Chapter 44

5.2K 135 7
                                    

Di ko na ioonhold. Itutuloy ko na wosshh~ Maikling UD lang 'to. Thank you Krissica_907 at baek_niall at doon sa dalawa. :D-Seyi 


 Chapter 44 

 Andy's POV

 Nagulantang ako sa nakikita ko. Si Lawrence ang nagsasalita sa harapan. Oh my god, bakit siya andito? anong gagawin niya dito? gusto kong magtago dito sa ilalim ng mesa. May masama akong nararamdaman. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat.

"Bakit andito 'yang kupal na 'yan?" bulong ni Kit habang nakatingin sa akin. Hindi ako umimik. 

Nakikinig ako sa sinasabi ni Lawrence sa harapan. "I don't believe in love at first sight, kasi hindi naman tumitibok ang mata. Pero nung nakita nag iba na kaagad ang naramdaman ko.." 

 AKO BA ANG TINUTUKOY NIYA?? Ako lang naman 'yung nililigawan niya di ba? Assuming ako pero feeling ko ako ang tinutukoy niya. 

 "I fall too fast. I crash too hard. Naging interesado ako sa kanya kaya hinanap ko siya. Salamat sa diyos at nahanap ko siya, andito siya ngayong gabi. Ang babaeng mahal ko." tumingin siya kung saan ako naka-upo. Anong ibig sabihin neto? o baka naman si Kat ang tinitignan niya? 

 "Dad?" nagtataka kong tanong kay Daddy. Ngumiti lang siya at hindi ako pinansin.

Bumaba si Lawrence mula sa stage papunta sa amin. Nakatingin lahat ng mga tao. Inaantay nila ang susunod na gagawin niyang gagawin. Kinakabahan ako ng todo. Alam ko na ang susunod na mangyayari. Oh my gosh! Anong gagawin ko? tatakbo? Isa akong malaking kahihiyan.

Hindi ako makatingin sa kanya nung nakalapit siya sa amin. Ito na ba 'yung sinasabi niya? na gagawin niy ang lahat makuha lang ako? Paanong... 

 "Sir, mahal na mahal ko po ang anak niyo. Salamat sa pagbigay sa akin ng chance. I will take care of her. I promise." sabi niya kay Daddy.

Gusto kong umangal! Ano 'to? arrange marriage? what the heck? Nasaan nanaman ang karapatan ko? Hindi ako papayag na sila ang magdesisyon sa akin. Yes, they're my parents. Pero hindi naman ata tama.

Lumuhod siya sa harapan ko at inilahad ang isang mamahaling singsing.


 Umingay ang mga tao. Ang dami ding kumukuha ng picture sa amin. Hindi ako makapaniwala! sana hindi na lang ako sumama! Anong sinabi niya kay Dad bakit ganito? Parang ito 'yung mga nababasa ko sa mga libro na kailangang magpakasal 'nung babae sa lalaking hindi naman niya mahal dahil lulubog na ang negosyo nila kung hindi niya ginawa.

"Andy Shaina Salvador.. alam ko na ayaw mo sa akin, please give me a chance, I will give you everything, I will do want you want, sasamahan kita kahit saan, aalagaan kita, papatunayan ko sa iyo na mahal kita.." This is so fucking ridiculous! 


Napatingin ako kay Daddy. Ang laki ng ngisi niya. Naiiyak ako. Ipapamigay na niya ako sa lalaking hindi ko naman gusto? tsaka masyado pa akong bata. What the fuck? Wala na ba akong kwenta?

Parang natuyo ang lalamunan ko kasi hindi ako makapagsalita. Hindi ko nga mapansin ang mga tao sa paligid. Blurry ang paningin ko dahil sa sobrang kaba. Nablablangko ang utak ko! 


"No, I can't. H-hindi ko matatanggap ang alok mo. I'm so sorry.." I said then I gulped. Lord kunin niyo na po ako. 


 Nagbulong bulungan ang mga tao. Parang gusto ko na lang na maglaho na parang bula. Lamunin na ako ng lupa ngayon din! Alam ko na kahihiyan 'yong sagot ko, syempre alam ko din na sobrang sakit sa side ni Lawrence. Pinahiya ko siya sa mga tao na andito. Hindi ko talaga kaya. 

Living With my Step-Brother [completed]Where stories live. Discover now