Chapter 3

35.1K 363 7
                                    

Buti nalang maaga kami dumating sa Gil University. Tinanong ko si Albie kung sino ang naghatid sa kanya ang sabi sila Kyto at Gabby daw di pa nga siya sure yung sila ang naghatid!

Loko talaga tong si Albie. Pagkapark ng kotse ni Albie ay agad ako nagpaalam sa kanya dahil ilang minuto nalang klase na ni Mr. Gaspar. 

"Albie paano una na ako. Alam mo naman si Mr. Gaspar kapag late di kana papapasukin." 

"Sige dude its ok! Kita nalang tayo sa Gym pagkatapos ng klase mo sakanya"

Tumango lang ako sakanya at bumaba na ako ng kotse niya.

Pagdating ko sa kuwarto kung saan nandoon ang klase ni Mr. Gaspar ay wala pa ito kaya pumunta na ako sa paborito kong pwesto sa unahang row malapit sa bintana. Doon kase tahimik di tulad sa likod puro ingay lang maririnig mo doon. Tsaka akala kase ng estudyante kapag nasa likod ka umupo ay di ka mapapansin o matatawag ng prof. Mali kayo dyan dahil doon lagi ang tinatawag ng mga prof. dahil akala nila ang nasa unahan ay nakikinig sakanila. make sense ahhahah!

Naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone nagtxt pala si Brad.

"Pare may racket ako mamayang gabi. Bridal Shower ang theme. Ano deal o No deal" 

Napangiti naman ako sa txt nitong si Brad Deal or No Deal. Loko talaga yun daming alam. Imbes na magtxt ako ay tinawagan ko nalang siya.

" Hello pare daming mong alam loko ka!" 

"Pareng Jordan naman ano Deal o NO Deal?"

"Syempre Deal. Teka saan mo naman pala nakuha ang offer na yan?"

"May lumapit sa akin noong isang araw na babae Sofia ang pangalan. Rich Kid siya. Tinanong ako kung nagseservice ako. Sinagot ko naman siya. Ayun inooffer niya sa akin to. Noong una isa lang ang kailangan pero nagbago ang plano. Kailangan na niya ng dalawa sasayaw. Kaya naisip kita sino paba yayain ko kundi ikaw lang pare"

"Yaan tayo pare kaya pumayag akong maging kaibigan kita eh! hahhaha! Malaki ba naman ang makukuha naten dyan?"

"Syempre naman kailangan pa ako pumayag sa mga offer na pipitsugin lang. Wala pa doon yung Main Event ah!"

Napangisi ako sa sinabi ni Brad. Talaga naman madiskarte tong loko na to! 

"Deal ako dyan pare! Anong oras mamayang gabi?"

"9pm pare hintayin nalang kita sa apartment mo"

Napailing nalang ako sakanya dahil madalas siya sa apartment kaya naman may duplicate na siya ng susi nito. Sinabihan ko na siya na doon na siya tumira pero ayaw niya dahil nahihiya siya kay Albie.

"Sige txt mo nalang ako kapag nandoon kana." binabaan ko na di ko na hinintay pang sumagot dahil pumasok na si Mr. Gaspar.

Buong oras ng klase ni Mr. Gaspar ay tahimik kaming nakikinig sa lecture niya. Heto ang maganda sa klase ni Mr. Gaspar focus lahat ang mga estudyante. Di naman kase boring ang klase niya. Istrikto si Mr. Gaspar kabata bata ay ganun na ang ugali niya sa pagtuturo. 25 years old palang siya pero dahil matalino at maganda ang record ay nakapasok siya sa Gil University. 

MAraming humahanga sakanya bukod sa matalino ay gwapo ito at maganda ang pangangatawan. Di lang namen alam kung may girlfriend na ito dahil wala kaming nakikita o naririnig na chismiss kung meron nga siya. Wala din siyang bisyo kaya siya ang Goodlucking Prof.

"Mr. Jordan! nasa dreamland ka yata or Wonderland?"

"Ho?!" nalintikan na napansin yata ako nitong nagmuni-muni.

Ama, Anak at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon