasahang isasagot ko?"

"Wala, naisipan ko lang itanong!"

"Sa dinami-dami ng maaari mong itanong, bakit 'yun pa?"

"Ehh, 'yun ang naisip kong topic eh. 'Di mo ba napapansin na kanina pa tayo walang kibuan? Nagmumukha na tayong hindi magkakilala!"

"Okay, buti nalang nakaisip ka ng mas magandang palusot!" pang-aasar ko.

"Tiningnan niya na lang ako ng masama at nauna nang pumunta sa may cashier.

Mukhang may tinatago sa akin itong babaeng ito ha! Nakangisi kong sabi at sumunod na ako sa kanya. At nang matapos naming bayaran lahat ng mga pinamili namin, nagdesisyon kaming kumain muna bago umuwi.

"Uyyy, Mia, sa Jollibee na lang tayo!"

"Ayoko! Sa McDo tayo!"

"Sa Jollibee na lang, masarap dun!" pagpupumilit niya pa rin.

"Ehh bakit sa McDo hindi?" pagmamatigas ko naman.

"Wala naman akong sinabing ganon!"

"So, kung wala ka naman palang sinasabing ganon, edi sa McDo na lang tayo, kasi parang sinabi mo rin lang naman na pareho namang masarap ang mga pagkain sa Jollibee at McDo."

"Ehh gusto ko kase sa Jollibee!" naka-busangot niya pang sabi.

"Pambata lang 'yun!"

"Ehh, pambata din naman sa McDo ha!" angal pa nito.

"Gusto ko sa McDo, at dun tayo kakain!" sabay akbay ko sa balikat niya.

"Pero gusto ko nga sa Jollibee!" dun na lang tayo, sige na, Mia!" nagmamakaawa ng sabi  ni Yannah.

"Ano ba ang mayroon doon sa Jollibee at gustong-gusto mo dun ha?"

"Ano rin ba ang mayroon sa McDo at bakit gustong-gusto mo rin doon?"

"Hoy, huwag mo nang ibalik sa akin ang tanong!"

"Sagutin mo na lang kasi!"

"Dahil gusto ko dun," madiin kong sagot sa tanong niya.

"Same answer lang din doon sa tanong mo kanina," nakangiti na nitong sabi.

"Hay naku, may byahe pa tayo mamaya, anong oras na uyy, mauubos na ang oras natin dito sa kakaaway. Baka alas-dos tayo makakain sa lagay na ito."

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jan 23 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Mission Onde histórias criam vida. Descubra agora