CHAPTER 13

8 2 7
                                    

Nasa canteen ako ngayon  dahil sa condition na sinabi ni JM.Kahit ayaw kong sumunod ay napilitan talaga ako sapagkat wala ng choice.

Kanina pa ako nakatambay dito,hinihintay sila sapagkat yun ang sabi ni Ferachi kanina,pinapasabi daw ni JM sapagkat abala ito kanina sa pinagawa ng guro sa last period namin.Nililibang ko nalang ang sarili  ko sa pagtingin tingin sa mga estudyanteng bumibili.

Mahigit limang minuto na akong naghihintay ngunit hindi parin sila dumadating.

"Isang minuto pa,aalis na talaga ako dito,"bulong ko sa sarili habang nakatingin sa orasan .

"Kanina kapa?"

Nasa tabi nito si Carlo,nakahawak ang isa niyang kamay sa bewang ng kasintahan at sa kabila naman ay isang supot ng pagkain.

Ngumiti ako sa lalaki."Medyo kanina pa naman."

"Una na kami ha,"pagpapaalam nito bago umalis kasama ang kasintahan.

Saludo ako sa katapangan ni Jin sa pagpapakita niya sa mga tao sa kung ano siya at anong meron sa kanila ni Carlo.Ang swerte ng taong kapareha niya sapagkat kaya niya itong iharap sa mga tao at ipaglaban kahit pareho sila ng kasarian.

Ramdam kong medyo napapalayo na kami ni Jin sa isa't isa ngunit naiintindihan ko naman yun sapagkat nakatuon na ang atensyon nito sa kasintahan.Sino ba naman ako para manghingi ng oras?Nakakapanibago o sadyang nasanay lang talaga ako noon.

Inaamin kong ako'y nagkamali sapagkat nagkagusto ako sa taong may mahal ng iba.Nagkagusto ako kay Jin.Ganun paman ay hanggang dun lang naman 'yun,wala akong balak na sirain ang relasyon nila.Isa pa,hindi naman talaga ako sigurado kung gusto ko nga ba talaga siya o na overwhelmed lang talaga ako noon.

"Sky!"

Si Ferachi.Naglalakad ito papunta sa'kin.

"Sorry talaga at natagalan ako,"Pawisan ang pisnge nito at hinihingal ."Pinapasundo ka ni JM."

Tiningnan ko ang orasan.Tatlong minuto na ang sobra sa palugit kong binigay kanina.Magagalit na sana ako ngunit halata ang pagkapagod sa mukha nito na para bang nagmamadali."Bakit ganyan ang mukha mo?"

Tinuro nito ang mukha."Bakit?Pawisan ba?"Kinuha nito ang cellphone at nanalamin."Ay hala,hagard ng mukha ko,"sabi nito sabay kuha ng tissue sa table at pinunasan ang pawis."Pinapadali kasi ako nila eh,"reklamo nito habang inaayos ang mukha.

Pinagmamasdan ko lamang ang mga galaw nito.Ganiyan ba talaga ang personalidad niya?
Wala itong ka arte arte sa pagpunas ng pawis at pag ayos ng buhok. Animo'y para itong laging nagmamadali sa pagkilos.

"Bilisan mo na Sky,papagalitan pa ako niyan,"Mabilis itong tumayo saka hinawakan ako sa braso.

Tahimik lamang akong sumusunod sa kaniya.Naninibago ako sa kilos nito.Mabait ang pakikitungo at kilos nito sa akin,ibang iba sa iniisip ko.

"Tahimik mo naman,ano ba yan!"parang bata nitong reklamo.

Hindi ko alam kung paano ito kakausapin o anong pag usapan at isa pa ay hindi ko naman ito ka close.

Maya maya ay tumigil ito sa tapat ng "RaMEAL" kaya napatigil rin ako.Hinila nito ang kamay ko papasok sa kainan.

Una kong nakita si KC dahil kumaway ito sa akin.Nasa likurang table naman nito si JM,abala ito sa ginagawa  sa laptop.

"Tol,dito na sila."Hinila nito ang dalawang upuan sa tabi ng kaibigan para maupuan namin ni Ferachi.

"Order muna kayo,tatapusin ko lang to."Tutok na tutok parin ito sa ginagawa,hindi na nakuhang bumaling man lang sa amin,kahit kay Ferachi.

STORY ABOUT YOU AND MEWhere stories live. Discover now