RW: 24

22 5 0
                                    

Naabutan ko salas si Mom na kaharap ang kanyang laptop. Mukhang seryoso ang kanilang pinaguusapan base sa ekspresyon ng mukha nito. Narinig ko ring tungkol ito sa gaganaping operasyon ng pasyenteng galing US.

Hindi ko nalang inisturbo si Mom at tumungo sa kusina.

Naabutan ko si Tita Lina at ang kanyang asawa na naghahanda ng almusal.

"Good morning hija. Maayos ba tulog mo?" malawak na ngumiti ang ginang sakin at sinalubong ako ng yakap.

"Opo, kaayo po ba. Ayos lang ba sainyo?" nagkatinginan ang mag-asawa at tipid na ngumiti.

"Avhril, sobrang ayos lang. Mababait naman sila alam kung medyo awkward lang para sayo, dahil kung ako ang sa sitwasyon mo ngayon mahirap din para sakin" pinaupo ako ni Tita Lina at binigyan ng paborito kung hot chocolate.

Marami kaming pinagusapan sa mag asawa at hindi na namin namalayang tuluyan ng sumikat ang araw. Unti-unting naging maingay ang buong bahay. Bumaba si Lola at Lolo sa hagdan hawak ang anak ang half brother kung lalaki.

Pangatlong araw na pala nilang stay rito, Saka na nila paguusapan ang lahat kapag gising na si Dad. Kahit papano ay ayos naman silang kasama.

"Good morning Avhi" tumabi ng upo si Zaidan sakin at halukipkip na tumitig sa gatas na binigay ng kanyang Ina.

"Hi Zai, sorry hindi ko nasavi saiyo kahapon. Hindi ka naman siguro naghintay ng matagal" wala sa sarili siyang tumingin sakin at humawak sa mukha ko.

"Anyare sayo? Ti-next mo nga ako diba na may gagawin ka pa, kaya hindi na kita hinintay" lihim akong napangiti, mukhang si Kyro na mismo ang gumamit sa phone ko para i-text si Zaidan.

"Bat na tahimik ka, teka nga sinong kasama mo?" Bulong niya sakin at sumiklap sa kanyang ina na kunot noong nakatingin saming dalawa.

Mahina kung kinurot sa gilid si Zai at pinanlakihan ng mata. Masyado siyang halata.

"Wala po Tita may pinaguusapan lang kami" pilit akong ngumiti at tinapakan ang kanang paa ni Zai.

Ilang minuto ang lumipas ay unti unti ng nagsidatingan ang iba pa naming kasama.

Nagsimula na kaming kumain at tanging tunog ng kutsara at tinidor lang ang maririnig. Sobrang tahimik lang ng lahat wala ni isa ang nagsalita, nahihiya naman akong mag angat ng tingin ayoko kasing magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam ang gagawin.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala paring imikan, wala ring ni isa ang tumayo sa mesa. Gumaan lang ang atmosphere ng magsalita si Lolo.

"Avhril hija. Hanggang kailan mo iiwasan ang pamilya ng iyong ama" nabaling sakin ang lahat ng atensyon nila, napakuyom ako ng kamao at nag angat ng tingin.

"Sorry po, sadyang nagaadjust pa lang po ako" mahina kung saad at sakto lang na marinig nila.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon at gusto ko nalang lamunin ng lupa. Tahimik lang silang nakatingin sakin kaya napayuko ulit ako.

Ramdam ko namang lumapit sakin si Mommy at hinawakan ang baba ko. At saka maingay itong itinaas.

"Held your head high dear, wag kang magpatalo sa kanila. You are the biologal child" bulong ni Mom sakin, kahit pa ay naguguluhan ako sa inasta ni Mommy ay ginawa ko nalang ang kanyang sinabi.

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Mom at bigla siyang naging palaban. Wala naman akong nakitang threat sa bagong asawa ni Dad. Mukha naman itong mabait at palangiti rin.

"My daughter is still adjusting Dad. Hindi pa niya lubos matanggap ang mga nangyari, like me. I'm surprised, very surprised" kita ko ang pekeng ngiti sa labi ni Mom habang nakatingin sa dalawang matanda sa gilid.

Remember WhenWhere stories live. Discover now