Prologue

7.3K 59 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the permission of the author.

This story contains some unnecessary words that might offend you. You can skip this one if your not cup of tea.

[Career Series 4; Concrete Barriers]
written by: JonalynYan

***

“Are you ready, misis ko?” tanong ng asawa ko sa akin.

Mabilis akong tumango bago tapusin ang pagsusuklay kay Mave.

“Yey! We will ride on the plane, dada. Right?” natutuwang tanong ng anak ko.

Mabilis na lumapit sa kaniya ng asawa ko at humalik sa pisngi nito. “Of course, baby and then you will meet your grandparents and your tito Yohan.”

Pumalakpak naman si Mave at kitang-kita ang excitement sa kaniyang mukha. Simula kasi no’ng mag-dalawang taon siya ay dinala kami ng asawa ko dito sa Italy. Mahirap ang naging adjustment naming dalawa dahil first time namin ito pero ang asawa ko ang nag-alaga sa amin kaya medyo nasanay na.

Ngayon ay nakaipon na kami ng asawa ko ay babalik na kami sa Pilipinas para roon na manirahan kasama ang buong pamilya. Iba pa rin kasi talaga ang saya sa Pilipinas, e.

Though, puro sakit ang dinanas ko doon bago ako makarating dito ay hindi ko pa rin naman makakalimutan ang mga taong tumulong sa akin.

“Are you okay?” tanong ng asawa ko nang lumabas ang anak ko.

Hinalikan niya ako sa aking mga labi kaya napangiti ako. “Oo naman. I’m just happy that you’re with me until today. Thank you so much.”

Naupo siya sa tabi ko at niyakap ako. “I told you that I will never leave you. Saka isa pa, sabi ko naman sa ‘yo, ako talaga ang destiny mo, e,” pagyayabang niya pa bago ako harapin.

Marahan naman akong natawa at napairap. “Oo na. Pasalamat ka talaga, pinakasalan kita.”

“Eh, mahal mo ako, eh. But I love you more, misis ko.”

“Corny mo talaga. Tara na at baka maiwan pa tayo ng eroplano,” sabi ko sa kaniya.

Natawa naman siya at hinalik-halikan pa ako sa pisngi bago ako pakawalan. Sa huli ay binitbit na rin ang mga gamit namin palabas.

Itong bahay ay papatirhan muna niya sa kaniyang pinsan na nandito rin sa Italy. Wala naman kasing kasiguraduhan kung kailan kami babalik pero baka seasonal na lang din dahil mahal nga ang ticket.

Nasa airport na kami ngayon at kanina pa natutulog si Mave sa bisig ng kaniyang ama-amahan. Mahimbing ang tulog dahil no’ng nasa taxi kami kanina, e panay ang likot niya dahil excited daw siya.

“Gusto mo ako naman ang magkarga sa kaniya?”

Umiling siya. “I’m fine. You want to sleep too? May oras pa naman para makapagpahinga ka.”

“Hindi na. Baka ma-boring ka, e mamaya na lang ako matutulog kapag nasa airplane na.”

Ngumiti siya. “Ayos lang ba talaga sa ‘yo ang bumalik na?” tanong niya.

“Bakit naman hindi? Saka apat na taon na ang nakakalipas, e. Isa pa, iniwan ko na lahat ng masasakit na alaala bago pa tayo umalis doon.”

“Even your ex-boyfriend?”

Napatitig ako sa asawa ko. Alam kong iniisip niyang mahal ko pa rin ang tatay ni Mave pero nagkakamali siya. Pinakasalan ko talaga siya dahil mahal ko siya. Siguro ay iniisip niyang ang bilis kong pumayag sa proposal niya dahil sa makakatulong siya sa akin pero hindi, pinakasalan ko siya nang wala na akong nararamdaman para sa tatay ni Mave.

Habang nasa relasyon kasi ako dati ay nagmo-move on na siguro ako dahil sa dami ng doubts and what-ifs ko.

“Yes. Nasabi ko naman na sa ‘yo, hindi ba love?” tanong ko.

He smiled at me. “I trust you. Pero sa lalaking iyon, wala. Kaya sana hindi na magtagpo ang landas n’yong dalawa. Gag* siya, e.”

Isinandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat. “Past is past. Hindi na dapat binabalikan ang mga taong nanakit sa atin.”

“Anyway, kumusta na pala iyong bestfriend mo?”

Napangiti ako nang maalala ko siya. “Happily married na siya at may isa na silang anak. How fast, hindi ba? Na-miss ko bigla ang isang ‘yon! Makadalaw nga sa kaniya kapag nakauwi na tayo.”

Umayos ako nang pagkakaupo at sinalubong ang tingin niya. “Grabe. Ang ganda-ganda mo talaga,” aniya.

Napairap ako. “Ikaw talaga parang ewan.”

Mabilis na lumipas ang oras at nakarating din kami sa Pilipinas, sa bahay na binili namin. Sobrang nakakapagod pero worth it naman dahil dito kami maninirahan, sa lugar kung saan nakasanayan na namin.

“Nga pala, misis ko. Darating daw mamaya iyong assistant Engineer na gumawa sa bahay. Wala kasi iyong head, eh.”

“Hmm, para saan daw? May sira pa ba ang bahay?” tanong ko pa ulit.

“Wala naman na raw. For documentation raw and for checking after a month,” sagot niya sa akin.

“Okay...” Narinig namin ang busina sa labas. “Mukhang nandiyan na sila sa labas.”

Ang asawa ko nga ang unang lumabas ng pintuan. Itinabi ko muna ang mga maleta dahil nakagitna. Buti na lang si Mave ay inakyat na sa taas at para makatulog nang mahaba.

Lumabas na rin ako ng bahay ay napatigil ako saglit dahil nakilala ko kaagad kung sino ang lalaking kaharap namin ngayon.

It was him...

The guy that I used to love. The guy that I trusted than anyone. And the guy who hurted me years ago...

✧・゚: *✧・゚:*

[COMPLETE]

start: 12/15/23
end: 12/21/23

unedited

Concrete Barriers (Career series 4) | ✓Where stories live. Discover now