CHAPTER FOUR

134 18 6
                                    

THE WINTER'S CASTLE
(Ivory/Bathory)

I purposefully shoved the dining hall's double doors open, causing a loud bang against the wall that resonated through the corridors. Lahat ng mga tagapagsilbi na nasa loob ng malawak na silid kainan na may pag-iingat na nagsisilbi sa hapag at ang aking mga kapatid sa ama na sina Sofiel at Legina na matamlay na nag-aagahan ay sabay-sabay na napapitlag at napabaling sa aking direksyon.

As I walked into the room with a straight, tepid expression on my face, their eyes widened and their mouth dropped exaggeratedly.

"Please accept my heartfelt apologies for being late for breakfast, my dear sisters," I murmured casually to my stunned step-siblings. Tanging manipis at lumang bestidang tunika na lagpas tuhod lamang ang aking suot kumpara sa magarbong coats at roba ng mga ito ngunit ipinagkibit-balikat ko muna iyon dahil importanteng malamanan ang aking tiyan upang mas makapag-isip ng tama.

Nakarinig ako ng mga singhap at nguyngoy sa paligid ngunit muli ko iyong binalewala. Dumiretso ako ng lakad patungo sa isa sa mga upuan ng mahabang hapag kainan na lalo lamang nagpalaki sa mga mata ng aking mga kapatid.

'Aking mga kapatid'. Tama. Simula sa araw na iyon, mamumuhay ako bilang si Bathory ngunit hindi tulad ng paraang kinasanayan ng dalaga noon.

The real Bathory was previously forbidden from eating in the castle's dining hall. She had no privilege to feast at the long table like her stepmother and stepsister. She was obliged to dine with the servant, who served her only grubs for dogs.

Lihim akong napa-iling dahil sa loob ng mahabang panahon, ni hindi man lang binigyang pansin ng ama ng dalaga ang bagay na iyon. He never cared for her even a bit.

My stomach clenched at the memory of Bathory being humiliated by the duchess and the servants in that chamber numerous times, yet her father remained unfazed by her plight.

Such a douche!

And the thought na wala ring kaalam-alam ang duke na wala na sa mundong iyon ang isa sa mga anak nito ay lalo lamang nagpaliit sa tingin ko rito.

Napa-iling akong muli sa aking isipan bago hinila ang isang upuan sa harap ng mahabang mesa na na-oodornohan ng mga gintong kandilabra at mamahaling panapin na gawa sa sutla.

Not bad.

The dining hall was vast, unrestricted, and exquisite, with a brilliant golden candle-lit chandelier suspended from the high ceiling. Ang mga dingding ay puno ng mga banners ng puting lobo na kumakatawan sa pamilya Winters. Although not as grand as my kingdom's dining area, it is definitely comfortable.

Now, let's feast.

Kumilos ako at akmang uupo nang makaramdam ako ng isang hindi kaaya-ayang presensya sa likuran.

Agad kong hinarap ang walang ibang si Helga na agad akong sinundan sa silid kainan. Her hand held up and was going to grab my arm to prevent me from sitting in the chair like I was about to commit a grave crime, but I swiftly smacked her hand, shocking the head servant and everyone in the hall.

"What do you think you are doing, Helga?" walang emosyon sa mukha na tanong ko rito sa mababa at seryosong tono.

Muli akong inatake ng alaala ni Bathory. Nang ilang beses itong ipahiya ni Helga sa harap ng mga Winters habang nasa gitna ng masagang pagkain ang buong pamilya, at pananampal nito sa dalaga sa tuwing nakagagawa ng pagkakamali ang pobre sa pagsisilbi sa hapag.

Seriously.

The wench should be given a lesson, but in the meantime, I must restrain myself and eat first.

Matiim kong tinitigan ang head servant sa paraang naka-uurong ng dila at nakita ko ang marahan nitong paglunok. Hindi man kaaya-aya ang aking pananamit sa oras na iyon, ngunit bilang anak ng isang duke at bilang bagong Bathory, alam kong may sapat na awtorisasyon ang dugong nanalatay sa bawat ugat ng katawang aking sinasaniban.

At bilang isang tagapagsilbi, hindi maiiwasan ng isang tulad ni Helga na makaramdam ng pangingilag sa ayaw at sa gusto nito dahil bagamat isa lamang akong ilihetimong anak, mas mataas pa rin ang antas ko kumpara dito.

The real Bathory should have known better, but she chose to remain weak and endured the bullying until her last breath.

She's annoying the hell out of me kaya naman bago pa ako madala sa aking inis para dito ay muli kong itinuon ang aking atensyon sa punong tagapagsilbi. "I hate it when someone sneaks up on me, Helga," I said to her in a solemn tenor, sat down on the chair, and waved my hand at her. "Please refrain from doing so and go, bring me breakfast."

"Anong sabi mo?" angil nito na bagamat may bahid pa rin ng pag-aalinlangan ay tila pilit nitong nilalabanan iyon. "Huwag mong sagarin ang pasensya ko, Bathory. Alam mong ipinagbabawal sa'yong kumain sa silid na ito at ang lakas ng loob mong humarap kina Lady Sofiel at Lady Legina sa gan'yang kasuotan! Tumayo ka na d'yan ngayon bago pa kita kaladkarin palabas ng silid-kainan!"

Awtomatikong tumaas ang tensyon na bumabalot sa buong silid. Nag-iwas ng tingin ang mga tagapagsilbi habang nanatiling tahimik naman ang aking mga kapatid sa ama. Kumislap sa pagkasabik ang mata ng mga ito na tila inaabangang totohanin ni Helga ang banta nito.

Yeah, they're like that in Bathory's past memories. They were thrilled watching their sister being tormented by their mother and the head servant.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. I knew I'd have a difficult time coping with them and Helga. I thought I could at least eat something before performing a stunt, but the witchy head  servant won't let me.

Labag man sa kalooban ay agad akong tumayo buhat sa aking kinauupuan at hinarap ito. Nakita ko ang marahang pagguhit ng ngisi sa labi ni Helga ngunit bago pa iyon umabot sa tigkabilang tenga nito at mabilis pa sa kidlat na lumipad sa ere ang aking kamay saka ito pinadapuan ng sampal.

Sa lakas niyon ay nawalan ng balanse ang punong tagapagsilbi at bumagsak sa sahig na agad sinapo ang pisngi. Muling napuno ng malalakas na singhap ang silid kainan habang si Helga naman ay namula ang buong katawan na bumaling sa akin.

"Ikaw! Magbabayad kang bastarda ka!" Akmang babangon ito upang gantihan ako ngunit bago pa ito makakilos ay nakahakbang na ako palapit dito at binigyan ng isa pang malakas na sampal ang kabila nitong pisngi.

Lumarawan ang gimbal sa mukha ng lahat ng bumagsak itong muli sa sahig na hindi makapaniwala sa aking ginawa.

"A piece of trash like you should know your place. Sa susunod na tawagin mo akong bastarda, higit pa r'yan ang matitikman mo, Helga," banta ko rito saka tila walang nangyari na bumalik sa aking upuan.

My stepsisters, whose faces grew pale as sheets of paper, gulped hard as they peered at me as if I had grown another head, then looked behind me where the door was. Yes, I did hear footsteps when I was giving Helga the dose of her own medicine.

They arrived, and I assumed they saw what I did.

Gumuhit ang malawak na ngiti sa aking mga labi bago ako bumaling sa pintuan kung saan naroon ang dukesa, si Lady Vernon at ang duke ng Winter Castle na si Ashton Winter.

I rose gracefully and welcomed them as if I hadn't just caused a disturbance. "Welcome home, Vernon, mother and father."

Did they enjoy my surprise? Oh, I wonder!











LUNA OF THE NORTHWhere stories live. Discover now