Chapter 5

266 15 72
                                    

Chapter 5: Cheat
Zanashi

Sa loob ng tatlong araw naming bakasyon, wala na kaming interaksyon pa ni Yohan. Pilit kaming pinaglalapit nina tita pero todo layo naman kami sa isa't isa.

Minsan, gusto ko nang patigilin si tita dahil halatang hindi komportable ang anak nya pero sa tuwing ginagawa ko ito, lalo pang nang-aasar si tita sa pag-aakalang nahihiya lang ako at kinikilig.

In just a snap, back to school again. Back to endless lectures and assessments.

I'm quite proud to say that we already found ourselves adapting to the demand of our program. Some other things were starting to change though. It was subtle at first but it was almost impossible to ignore when majority of my block mates are part of it.

"May copy ako. Pinasa sa akin. Same question sabi ng mga kaibigan ko sa dalawang blocks."

"Meron ding binigay sa akin from Block C. Let's compare.."

Tumingin ako sa dalawa kong block mates na nakaupo sa harapan ko. Ngumiti sila nang mapansin ang tingin ko.

"Gusto mo rin? Quiz para sa intermediate accounting."

"Hindi na."

"Huh? Bakit? Sige na, Avelynn. Wala namang mawawala sa atin. Dagdag points din sa class standing, oh."

Humigpit ang hawak ko sa pencil pero 'di na ako nagsalita pa. Ano ngayon kung tataas ang class standing ko? Hindi naman ito ang gagamitin ko sa board exam. Dinadaya lang nila ang sarili nila.

"Guys, alam nyo ba?" atat na balita ni Jescelyn isang araw habang kumakain kami ng lunch. Galing sya sa kabilang table para kausapin ang mga kaibigan nya galing sa ibang block. "May surprise quiz si Professor Ogara ngayon sabi ni Xyrene. Long quiz! 20 items daw at problem solving lahat! "

"Puta? Anong topic daw?" salubong agad ang kilay ni Glenn.

"Notes receivable!"

Halos sabay-sabay kaming napamura.

"Di ko pa kabisado ang table! Medyo lito pa rin ako sa pagkuha ng interest expense!"

Hindi na namin malunok-lunok ang kinakain dahil sa sobrang taranta.

20 items din iyon at kung problem solving nga, baka 3 points each! Medyo okay naman ako dahil binasa ko ito kagabi pero kung alam ko lang sana na may quiz, baka sineryoso ko ang pagbabasa.

Napatingin kaming lahat kay Jescelyn na hindi man lang kinakabahan. Nakangiti pa nga ang gaga! Kailan pa ito naging genius?

"Guys, no need to worry.." ngumisi sya bago nya ipinakita sa amin ang phone.

Mabilis ko itong inagaw sa kanya at muling tiningnan para siguraduhin.

"What the fuck, Jes? Bakit may ganito ka? Saan mo ito nakuha?"

"Chill. Hindi naman ako ang nagpicture nyan. Ipinasa lang 'yan sa akin."

"Kahit pa! This is cheating. Kailan ka pa natuto nito? Makakaya natin ang quiz nang wala ito."

"Surprise quiz ito, Lynn! Wala tayong maayos na study dito. Tingin mo papasa tayo?"

"Tiwala lang, Jes."

Umirap sya at ginaya ang lagi kong sinasabi. "Tiwala lang.." she mocked. Inagaw nya sa akin ang phone. "Kung ayaw mo, e 'di wag. Ang baba ko last time sa quiz kaya kailangan kong bumawi. Kayo ba guys? Gusto nyo?" baling nya sa iba. 

"Tanga ka ba? Mas mababa pa ako sayo, gumamit ba ako nyan?" inis na sabi ni Glenn. "Yung integridad, Jes. Nawawala."

"Para-paraan lang 'yan. Hindi ka sasagipin ng integridad mo. Evita? Rhazelle? Send ko sa inyo."

To Believe Again (Dream Series #2)Where stories live. Discover now