Chapter 11: Hatid-Sundo

85 7 6
                                    

YANNY'S POV

"Nagseselos ka kay Jessa no?",nabigla ako sa tanong niya.

"A-ako?Se-selos kay Je-jessa?A-at ba-bakit naman?Ha?",bakit nauutal ako.Anoba!"Ha-halika na nga sa loob.Gutom na ko.Biro lang yun kanina",at nauna na kong pumasok.Feeling ko kasi namumula ako eh.

"Uy kambal!Mahiya ka naman.May nakaupo na oh",nabuhayan ako sa sita ni Jez.Di ko alam na pumwesto ako sa may nakaupo na.

"Ay.Sorry.Sa sobrang kagutuman ko,nawawala na ko sa sarili eh",nahihiya kong sabi sa dalawang nakaupo na dun at tumayo na.

Umupo kami ni Jez sa vacant na syempre.Tapos nag-order na si Alex.

Nakakahiya yung ginawa ko kanina.Haysss.Ewan.

"Aminin mo nga kambal?Nagselos ka kay Jessa noh?",bulong sakin ni Jez.

"Se-selos ka dyan!Hi-hindi ah!",bakit ba ganito ko magsalita.

"Weh?Bakit nauutal ka?Saka mukha ka ng kamatis kanina",bakit ba ang lakas mang-asar ng babaeng to."Baka naman,may gusto ka na kay Alex?",

"NO WAY!",napalakas yung sagot ko kaya tinginan ang mga tao sakin.Nagpeace sign ako sa kanila at ngumiti.Nakakahiya talaga.

"Eto na!",biglang dumating si Alex na may dalang isang bilog na forest cake.Pero di naman kalakihan.Tapos 3 cappucino.And may dalang books na din.

"Thanks!",nagsimula na kaming kumain.Wala pang nagsasalita sa amin.Kumuha ako sa isang book na dala ni Alex.Pati na rin yung dalawa.Nagsimula akong magbasa pero wala akong maintindihan.

Bakit ganun ako magreact kanina?May gusto na kaya talaga ako sa kaniya?Parang wala naman eh.Ano ba yan.

"Yanny?Di ko alam na marunong kang magbasa na nakabaliktad?",nagtaka ako sa sabi ni Alex kaya tinuro niya ang librong hawak ko.At shit.Nakabaliktad.Kaya pala wala akong maintindihan eh.

"Ah-eh.Tinatry ko lang magbasa pabaliktad if kaya ko.Hehe",deny ko.Anong klaseng sagot yun?

"Eh kambal?bakit mo linagay yung cake sa capuccino mo?",bigla kong tiningnan ang tasa ko na may cake na.

"Eh-wala lang.Tinatry ko lang kung anong lasa pag dinutdot ko",deny ko ulit.Saka ko kinain yung cake na nasa tasa.Mabuti naman at masarap.

"Ang dami mong gustong itry ngayon ha",natatawang sabi ni Alex.

"Ah-oo!Haha.Oo!Try nyo idutdot yung cake sa capuccino,masarap!",yan na lang nasabi ko at nagbasa ulit.

Ano bang nangyayari sayo Yanny?Haysss.Ano ba!

"Kambal?Balik na tayo sa booths natin",biglang yaya ni Jez kaya pumayag na rin ako.Tapos na rin naman kasi kami kumain.Nagpaalam na kami kay Alex saka umalis.

"Uy kambal!Muntanga ka kanina.May gusto ka na kay Alex no?",pang-aasar niya sakin.

"Ha-hala.A-ako?May gusto na sakaniya?Halaaaa!",

"Sus.Deny pa kambal.Bakit nauutal ka?",

"Wala lang.Sige na!Kailangan na ata ako sa booth namin,kanina pa ko wala",paalam ko saka umalis na.

"WAG KA NG MAGDENY KAMBAL!",pahabol niya.

Bakit nga ba kasi ako nauutal?Saka bakit parang nag iba yung mood ko nung nakita ko kanina sila Alex at Jessa na magkasama?Hayssss.Pagod lang to.

--

Second day na ng foundation week.Mas naging busy.Mamayang 6pm,magsisimula na yung mga magpeperform na banda at mga sasayaw sa field.Naglagay kasi ng malaking stage.Hanggang gabi yun.Taon-taon ganito.Madalas kasing magpapagabi yung mga college students.Ganyan.

My Imaginary GuyWhere stories live. Discover now