Chapter One

1.2K 49 3
                                    

Theo Louise Lefevre

"Ikaw Theo, Ano na naipon mo?" tanong ni Holly habang nilalagyan ng suka ang tocino niya. Nandito kami sa cafeteria ng company.

Ganyan talaga ang trip niya kapag tapa or tocino ang ulam niya.

"Puro sama lang ng loob ang naiipon ko." ganting sagot ko habang nag i-scroll sa lazada balak ko sanang bumili ng ireregalo ko kay Wilma mag b-birthday na yon tinatamad akong pumunta ng mall.

"Dami mong alam hotdog ka. Baka puro babae iniipon mo aba baka magulat nalang kami madami ka ng panganay."

Tss, mukha lang akong babaera pero matino ako. Si Valerie lang ang babaeng kakasamahin ko. Hay, bakit ang tagal nilang mag divorce ng pangit niyang asawa.

Ilan taon pa ba akong maghihintay? Kailangan ko na bang galawin ang baso?

Hindi na ako makapaghintay baka sa santong paspasan ang gagawin ko para lang mapunta siya sa akin. I'm Lefevre kaya naman walang imposible sa amin duh.

"Theo nagpapahanap na naman ang pinsan mo ng bago niyang secretary. Tinanggal na niya si Jasmine na dalawang linggo lang nagta-trabaho sa kompanya." problemadong sambit ni Holly lalo na sila ang pagbubuntungan ng inis ni Devyn kapag wala pa itong mahanap na secretary.

Wala kasing dilig ang babaeng yon kaya bugnutin sa buhay. Kailangan na niyang magjowa para naman sa iba mapunta ang atensyon niya.

Na trauma ng malala sa ex-wife niyang maaga kinuha ni lord dahil sobrang bait at faithful na pati magpinsan ay tinuhog niya.

"Busy si Grace baka Ikaw nalang mag interview mamaya ng applicant. Please lang, ayusin mo at wag landiin." sabi nito na naglagay ng fried rice sa plato.

"Grabe ka makapanghusga sa buong pagkatao ko ah. Mukhang mas kilala mo pa ako kaysa sa sarili ko." ganting sagot ko sa babaeng ito na puro kaartehan sa katawan ang alam.

After namin kumain ay dumiretso na nga ako dito sa office ni Ate Grace.

Tinignan ko isa-isa ang resume ng mga aplikante. May mga ibubuga naman at nag-aral sa sikat na unibersidad.

Nakaramdam ako na mapapa-ihi na kaya nagmadali akong gumamit ng restroom naka locked kasi ang cr ni Ate Grace sa office niya.

Favorite ko ang dulo ng cubicle dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Nanlaki ang mata ko dahil may umiihi na babae pero bakit nakatayo? Unless lalaki ito at crossdresser lang o di kaya tulad ko na intersex. Naka earphone ito kaya hindi niya ako nararamdaman nakita kong may nakasabit sa dibdib niya na na applicant pass.

Siya nalang ang pipiliin kong secretary ni Devyn baka magka developan ang dalawa lalo na kayang-kaya niyang anakan ang pinsan ko. Ang bright mo talaga Theo.

Pinili ko na ang katabi nitong cubicle at nag jingle na. After ko mag cr ay agad akong pumasok sa office ni Ate Grace at hinanap ang resume nong babaeng daks.

Isa-isa kong tinignan hanggang sa makita ko na nga ang hinahanap ko.

"Arabelle Davis, 21, single taga malabon. In fairness maganda ang hotdog na ito kamukha ni Barbara Palvin kung hindi lang ako inlove kay tanda jojowain ko itong si Arabelle kaya lang eww parehas kaming may hotdog." mahinang bulong ko habang binabasa ang resume niya.

Petchay pa din ang gusto kong pasukan. Stick lang tayo doon.

Ilang saglit pa ay pinatawag ko na nga si Arabelle Davis. Gusto kong matawa dahil namumutla na ito halatang kabado.

Hindi ko naman ito kakainin, si tanda lang ang titikman ko.

                                  ***

"Good afternoon Señorita." bati ng dalawang guwardiya na nagbukas sa akin ng gate. Nag-grab lang ako dahil tinatamad akong mag drive at ayokong magpahatid sa family driver namin.

"Señorita may nagpunta ditong babae galit na galit at hinahanap ka." sabi ni Kuya Binoy baka isa sa babaeng naghahabol sa akin. Iba na talaga ang karisma ko kaya lang walang makakapikot sa akin.

"Bakit raw?" walang gana na tanong ko.

"Paninindigan mo daw po siya dahil hindi ka niya titigilan. Jade nga po pala ang pangalan nong babaeng meztisa. Nakausap niya po kanina si madam." nahihintakutan na sambit ni Manang Letty na biglang sumulpot.

"Kapag may naghanap sa akin sabihin niyo na hindi na ako dito tumutuloy." dahil medyo masungit ang pagkakasabi ko. Medyo na guilty ako dahil may edad na ito.

"Ginawa mo pa kaming sinungaling señorita. Hay, sa edad ko na ito na malapit ng kunin ni lord."

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Kapag may naghanap sa akin na babae sabihin niyo na nag-asawa na lang ako."

Nagulat naman ito. Ang OA ni manang ah.

"Po? Eh??? Wala ka nga pong pinapakilala na nobya e tapos asawa agad." kunot noong sabi niya.

Aba't!!

Paano ko ipapakilala ang matandang yon e kasal pa nga sa maligno.

"Basta sundin niyo nalang ang sinabi ko manang. Wag ng madaming tanong." sabi ko na pilit kinakalma ang sarili dahil nga tataas talaga ang BP mo kay manang.

Nagkibit-balikat naman ito. "Okay, noted yan." aniya bago ako iwan para ituloy ang panonood niya ng tv. "Mga kabataan nga naman gagawa-gawa ng kalokohan hindi mapanindigan. Hindi ko sinasabing ikaw ito señorita pero parang ganon na nga."

Hindi ko nalang pinatulan ang matanda. Siya ang nag-alaga kay Ate Grace at sa akin kaya malaki ang respeto ko sa kanya. Ayaw lang nito na nagsisinungaling at nanakit ng damdamin ng iba.

Pa-akyat na ako ng hagdan sakto namang may narinig ako na mga boses na nagtatawanan.

"Omg, I'm so excited! Let's go shopping sometime. When will that be?" narinig kong boses ni mommy na halata ang excitement niya.

"Maybe next week? Pupunta kasi kami ni Rafael sa vigan. Three days kami doon." sagot ng babae na pamilyar sa akin ang boses.

Rafael was an asshole. Naririnig ko na ilang beses na daw nahuling nambabae ito pero laging pinapatawad ni Tita Valerie.

Kaya malakas ang loob na mambabae dahil alam niyang patatawarin lang siya. Hindi niya deserve si Tita Valerie.

Naririnig ko ang mga yabag papunta sa kinaroroonan ko.

"Oh, nandito na pala ang babaero kong bunso. Aba! Theo may sumugod na namang babae dito at hinahanap ka." naiinis na singhal sa akin ni mommy na nakapameywang pa.

"Mommy naman, Hindi ako womanizer baka isipin nitong si Tita Valerie ay marami akong babae."

Tinaasan ako ng kilay ni mommy. "Kailan ka pa nahiya? Hindi ba't totoo? Puputi talaga ang bolbol ko sayong bata ka. Oh sya, umaakyat kana sa kwarto mo hina-high blood mo na naman ako."

Napakamot naman ako sa aking batok. Sira na naman ang image ko sa aking future wife. "Ang ganda mo talaga Tita Valerie hindi tulad ni mommy na laging nakasinghal akala mo walang dilig." sabi ko at nagmadaling umakyat dahil malamang pipingutin ako ni mommy.

"Nakita mo na val? Halika nga dito Theo!" galit na sigaw ni mommy. Narinig ko nalang ang mahinang pagtawa ng future wife ko.

Next time ungol na ang maririnig ko sayo hihihi.

Theo Louise Lefevre: Dangerous When WetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon