Chapter 15

403 13 0
                                    

Seraphina's Pov

Madiin akong napapikit ng aking mga mata nang makalabas kami mula sa portal. Nahihilo ako. Muntikan na akong matumba kung hindi lang ako nahawakan sa bewang ni Flynn.

"Are you alright?" Bakas ang pagaalala sa boses ni Flynn. Tumango lang ako nang nakapikit parin. Ayaw kong imulat ang aking mga mata dahil umiikot ang paningin ko. Lumipas ang ilang minuto ay humupa na ang aking hilo kaya't unti unti kong minulat ang aking mga mata.

Tumambad saaking harapan ang mga kasama namin. Todo alalay ang mga kalalakihan kina Wendy dahil tulad ko ay mukhang nahihilo din. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang matitipunong braso ni Flynn mula sa aking bewang kaya hinawakan ko ang kanyang braso at dahan dahang kinalas.

"Damn! Kakalbuhin ko si Headmaster! Hindi man lang tayo binalaan na nakakahilo pala ang paggamit ng portal." Nanggigigil na saad ni Arianna habang hinihilot ang ulo niya.

"Thank goodness we still didn't eat breakfast If we did baka sinusuka ko na ang bituka ko ngayon." Saad ni Asara.

"Ganyan na ganyan din ang reaksyon namin nung first time naming gumamit ng portal, pwera nalang kay Flynn na kalmado parin." Natatawang saad ni Alexander habang inaalalayan ang pinsan niyang si Catherine na nahihilo parin.

"Tell me if you are already feeling fine, We still need to eat breakfast to have strength for our travel." Flynn said with his cold voice. At inalalayan akong umupo sa malaking sanga ng puno sa tabi namin. He didn't need to do that pero hinayaan ko nang dahil may konting hilo pa akong nararamdaman.

Pinagmasdan ko ang aming paligid, Nasa bakuna kami ng kagubatan. Tanaw ko mula sa pwesto namin ang hindi kalayuan na tingin ko ay isang pamilihan. Maraming tao doon.

"Are you thirsty love?" Tanong ni Flynn sa aking tabi. Tumango ako kaya't kinuha niya ang isang bottled water mula sa loob ng bag niya at binuksan saka inabot saakin.

"Thank you Flynn." Saad ko pagkatapos kong uminom. Ngumiti naman siya ng tipid.

"Anything for you." Sagot naman niya.

I felt his hand reached for mine. Sinimulan na naman niyang paglaruan ito. Pinabayaan ko nalang siya at itinutok ang atensyon ko sa mga kasama namin. Kagaya namin ay naka upo din sila sa mga sanga ng puno. My eyes met Asara's gaze, Matalim na naman itong nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko ito pinagtuunan ng pansin at ibinaling nalang sa ibang direksyon ang aking mga mata.

I saw Elijah looking at us with his unexplainable expression. Nakakunot ang noo siyang nakatingin sa kamay ni Flynn na pinaglalaruan ang mga kamay ko pero noong mapansin niyang nasa direksyon niya ang tingin ko ay isinenyas niya kung ok lang ako that's why I nod and gave him a little smile.

I felt Flynn stop on what he is doing, His hold on my hand become tight but not too tight that it will hurt me. I looked at him only to see his dark stare. Binitawan niya ang mga kamay ko saka ito tumayo.

"Looks like you are already ok, Let's go." He said without any expression in his face. He looked pissed. But why?

Walang nagawa ang iba kundi ang magsitayuan kaya ganun din ang ginawa ko, Nagulat ako nang may kamay na humawak sa braso ko upang alalayan akong tumayo, It was Flynn. Akala ko ay hindi na ito lalapit saakin dahil nga sa naiinis siya sa hindi malamang dahilan.

"I know a place where we can eat breakfast, Sundan niyo ako." Saad ni Elijah at nauna nang maglakad sumunod naman kami.

Hindi kami sabay na naglalakad ni Flynn dahil nasa likuran ko siya kaya si Wendy at Arianna ang nasa magkabilang gilid ko ngayon.

"Beh anong ginawa mo kay Aiden bakit mukhang galit?" Bulong ni Arianna saakin.

"Lagi naman mukhang galit." Sagot ko.

Celestial Academy: Unveiling Destiny (Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon